3
"Kailangan ko ng pera wala ako pang-inom, bayaran mo na yung hulog mo ngayon."
Kaagad kong nilagpasan ang aking nakahalukipkip na landlady at nanginginig na inabot ang susi mula sa bulsa.
"Hoy kinakausap kita! Wag mong sabihing nagbibingi-bingihan ka? Baka gusto mong palayasin kita!”
Hindi ko na muling pinansin ang aking landlady at marahas na sinara ang pintuan. Kinuha ko ang iilang gamit at pinangharang sa pintuan. Tinalian ko na rin ito at sinarado ng maigi ang mga bintana ng apartment. Nababahala ako sa mga pangyayari. Sigurado akong hindi na ito guni-guni lamang.
Tunay siya. Hindi siya imahinasyon.
Hindi tao. Hindi multo. Para akong mababaliw kakaisip kung anong klaseng lamang lupa ang lalaking iyon.
Ano man ang mangyari, mahalaga ay nakalayo na ako sa lugar nina Ana. Hindi niya ako maabot dito. Tama, baka doon lang siya sa hotel naghahasik ng lagim.
Pero paano si Ana?
Iniling ko ang ulo. Magiging ayos lang siya. Oo, magiging ayos lang ang kalagayan niya.
Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na nasa wastong lagay lang si Ana, ngunit wala rin naman akong lakas para siya’y alalahanin pa gayong natatakot din ako.
Binuksan ko na lamang lahat ng ilaw at kinuha ang aking rosaryo sa tukador. Hindi ko na inalintana ang pag-aaksaya ng kuryente datapwa’t hirap na nga akong magbayad. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako mapapalagay hangga’t narito pa ang kilabot sa aking puso. Kailangan ko lang manalangin.
Naka-ilang bulong ako ng Hail Mary bago mamatay ang ilaw at balutin ako ng kadiliman. Halos mapamura ako. Mabilis kong kinapa ang hapag. Kinuha ang kandila at maiging sinindihan ito gamit ang posporo.
Nang sa wakas masindahan ito, tumambad sa akin ang tindig ng isang matikas na pigura ng lalaki.
"Tang-" Nasagi ko ang kandila sa pagkabigla. Muli akong binalot ng kadiliman. I know he was still here, hiding somewhere in the darkness. Hinawakan ko ng mahigpit ang rosaryo at dinasal ang Hail Mary.
Ngunit mas lalo lamang nagalit ang ilaw nang mag patay-sindi ito habang binubunyag ang lakaking nasa harapan ko lamang. Bagama't ramdam ko ang titig niya, hindi ko siya kayang masdan.
“D-Diyos k-ko po. T-tulungan n-niyo a-ako.”
Habang binubulong sa sarili ang panalangin, naramdaman ko ang sariling marahang tinataas sa ere hanggang sa lumapat ang aking likuran sa magaspang na dingding. Tila sinasakal ako ng hangin dahilan para mabitawan ko ang aking rosaryo.
Lumaki ang aking mata ng lumipad ito sa lalaking nasabi at mapilyong nilaro sa kamay. Ilang saglit ay naglaho sa ere ang rosaryong kapit-kapit ko kanina.
"An-o ano ka." Hirap kong sambit sa lunduyan ng pagkaka-sakal. “D-demonyo… I-in the name of Jesus—”
Nadinig ko ang mahina nitong halakhak.
“P-parang a-awa!”
Isang ngiti lamang ang kanyang naibaling. Mas lalong humigpit ang pagkaka-sakal. Hindi ko na kaya. Ano mang hapit ko sa leeg, wala rin akong mapipigilan subalit marahas na simoy ang aking inaalipusta.
"Hu-huwag pa-pakiusap" Namamagaw kong sambit.
Tila lumabas sa kabilang tenga ang aking mga pakiusap sa lalaki. Instead he smiled, a devilish grin painted on his chiselled face. Masyadong mapanukso, palalo at mapanghamak.
Sa ilang segundo ng paganalisa sa kaniyang mukha naramdaman ko ang marahas na kirot na sa aking hinuha ay magdudulot ng iilang sugat.
Napasigaw ako nang araruhin ng aking likod ang landas ng kisame bago muling lumagpak sa matigas na palapag.
"P-par-ang awa." Nanginginig kong sambit, duguan ang ilong at duguan ang mga labi.
Huminto ang pagpapasakit kasabayan ng tuluyan kong pagsuka sa sahig. Pawang mga dugo lamang ang lumabas sa bibig. Marahan kong narinig ang kaniyang mga yabag na papalapit sa akin gayunman naging mapanglaw ang aking nararamdaman. Nasasaktan na ako, kung pwede lang matigil na ang lahat...natatakot ako.
Tulungan. Tulungan niyo ako...pagal kong hiling sa sarili. But no matter how many times I wished for help, walang sasaklolo. Instead, I was left alone with this man. Fighting my own battle and fear.
Isang kamay ang mariing dumakma sa aking baba upang itaas ito upang makatagpuan ng aking mata ang kaniyang nangangalit na bisyon, imbis na bughaw ay mapulang kulay ang sumalubong sa akin. Sumisigaw ng dugo ang pinta ng kaniyang mata na animo'y ilang tao ang napuksa.
"Walang magagawa ang paghingi mo ng tulong."
Nanginig ako sa malamig niyang rehistro. His voice was nothing I had ever heard before. Napakalalim at gayundin ang tayog nito. Maaari niya akong utusan sa isang salita at sundin nang walang pag-aalinlangan.
"H-hindi ka t-tao" Nanginginig kong sambit sa kaniyang marahas na hawak.
"Ofcourse. Because a human can't cause pain like this without lifting a finger."
Muli akong humalinghing nang makaramdam ng kirot sa aking sikmura na animo'y sinipa ako ng hangin. He came close to my ear, grinning as I feel his breathe fanning my shivering form.
"Angela..."
Lumaki ang aking mata sa narinig. His voice from my dream. A familiar symphony in my ears. Hindi ako nagkakamaling siya rin ang taong nadinig.
"Angela... don't I just love your name. I also like your dreams...dreams of hope?"
Sa ikalawang beses ay napasigaw ako sa sakit na nadama, kasabayan ng aking pagtangis ang halakhak ng lalaki na animo'y musikang magkasabay sa ritmo. Paulit-ulit akong nasugatan, nasaktan at umiyak ngunit mukhang hibang na hibang ang lalaki sa aking mga hinagpis.
"You entertain me so much Angela..."
Tinitigan ko siya, puno ng takot sa aking mata. If I was going to die, kailangan kong maibaon sa utak ang mukha ng lalaking nasa harapan. From his clouded eyes, pale complexion, his chiselled face, pointed nose and devilish grin. His handsome face is a sinful sight. Was he really the devil?
Base sa bibliya, magagandang nilalang sila. Hindi nakakatakot ang itsura. At hindi malayo ang itsura ng lalaking ito mula sa mga nababasang lathala.
Nararamdaman ko ang aking panghihina at ang pandidilim ng aking paningin. Maraming sugat at pasa ang yumakap sa aking katawan ngunit naging biktima ako ng dilim kung kaya't nawalang saysay ang kanilang halaga.
"...Maglalaro pa tayo. Pero mukhang matutulog ka na..." Hinaplos niya ang aking pisngi. Nandiri ako sa sarili. Nadumihan sa kaniyang haplos.
"Magpahinga ka muna anghel ko..."
Lumamlam ang kaniyang mata habang bumubulong sa kawalan. Anghel… He said I was an angel but I was far from being one. At siya, malabong malugod sa aking kinahihinatnan sapagkat siya rin ang nagdulot.
Ang kadiliman na aking kaagapay – ang kaibigan kong madalas kasama. Tulad ko ang gabing karimlan dahil ako'y isang taong nagtatago sa madilim na katotohanan. Katotohanang mag-isa lamang ako sa lahat ng magiging laban.
__
KINAUMAGAHAN, nagising ako sa namamagang katawan. Bahagya akong umungol nang maramdaman ang bigat ng katawan. Napaupo ako nang mapansing nasa aking higaan na ako. Inangat ko ang mga braso sa sarili at nabigla subalit walang sugat ni pasa ang tumambad sa akin.
Minasdan ko ng maigi ang sarili. Kinapa ko ang likod, umaasang nagkakamali lamang ako. Ngunit napainda ako sa sakit nang masagi ang sugat sa likuran.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatunganga sa kawalan. Tila malaking sampal ang lahat ng pangyayaring mabilis na pumasok sa aking magulong buhay.