Chapter 1

2720 Words
"HOW'S Japan, honey?" tanong ni Allen kay Zarina. "For me, Japan is one of the best countries. Totoo ngang napakaganda ng bansa," magiliw na tugon naman ni Zarina. Inihilig niya ang ulo sa maskuladong braso ng kanyang nobyo. Paalis na ang eroplanong sinasakyan nila pauwi ng Pilipinas. Tatlong araw din silang naglagi sa Japan upang ipasyal siya. Iyon ang gift nito sa kanya, an advance wedding gift. Next Sunday na ang kasal nila sa simbahan. Sa Palawan naman ang napili nilang lugar para sa Honeymoon. Isang mahusay na Engineer si Allen, habang siya naman ay registered nurse sa isang kilalang ospital sa Lucena. Masaya ang pagsasama nila kahit kinompirma na ni Allen na hindi siya nito mabibigyan ng anak dahil sa sakit na 'Oligospermia' or male infertiality—kung saan abnormal ang sperm counts nito o walang spermatozoa na naipro-produce. Wala itong kakayahang makapagbuntis ng babae. Bagaman ayon sa mga eksperto, may mga therapy na isinasagawa para malampasan ng mga lalaki ang ganoong kondisyon, ngunit hindi na umasa si Allen. Minsan na kasi nito sumubok ng mga sinasabing therapy pero walang nangyayari. Hindi pa rin lumalabas sa test na normal na ang sperm counts niya. Pero umaasa pa rin siya na magkakahimala at maaring kapag kasal na sila ay saka ito gagaling. Kahit ganoon ang asawa ni Zarina ay hindi minsan dumapo sa isip niya na iwan ito at maghanap ng ibang lalaki na makapagbibigay sa kanya ng anak. Mahal niya si Allen, at hindi na siya umaasang may matatagpuan pa siyang lalaki na kasing bait nito. Halos perpekto na ito para sa kanya. Natatakot siya na baka kapag iniwan niya si Allen at maghanap ng ibang lalaki ay baka makatagpo lang siya ng eresponsable. Kahit papano ay naibibigay naman sa kanya ni Allen ang lahat ng gusto niya. Buhay prinsesa siya rito at sa pamilya nito. Wala silang naging problema, maliban sa maliit na tampuhan. Pero buong buhay niya na kasama si Allen ay masasabi niyang wala na siyang maihihiling pa. Tinupad nito lahat ng pangarap niya. Isa sa pangarap niya sa tanang buhay niya ay ang makaapak sa bansang Japan at makaranas ng pag-ulan ng snow. Tinupad iyon ni Allen. Maligaya siya sa lalaking napili niyang pakasalan at wala siyang pinagsisihan. Para sa kanya, si Allen na ang buhay niya. Gusto niya itong kasama hanggang sa mamatay sila. Natatakot siyang mawala ito sa kanya. At gusto niya pagdating ng araw, hanggat maari ay siya ang unang mamamatay. Hindi kasi siya sigurado kung kakayanin niyang maging masaya kapag naunang nawala si Allen. College days pa lang ay naging magkaibigan na sila ni Allen sa, iisang university kung saan sila nag-aral. Mula sa pagiging magkaibigan ay naging magkasintahan. Ito ang first boyfriend niya at first love. Napakapit nang husto si Zarina sa braso ni Allen nang bahagyang yumanig ang eroplano. Senyales iyon na lilipad na ang eroplanong sinasakyan nila. Narinig na rin niya ang pangkaraniwang mensahe ng staff. "Goodbye, Japan. Hope to see you again," aniya habang nakasilip sa maliit na bintanang hugis bilog na yari sa makapal na salamin. Naramdaman niya ang mainit na palad ni Allen na dumaop sa kaliwang kamay niya. Tinitigan niya ito nang punuin nito ng pinong halik ang likod ng kamay niya. Napangiti siya. "I love you, Zarina. I won't stop loving you until my last breathe," masuyong wika nito habang matamis ang ngiti sa kanya. Hindi niya maintindihan bakit sa halip na maantig ay nakadama siya ng banayad na kirot sa kanyang puso. Pakiramdam niya'y iyon na ang huling sandali na maririnig niya ang salitang 'I love you' mula sa bibig ni Allen. Pinisil niya ang kamay nitong iyon. Pagkuwan ay masuyong hinaplos niya ang makikinis nitong pisngi habang ga-daliri na lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha. "I hate the way you say that, honey. Kinikilabutan ako. Alam mong mahal na mahal kita kahit minsan ay hindi ko na nasasabi sa iyo na mahal kita. Thank you for all of this. You just gave me a reason to love you more," masuyong pahayag niya saka ginawaran ng mapusok na halik ang labi nito. Ngumiti lamang ito. Pagkuwa'y umupo na sila ng maayos habang magkahawak ang mga kamay. Inihilig niyang muli ang ulo sa balikat nito. Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata habang pinapakiramdaman ang payapang paglipad ng eroplano. Napapasarap na ang tulog ni Zarina nang biglang gumalaw si Allen. Naalimpungatan siya. "Naistorbo ba kita?" paanas nitong tanong malapit sa tainga niya. "Hm, not really," aniya. "Magsi-CR sana ako," anito. "Oh, okay. Go ahead." Bumitiw siya sa kamay nito. Dagli namang inalis ni Allen ang seat belt nito. Mukhang kanina pa nito tinitimpi ang pantog. "Umidlip ka lang diyan. Babalik kaagad ako," anito saka nagmamadaling umalis patungo sa palikuran na nasa harapang bahagi ng eroplano. Nasa ikatlong hanay sila ng upuan mula sa likuran, sa gawing kaliwa. Komportableng nakaupo si Zarina. Ginugupo na naman siya ng antok. Pipikit sana siyang muli ngunit biglang nawala ang antok niya nang mapansin ang magkapareha na naghahalikan sa kabilang hanay ng upuan sa tabi niya. Tatluhan ang upuan ng mga ito, at ang katabi ng mga ito na matandang lalaki na nasa gilid ng bintana ay tulalang nakasilip lang sa labas buhat sa maliit na bintanang bilog. Hanggang matapos ang paghahalikan ng mag-irog ay nakatitig pa rin siya sa mga ito. Natigilan siya nang mapatingin sa kanya ang lalaki na siyang nakaupo sa unang upuan sa gilid ng hall way na nasa tawid lamang niya. Hindi niya maintindihan bakit parang pamilyar sa kanya ang hilatsa ng pagmumukha nito. Hindi lamang niya maalala kung saan niya ito huling nakita pero sigurado siya na nakita na niya ito minsan sa Pilipinas. Nagulat siya at dagling bumawi ng tingin nang sandali siya nitong nginitian. May kasingkitan ang mga mata ng lalaki na halatang may dugo itong Hapón o ibang lahi na singkit ang mga mata. Guwapo ito, matangkad, matipuno ang pangangatawan at katamtaman ang kaputian ng makikinis na kutis. Mamaya'y tumayo ang lalaki at nagtungo sa direksiyon ng palikuran. Pasimpleng sinundan niya ito ng tingin. Nang sipatin naman niya ang babaeng kasama nito ay nakapikit na ito. Mamaya'y nagparamdam na naman ang antok niya. Umayos na lamang siya ng upo saka mariing ipinikit ang kanyang mga mata. Unti-unti na siyang nakakalimot nang biglang may mainit na hanging dumampi sa kanyang katawan. Huwag kang matulog... tinig ng lalaking narinig niya na tila nasa ilalim ng ukay. Una'y hindi niya iyon pinansin. Ngunit kumislot siya nang may mainit na bagay na humaplos sa pisngi niya. Tamang-tama pagmulat niya ng mga mata ay siya namang pag-alog ng eroplano na ubod lakas. Napakapit siya sa sandalan ng upuan. Narinig niyang nagsisigawan ang mga tao. Wala sa loob na inalis niya ang seat belt niya upang matukoy kung ano ang nangyayari. Nanlaki ang mga mata niya nang masaksihan ang ga-higanteng apoy na unti-unting lumalamon sa kalahati ng eroplano mula sa harapan. Bigla na lamang binalot ng kaba ang pagkatao niya. Lumabas siya sa kanyang upuan. "Allen!" sigaw niya nang maalala na nasa palikuran ang boyfriend niya. Nataranta siya. Patakbong susugod sana siya sa pinanggalingan ng apoy ngunit natulala siya nang masaksihan kung paano unti-unting nilalamon ng apoy si Allen. "Zarina!" narinig niyang sigaw ni Allen bago ito tuluyang lamunin ng apoy. "Noooo! Allen! Allen!" halos malalagutan ng hiningang sigaw niya. Nanlumo siya. Mabilis na dumaloy ang kanyang mga luha. Hindi siya makapaniwala sa nakikita, habang tinutupok ng apoy ang lalaking mahal niya. Pakiramdam niya'y unti-unti ring nilalamon ng apoy ang pagkatao niya. Tinangka niyang sumugod sa apoy upang samahan na lamang si Allen ngunit may malalakas na bisig na yumapos sa baywang niya at hinihila siya palayo sa yumayamang apoy. Nagpumiglas siya habang walang awat sa pagpatak ang kanyang mga luha. Pakiramdam niya'y binubusa nang husto ang puso niya. "Let me go! My boyfriend, I need to save him!" asik niya habang patuloy sa pagpiglas. "He's dead! Save yourself!" wika ng lalaking gumagapos sa kanya. Sandali siyang natigilan nang masilayan ang mukha ng lalaki. Ito ang lalaki kanina sa tabi niya na may kahalikang babae. Hindi siya nakapalag nang suutan siya nito ng life vest. Blanko na ang isip niya nang mga sandaling iyon. Tulalang nakatitig siya sa apoy na lumamon sa nobyo niya. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa tapat na ng fire exit ng eroplano na noo'y nakabukas. May mga tumalon nang mga pasahero. "Go!" udyok sa kanya ng lalaking pumigil sa kanya kanina. Nanginginig ang buong katawan niya. "I can't!" aniya. Takot siya sa matataas. "You need to jump! We're going to die!" pasigaw na sabi nito. "No!" Nagmatigas siya. "Come on!" anito. Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin at isinama siya sa pagtalon. Pakiramdam niya'y naiwan ang lamang-loob niya maging kaluluwa sa eroplano at bigla na lamang siya nawalan ng ulirat. TULUYANG nagising si Zarina nang maramdaman niya ang matinding kirot sa bahagi ng kanyang ulo, ganoon din sa kanyang buong katawan. Napalinga siya sa paligid. Wala siyang ibang nakikita kundi malawak na karagatang may mumunting alon na pilit siyang inaabot. Naliligo siya sa buhangin habang ang tali ng parachute ay nakapulupot sa katawan niya habang nakahiga siya sa maputing buhangin. Nang maalala ang nangyari ay mabilis na nilamon ng pait at kirot ang puso niya. Napahagulgol siya nang maalala ang nangyari kay Allen. Ngunit naudlot ang pag-iyak niya nang masipat ang lalaking nakahandusay sa gawing likuran niya. Nakapulupot din sa katawan nito ang tali ng parachute nito. Pakiwari niya'y wala na itong buhay. Bigla niyang naalala na ang lalaking ito ang pumigil sa kanya sa paglapit ang apoy at pumilit sa kanya na tumalon. Marahan siyang gumapang palapit sa lalaki. Tiniis niya ang kirot ng katawan. Nang makalapit ay agad niya itong pinulsuhan sa leeg at sa kaliwang bahagi ng kamay nito. May nararamdaman pa siyang pulso ngunit sobrang hina. Umayos siya ng upo. Sinampal-sampal niya ang mukha nito ngunit hindi ito gumagalaw. Mamaya'y pinisil niya ang magkabilang pisngi nito saka walang kiming ginawaran ng mouth to mouth resuscitation. Iyon ang natatanging first aid na magbabalik sa normal na pulso ng lalaki sa pagkakataong iyon. "Wake up!" aniya habang pina-pump ang dibdib nito. Nakaapat na subok din siya ng mouth to mouth bago tuluyang gumalaw ang lalaki. Biglang dumilat ang mga mata nito at napaubo. Napangiti siya nang tuluyan itong maka-recover. "Are you okay?" hinahapong tanong niya rito habang nakasalampak ng upo sa buhangin katapat nito. Umupo ito at palinga-linga sa paligid. "We're alive," hindi makapaniwalang wika nito saka itinutok ang tingin sa kanyang mukha. Natigilan siya nang matitigan ng malapitan ang mga mata nito. May kung anong hindi mawaring damdamin ang umalipin sa kanya. Ang mga matang iyon, minsan na silang nagkatitigan ng mga matang iyon. Kung paano'y bigla siyang nakadama ng munting kilabot. "Thanks for saving my life," pagkuwa'y sabi nito. Napakurap siya; umiling-iling. "No, you saved my life," pagtatama niya. Ngumisi ang lalaki. Mamaya'y nasilayan niya ang unti-unting pagpatak ng luha nito. Umiling-iling ito. "I lost her," anito. Mariing ikinuyom nito ang mga palad. Bigla niyang naalala ang babaeng kasama nito sa eroplano. "Y-Your wife?" aniya. "My fiancee," anito. Nilamon ng lungkot ang pagkatao niya. Pareho lang silang nawalan. "I lost him too—my fiance," malungkot na sabi niya. Hindi na rin niya napigil ang muling pagtulo ng luha. Tumitig ito sa kanya. "It's destiny," sambit nito. Humagulgol siya ng iyak. "Kung destiny ito, ang lupit niya," humihikbing wika niya. Napigil niya ang pag-iyak nang maramdaman niya ang maskuladong bisig ng lalaki na mahigpit siyang niyakap. Hindi niya napagil ang sarili na isubsob ang mukha sa matipunong dibdib nito at doon na lamang itinuloy ang paghagulhol. Naramdaman niya ang paghagod ng kamay nito sa likod niya. "I know there's a reason why it's happened," bulong nito sa kanya. Nang mapagod siya sa pag-iyak ay kusa na siyang kumalas sa yakap ng lalaki. Tumayo siya at inayos ang kanyang sarili. Luminga-linga siya sa paligid. Wala siyang makitang ibang tao. Nasa pagitan sila ng malawak na karagatan at kagubatan. Nasa isang isla sila. Hindi lamang niya alam kung nasa teretoryo na ba sila ng Pilipinas. "We're trapped here. Palagay ko'y nasa boundary na tayo ng Pilipinas," wika ng lalaki. Natigilan siya nang marinig itong nagtagalog at fluent pa. Buong akala niya'y mixed blood foreigner ito na gusto lang magbakasyon sa Pilipinas. Hinarap niya itong muli Nawindang siya nang tumayo ito at naghuhubad ng puting t-shirt nito na mamasa-masa pa. Animo natuklaw ng ahas at tulalang nakatitig lamang siya sa katawan nitong pinagpala ng kakisigan. Matipuno ang dibdib nito, may malilit na muscle na namuo sa puson nito na nahahati sa anim. Makinis ang balat nito pero nababanaag ang malalaking ugat sa mga braso nitong hitik sa muscle. Hindi niya namamalayan na nakaawang na pala ang bibig niya. "We need to survive here until we find the rescue. This is an open sea and the rest are wild forest, ewan ko lang kung may naninirahan dito," wika nito habang pinapagpag ng hinubad na damit ang katawan nitong naligo sa buhangin. Pumitlag siya nang biglang may sumampang mabigat na bagay sa balikat niya. Ganoon na lamang ang tulin ng t***k ng puso niya nang mamataan ang lalaki na nakatitig sa mukha niya, habang ang kaliwang kamay nito'y nasa balikat niya. "Are you okay?" seryosong tanong nito. Paulit-ulit siyang tumango. Saka lamang nito inalis ang kamay sa balikat niya. "Anyway, I'm Kenji Yukimura, and you are?" pagkuwa'y pakilala nito. Matagal bago niya naisipang sumagot. "Z-Zarina Orteza," aniya pagkuwan. "Let's cooperate to each other to survive. Just trust me, Zarina," nakangiting wika nito. Tumango siya. "Ilang taon na kayo ng fiance mo?" pagkuwan ay usisa nito. "Five years. Actually ikakasal na kami this coming Sunday sa church," tugon niya sa malamig na tinig. Uminit na naman ang sulok ng mga mata niya. "Aw, so sad. Sayang," komento nito. Pilit niyang pinapatatag ang loob niya. "Ikaw, ilang taon na kayo ng fiancee mo?" pagkuwa'y tanong niya rito. "Three years," mabilis nitong sagot. "Sayang din. Mukhang hindi na matutuloy ang kasal ninyo," malungkot na sabi niya. "How old are you, Zarina?" pagkuwan ay tanong nito. "Twenty-five," mabilis niyang sagot. "I'm two years older than you. How about you fiance?" "Matanda siya ng isang taon sa akin." Hindi na umimik ang lalaki sa halip ay lumakad ito patungo sa karuwagan. Sinundan lamang niya ito ng tingin. "Fallow me! Maghahanap tayo ng komprtableng lugar!" pasigaw na sabi nito sa kanya. Sumunod naman siya rito. Wala siyang ibang bitbit kundi sarili niya at tanging damit na suot niya, at engagement ring—na tanging alaala niya kay Allen Del Carmen. Pumapatak na naman ang luha niya udyok ng nagluluksang damdamin. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap ay biglang naglaho sa buhay niya ang natatanging lalaking minahal niya. "BAKIT hindi mo kasama sa pag-alis ng eroplano ang fiancee mo?" tanong ni Zarina kay Kenji habang magkatuwang sila na naghahanap ng kahoy na panggatong. "Hindi ko na siya nakita sa upuan naming noong balikan ko siya. Hinanap ko siya pero hindi ko na siya makita sa loob ng eroplano," anito. "Sa palagay mo, nakaligtas kaya siya?" "Hindi ko alam." Huminto sa paghakbang si Kenji. Napahinto rin siya sa likuran nito. Sinundan niya ng tingin ang direksiyon ng tingin nito. Napamata siya nang makita ang kakaibang puno na may bilogang bunga na kulay pula. Hindi naman ito mukhang mansanas. Hindi rin siya sigurado kung puwede iyong kainin. "I think, wala pa tayo sa Pilipinas," mamaya'y sabi nito. "Paano mo nalaman?" Hindi ito sumagot, sa halip ay lumapit ito sa punong namumunga na halos kasing tangkad lang nito. Kasing laki ng native na kamatis ang bunga at makinis ang balat niyon. Ang dahon nito ay parang dahon ng kalamansi. Lumapit din siya at akmang pipitas ng isang bunga ngunit maagap na pinigilan ni Kenji ang kamay niya. Matiim na tinitigan niya ito. "Hindi lahat ng bunga ay puwedeng pitasin basta," anito. Mariing kumunot ang noo niya. "Bakit?" "Naririto tayo sa virgin forest. Maaring isa rin itong wild forest kung saan may mababangis na hayop na nakatira, o may mga halamang nakalalason na tumutubo. Maari ring narito tayo sa hindi pangkaraniwang kagubatan." Lalo lamang kumunot ang noo niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" curious niyang tanong. Kung magsalita si Kenji ay tila marami itong nalalaman tungkol sa larangang paranormal. Mamaya'y nagyaya itong maglakad muli. "I just felt something not normal in this place. Kailangan nating maging maingat lalo at hindi natin alam kung anu-ano pa ang meron sa gubat na ito," tugon nito. Bumuntong-hininga siya saka tumango na lamang bilang pagsunod ditto. May sampung hakbang pa lamang sila ay nakatagpo na naman ito ng isang yungib na hindi na kasing kipot ng una nilang nakita kanina sa daan. Kasyang-kasya siya sa bukana niyon kahit hindi siya yumuko. Pero si Kenji ay kailangan pang yumuko dahil sa tangkad nito. "Dito ka muna. Titingnan ko lang sa loob kung puwede tayong manatili," anito. Tumango lamang siya. Pinagmasdan lamang niya itong pumapasok sa yungib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD