bc

El Deseo Del Diablo (El Diablo Trilogy 2) Filipino

book_age18+
1.6K
FOLLOW
3.8K
READ
dark
fated
dominant
kinky
confident
drama
tragedy
mystery
intersex
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

WARNING!

Rated 18

This novel strictly not suitable for minor readers.

This is the second book of El Diablo Trilogy. A Kenji Yukimura story.

Zarina lost her fiance Allen after the plane crashed. She was trapped in an Island with Kenji, like her, Kenji lost his fiancee too.

Sa loob ng ilang araw na pananatili nila sa isla ay inalipin sila ng tukso, tukso na manipulado ng isanv diablo. Subalit hindi lamang sa isla nagtatapos ang lahat.

They met again and an untold affair continued. But the curse of the devil in Zarina's life never stops bothering them.

Hanggang kailan mananating matatag ang pagmamahalang sinusubok ng isang diablo?

chap-preview
Free preview
Prologue
LINGGO ng umaga pagkatapos magsimba ni Zarina kasama ang fiance niyang si Allen ay dumeretso na sila sa kombento upang maayos ang pagpapakasal nila. Habang nasa loob ng kumbento si Allen ay lumabas siya at naghanap ng palikuran. Ngunit pagdating niya sa tapat ng gusali kung saan naroroon ang palikuran ay natigilan siya nang may matandang babae ang dumaop sa kanang palad niya. Awtomatiko'y tumigil siya sa paghakbang at hinarap ang matanda na may tungkod na at hindi na halos makalakad. Balot ng itim na belo ang ulo nito at itim ang blusa maging ang saya nito na sumasayad na sa lupa ang laylayan. Mahigpit ang pagkakakapit nito sa kamay niya. Iniisip niya na baka kumapit lang ito sa kanya upang mas mabalanse ang timbang. Nagtataka siya bakit ang init ng palad nito ay tila hindi normal, parang may lagnat. "O-okay lang ho ba kayo, lola?" nag-aalalang tanong niya. Walang kurap na tumitig sa kanya ang matanda at nagsalita. "May maitim akong pangitain na nakikita sa iyong katauhan, ineng. Huwag mo sanang ikasasama kung titingnan ko ang iyong kapalaran," anito. "Pero hindi po ako naniniwala sa hula, lola. Pero sige ho," aniya. Hinayaan niyang haplusin nito ang kanang palad niya. Pumikit ang matanda habang hinihipo ang palad niya. Nagsisimula na itong magsalita. "May nakikita akong trahedya, kabaong, mga labí, apoy at karagatan. Ang mga iyon ay nakikita ko sa iyong hinaharap. May isang lalaki na darating na hindi mo inaasahan. Ang lalaking unang hahawak sa kamay mo bukas ng umaga ay siya ang nakatakda na makakasama mo habang-buhay. At may—" Hindi na natuloy ang sasabihin ng matanda. Bigla na lamang ito dumilat at tumitig sa kanya. Ang mga mata nito ay wari mata ng mga pusa na itim na guhit na lamang ang eyeballs. Animo napaso at dagli nitong binitawan ang kamay niya. "May panganib na nakaamba sa buhay mo, hija. Mag-iingat ka sa mga taong nakakasalamuha mo. Maniwala ka sa akin. Totoo ang pangitaing nakikita ko," patuloy anito. Hindi niya maikakailang kinakabahan siya kahit hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nito. Ikakasal na siya at hindi na niya kailangang maniwala sa mga hula. Masaya na siya sa buhay niya lalo na't ikakasal na siya kay Allen na matagal na niyang minamahal "Pasensiya na po pero naniniwala po ako na ako ang magdadala ng kapalaran ko at hindi ang mga hula. Wala ho akong mapapala sa mga hula," aniya. "Ngunit bihira ako nakakadama ng kilabot, ineng. Otchenta-singko anyos na akong nabubuhay sa mundo at sa tagal ko nang nanghuhula ay wala pang pumalya sa mga hula ko. Hindi ako isang manghuhula na ginagawang hanap-buhay ang aking abilidad. Meron akong ibibigay sa iyo," anito at may dinukot sa bag nitong gawa sa anahaw. Tumitig siya sa hawak nitong munting bote na may lamang kung anu-anong dahon at mga ugat na tila binuro sa langis. Inipit nito iyon sa kamay niya. Tinanggap naman niya iyon at pinagnilayan ang laman ng bote. May nakikita siyang itim na munting bilog na lumulutang kasama ng mga ugat. Kula'y berde ang langis. "Zarina!" sigaw ni Allen. Nagulat siya at biglang nanulas sa kamay niya ang boteng hawak niya. Humilagpos iyon sa sahig at nabasag. Nagkatitigan sila ng matanda. Nababakas sa mukha ng matanda ang takot. Hindi na niya ito nagawang kausapin nang hagipin ni Allen ang kamay niya saka siya hinila palayo sa matanda. "Ano ka ba? Hindi ka dapat nagpapaniwala sa mga matandang kunwari manghuhula," ani Allen sa galit na tinig. "Hindi naman ako nagpapahula, siya mismo ang lumapit sa akin," depensa niya. "Hayaan mo na siya. Pupunta pa tayo sa kapitolyo," anito. Habang papaalis sila ni Allen ay panay ang lingon niya sa matanda na pinagpupulot ang nagkalat na laman ng bote sa sahig. Nakadama siya ng hindi maipaliwanag na kaba. Hindi na mawaglit sa isip niya ang mga sinabi sa kanya ng matanda. KINABUKASAN pagpasok ni Zarina sa ospital ay agad siyang napasubo sa trabaho dahil maraming pasiyente na kararating at panay emergency. Isang linggo pa lamang siya sa ospital at unang pagkakataon niyang magtrabaho bilang isang registered nurse. Pagkatapos niyang asikasuhin ang matandang babae na kalalabas lang sa emergency room ay agad niyang tinungo ang pasiyente na ayon sa mga kasama niya ay sinapian daw ng masamang espiritu. Kinikilabutan siya habang papasok sa pribadong kuwarto kung saan naroroon ang nasabing pasiyenteng lalaki. Pagpasok niya sa private ward ay saktong lumabas angbabaeng bantay ng pasiyente. Tulog pa ang pasiyente at nagulat siya nang masilayan ang mukha nito. Bigla siyang napaisip kung ano ba ang sakit nito. Mukha kasi itong cancer patient na nasa stage four na. Maputla ito at nangingitim ang paligid ng mga mata ngunit hindi niya maikakaila na guwapo pa rin ito at halatang ay lahing banyaga. May kasingkitan ang mga mata nito, matangkad at malaki ang pangangatawan. Matapos niyang titigan ang mukha ng lalaki ay tiningnan na niya ang blood pressure nito. Nang hahawakan na niya ang kaliwang kamay nito ay nagulat siya nang bigla nitong ginagap ang kanang kamay niya. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya na tila pinipigilan siya sa pagkilos. "Margareta, don't leave me. Please... don't leave me," wika ng lalaki ngunit nakapikit ito. May kung anong init ang dumantay sa mga ugat niya patungo sa kanyang puso—dahilan upang tumibok iyon na hindi normal. Bigla na lamang siya inalipin ng hindi maipaliwanag na kaba. Biglang sumariwa sa isip niya ang sinabi ng matanda na nakita niya kahapon sa simbahan. "Ang lalaking unang hahawak sa kamay mo bukas ng umaga ay siya ang nakatakda na makakasama mo habang-buhay..." Tinitigan niya ang mukha ng lalaki. Wala pang lalaking humawak sa kamay niya magmula nang magising siya kaninang umaga kundi ito lang. Napakislot siya nang bigla na lamang nagmulat ng mga mata ang lalaki. Napamulagat siya nang masilayan ang namumula nitong mga mata. Tinangka niyang bawiin ang kamay niya ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito roon. Tumigil siya sa pagpiglas nang mahayap na tumitig sa kanya ang lalaki. "Como es la gracia Vd.?" tanong nito sa ilalim ng tinig na tila nasa ilalim ng hukay. Wala siyang maintindihan. Hindi siya umimik bagkus ay muli siyang nagpumiglas. Naramdaman niya ang unti-unting pag-alab ng palad ng lalaki na tila naglilikha ng apoy. Bigla na lamang itong bumitiw sa kanya. Nagdedileryo ito. Nanlaki ang mga mata niya nang umangat sa ere ang katawan nito. Napaatras siya. Kinilabutan ang buong katawan niya. Natatarantang binuksan niya ang pinto at nagtawag ng tulong. Ngunit nang magsidating naman ang iba niyang kasama ay namataan niya ang lalaki na maayos nang nakahiga sa kama. Kumislot siya nang biglang bumaling ang tingin nito sa kanya habang siya'y nakatayo sa bukana ng pinto at nangangatal sa takot. Subalit sa pagkakataong iyon ay hindi na nakakakilabot ang hitsura ng lalaki. Mga matang puno ng kalungkutan ang kanyang nakikita. Bumuka ang bibig nito at may binibigkas ngunit hindi niya marinig hanggang sa matakpan na ito ng mga lalaking nurse na umalalay sa doktor na dumating na agad inasikaso ang pasyente. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi normal ang t***k ng puso ko habang pinagmamasdan ko siya? Pakiramdam ko kilala ko na siya. Totoo ba ang hula? Pero ikakasal na ako. Hindi dapat ako naniniwala sa mga hula. Masaya na ako sa buhay ko kasama si Allen. Sintemiyento ng isip niya habang nililisan ang ward na iyon ng lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.9K
bc

OSCAR

read
226.7K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.9K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
501.1K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.3K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook