Chapter 3

2164 Words
Her POV Nagsimula ang party, hindi naman ako masyadong umaalis sa inuupuan ko kasi wala naman akong masyadong kilala dito, si Kris meron siyang nakikilala sa ibang group, si Sam naman need niyang i-entertain yung mga bisita niya. So ako lang talaga ang mag-isa dito habang umiinom ng wine. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala ganon kalakas ang social skills ko, kasi isipin mo wala akong makilala sa mga tao dito, kahit na sinabi ni Kris na halos lahat daw dito naging school mates na namin pero hindi ko talaga sila matandaan. Yung lalaki naman na kinukwento ni Kris sa akin kanina wala na siya doon sa inuupuan niya. Wala na din masyadong kumpulan, kaya hindi ko alam kung asaan na siya ngayon. Hindi ko alam nag anito ako magiging interesado sa mga ganong kwento ah, isipin mo naging school mates pala kami pero hindi ko man lang alam ang bagay na iyon. Tumayo na lang ako sa aking kinauupuan at tumungo sa beverages area. Sa sobrang focus ko sa pag-aaral hindi ko alam na ganito din pala ang lasa ng mga iniinom nila Sam. Lagi kasi akong pass kapag may yayaan sila eh. “Hi, miss.” Napatigil naman ako sa aking ginagawa sabay napatingin sa aking gilid. Nakita ko doon ang lalaki na hindi naman pamilyar sa itsura pero nakangiti lang siya sa akin. “Sorry do I know you?” Hindi ko alam kung medjo rude ba yung pagkakatanong ko. Kasi naman hindi ko naman kilala kung sino siya. Napangiti lang siya sa akin sabay kumuha ng bote ng alak at tinignan ito. “Alam mo matagal na kitang nakikita lagi, pero lagi ka kasing naka-focus sa pagbabasa mo.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya pero wala talaga akong idea sa mga iyon. “S-sorry, kilala mo ako?” tanong ko sa kaniya. Napangiti siya sa akin sabay hinawakan ang noo ko na parang ang tagal na naming magkakilala. “Hindi mo talaga ako nakikilala? Sh*t ganon lang ba talaga ang buhay ko sa ‘yo parang alikabok lang?” natatawa niyang tanong. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinasabi niya. Wala talaga akong idea kung sino ang lalaki na nasa harapan ko ngayon. “It’s me Cedric, yung lagi mong ka-partner at ka-group sa group activities dati nung high school, hindi mo natatandaan?” Napakunot naman ang noo ko habang tinitignan siya. “C-Cedric, ah okay.” Napatango-tango naman ako habang tinitignan ko ang itsura niya. Nakilala ko siya dahil sa scar niya sa kilay. Dati kasi sariwa pa iyon nung magka-group kami, iyon kasi lagi ang napapansin ko kasi ang disturbing niya sa paningin ko. “Sorry, hindi kita agad na-recognize ha, madami kasing tao eh,” nakangiti kong sabi sa kaniya. Napailing-iling lang siya habang namimili ng alak. “Wala ka pa ding pinagbago, ikaw pa din nga yung nakilala kong Kim dati, isipin mo ang gali mo sa acads pero pangalan ko hindi mo matandaan? Magkalapit lang yung apelyido natin tapos hindi mo pa ako natatandaan,” sambit niya sa akin. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil hindi ko din naman natatandaan kung ano yung apelyido niya. “Sorry ha, pero ano nga ulit yung apelyido mo?” tanong ko sa kaniya. Napahinga naman siya nang malalim sabay napailing-iling. “Alam mo, ikaw nga talaga si Kim grabe. Constantino, Constantino yung apelyido ko, ikaw ‘di ba Dela Cruz kaya nagiging magka-grupo tayo kasi ako yung dulo ng letter C ikaw yung nasa una or pangalawa ng letter D na apelyido.” Napatango-tango naman ako bilang pagsang-ayon. Humarap ako sa mga alak at namimili na para bang alam ko kung ano ang mga klase ng alak na iyon. “So, hindi ko alam na nandito ka sa birthday party ni Sam ah, parang ngayon lang kita nakita na um-attend na sa ganitong party,” “Ah, actually napilit lang naman ako ni Sam, hindi sana ako pupunta kaso mapilit eh, kaya pinagbigyan ko na.” “By the way, you look good sa suot mo,” bigla niyang sabi. Napatingin naman ako sa black dress na suot-suot ko. “Ah Salamat,” nakangiti kong sabi. “By the way hard drinker ka pala?” tanong niya sa akin. Hindi ko naman siya hinarap at basta-basta lang naglagay ng alak sa baso ko kahit hindi ko naman alam kung ano bang klase iyon. “Grabe ang dami na pa lang nagbago sa ‘yo ngayon, dati hindi ganyan ang fashion mo, ngayon nag-iba na. At hindi ko alam na ang top student na gaya mo na laging nakaharap sa libro niya ay umiinom na?” sambit niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya na para bang sinasang-ayunan ko ang sinabi niya. Actually, hindi naman ak umiinom eh, ngayon lang. Nakikita ko kasi yung ibang babae sa kabilang table na nakatingin sa akin at parang jina-judge na ang buong pagkatao ko dahil sa nakikita nilang iniinom ko. Well, hindi naman masama na sumubok kahit papaano. Napatingin ako kay Cedric sabay ni-raise ang baso. Napangiti naman siya sa akin sabay idinikit ang baso niya sa akin. Agad kong ininom ng isang lagukan ang alak na siyang ikinagulat niya. “Uy.” Agad niyang kinuha ang baso ko na walang laman na, habang ako ay nakikipaglaban sa gumuguhit na anghang, pait o kung ano man yung nararamadaman ko sa lalamunan ko. “Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. “Pahingi nga po ng lemon,” sambit ni Cedric. Agad naman nagbigay ang barista ng cut lemon kay Cedric sabay inilapit ito sa bibig ko. Agad naman akong lumayo dahil sa maasim naman na lemon. “Huwag kang lumayo, para nga mawala yung las ana ininom mo eh,” sambit niya. Sinunod ko naman ang kaniyang sinabi at kinain ang lemon. “Hindi ka umiinom no?” bigla niyang tanong sa akin. “Huh?” “Sino ba naman kasing lalaklakin ang kalahating baso ng matapang na alak na akala mo juice lang? Hindi mo ba alam na iyon yung matapang na alak dito,” sambit niya sa akin. Napahinga lang ako nang malalim habang hinahabol ang hininga ko dahil sa nangyari. Umupo muna ko sa upuan habang hawak-hawak ang aking noo. “Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. “Ah, oo don’t worry about me.” Nagpahinga muna ako at pinakiramdaman ang sarili ko. Madami-dami na nga akong nainom na red wine tapos nakainom pa ako ng matapang na alak. “Gusto mo ba ihatid n akita pauwi?” tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya sabay ngumiti. “Ay hindi na, ayos lang ako.” Tumayo ako sa aking kinauupuan at naramdaman ko ang sandaling pag-ikot ng paligid kaya napaupo ulit ako. “Lasing ka na Kim, tara na iuuwi na kita. Kanina pa kita nakikita na umiinom ng red wine eh tapos ganiyan uminom ka pa nung alak,” pag-aalala niya. “Hindi na okay lang ako. Papahangin lang ako sa labas. Andito pa kasi sila Kris at tsaka Sam, kaya sa kanila na lang ako susunod.” “Sigurado ka ba?” tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. “Yeah, okay lang ako. By the way it’s nice to see you pala, Cedric.” Ngumiti naman siya sa akin sabay napatango. “By the way pwede ko ba mahingi yung number mo para pwede tayo mag-coffee next time,” sambit niya sa akin. “Ah, hingiin mo na lang kay Sam yung number ko, hindi ko kasi matandaan eh,” sambit ko sa kaniya sabay naglakad papalayo sa kaniya. Ang totoo, ayaw ko lang ilabas dito yung barok-barok kong cellphone na para bang nakikipag-agawan na kay kamatayan dahil sa sobrang tagal na. Ginagamit ko na lang iyon pang-text kila Mama, pero para sa mga internet hindi naman gumagana iyon. Kaya no choice ako na umalis na lang kahit na nahihilo na ako kasi kung mananatili lang ako sa loob wala din naman akong kausap doon, isa pa hindi pa ako ganon ka-kumportableng kausap si Cedric. Hindi ko nga alam kung paanong may nakakakilala pa sa akin dito eh hindi naman ako ganon nakikipag-usap. Napapahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa pagkahilo. Sino ba naman kasing tanga ang hindi muna inaalam kung ano yung iniinom? Parang pwede na akong malasason sa mga pinaggagawa ko dahil kung ano-ano lang din naman ang iniinom ko. “O my ghad what the f*ck.” Agad akong napahinto ng may makabangga na naman akong isang tao na hindi ko kilala. “Sorry, medjo nahihilo lang,” sambit ko sa kaniya. Napatingin ako sa kaniya at tinignan ko siya ng maigi, hindi ko naman siya maaninag ng maayos dahil sa gabi na din at nabangga ko siya dito banda sa dim ang ilaw. “Hindi kasi nag-iingat eh,” inis niyang sabi. Napalunok na lang ako, dahil sa kaba ko. Mukhang mapapaaway pa ata ako dito na walang di oras ah. “Sorry ul—Ahh!” yumuko ako para mag-sorry sa kaniya ang kaso na-out of balance ako dahilan upang mapayakap ako sa kaniya. Agad akong napatingin sa kaniya, napahinto ako ng biglang magkasalubong ang mga mukha namin na sa sobrang lapit pwede nang magdampi ang mga labi namin. “Wow, hindi ko alam na meron pa pa lang mga babaeng katulad mo na maglalasing sa ganitong party,” bigla niyang sabi. “Sorry ul—” agad niyang tinakpan ang bibig ko at agad na nagtago sa pinaka gilid kung saan walang makakakita. “Mhh!” pagpupumigilas ko. “Huwag ka ngang maingay, merong makakarinig sa ‘yo eh.” Napatigil naman ako nang marinig ko ang babae nagsalita mula sa labas. “Nakita ninyo ba siya?” “Hindi eh, kanina pa nga namin hinahanap eh, try mo sa loob,” sambit ng isang lalaki. Nakita ko naman na merong tumakbo papasok sa loob na babae na nakasuot ng blue na gown. Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kaniyang kamay na nakaharang sa bibig ko. “Tara.” Nagulat naman ako ng biglang hinatak niya ako na para bang magkakilala kami. “Wait lang—Ahh!” Nadapa ako dahil sa bilis niyang paghatak sa akin. “Ano’ng klase ka ba namang babae, napaka lampa mo,” sambit niya. “Bakit mo kasi ako hinahatak nang mabilis. Ang sakit kaya sa paa nung heels ko.” “Wala siya sa loob eh.” Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita ko na naman ang babae na tinatakbuhan niya. “Bubuhatin na kita.” Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat sabay tumakbo papalayo doon. Nakatingin lang ako sa kaniya habang buhat-buhat niya ako. Pero hindi ko siya maaninag nang maayos dahil sa hilo ko. Pinulupot ko na lang yung kamay ko sa kaniyang leeg sabay humarap sa kaniyang leeg at pumikit dahil kapag nakikita kong gumagalaw yung paligid ko pakiramdam ko masusuka ako. Naramdaman ko naman ang dahan-dahan niyang paghinto sa pagtakbo. “Ano sa tingin mo yung ginagawa mo?” tanong niya sa akin. “Nahihilo kasi ako sa pagtakbo mo, baka masuka pa ako dito,” sambit ko sa kaniya. Dahan-dahan naman niya akong binaba sa pagkakabuhat niya pero pagtayo ko, sinandal ko lang ang noo ko sa kaniyang balikat. “Pwede bang pasandal lang sandali. Nahihilo lang talaga ako eh,” pakiusap ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot sa pakiusap ko, pero nanatili lang kaming nanatili sa ganong posisyon. Habang nandito kami sa posisyon na ito, hindi ko mapigilang hindi amuyin yung pabango niya. Grabe alam mo yung panlalaking amoy pero hindi siya matapang, para pang nang-aakit. “Kilala mo ba ako?” tanong niya sa akin. “Hindi eh.” “So bakit ka lumalapit sa akin kung hindi mo ako kilala?” natatawa niyang tanong. Napahawak naman ako sa kamay niya upang maging gabay ko sa pagtayo. “Correction lang ah, ikaw yung naghatak sa akin papunta dito, hindi ako kaya panindigan mo ‘yang ginagawa mo,” sambit ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha yung mga gano’ng klaseng sinasabi ko. “So ako pa pala yung may kasalanan?” tanong niya sa akin. Napapikit ako sabay napatango-tango. “Hindi ko alam kung paano bumalik, tapos kinaladlad mo pa ako papunta dito.” “Akihiro.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Huh?” “Akihiro Xavier Demitri, pangalan ko. Tandaan mo ah, first time ko lang nagbigay ng pangalan.” “Okay-okay copy-copy. A-a basta ‘yun yung pangalan mo.” Bigla naman siyang natawa na para bang naging katawa-tawa ako sa harap niya. “Ano’ng nakakatawa doon?” “Nah, first time ko makakita ng ganito kaligalig na babae kapag nalalasing, well I can escort you tonight if you want to.” “Saan naman?” tanong ko sa kaniya. “Kahit saan, sasamahan mo ba ako?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD