Chapter 2

2593 Words
May isang minuto na ang nakalipas magmula nang pumasok si Kenji sa yungib pero hindi pa ito bumabalik. Maya't-maya naman ang sipat niya sa kakaibang puno na nadaanan nila. Aywan niya bakit nangangati ang kamay niya na pumitas ng bunga. Bukod sa nagugutom na siya, gusto talaga niyang matuklasan kung anong meron sa prutas na iyon. Nang may makita siyang ibon na dumapo sa puno at tinuka ang isa sa hinog na bunga ay natukso siyang balikan ang puno. Ang alam niya, kapag ang isang prutas ay kinakain ng hayop ay maari ring kainin ng tao. Hindi naman namatay ang ibon matapos kumain ng prutas na iyon. Ibig sabihin ay hindi iyon lason. Sinipat niya ang yungib, wala pa rin si Kenji. Hindi siya nakatiis, lumapit siya sa puno at pumitas ng isang bunga. Pinunasan niya ito ng damit saka inamoy. Wala naman itong amoy pero may kalambutan ito katulad sa isang hinog na kamatis. Nag-sign of the cross pa siya bago tuluyang kinagat ang prutas. Matamis ito na may kaunting asim. Mas masarap ito sa mansanas. Nang nakalahati na niya ang prutas ay bigla na lamang binalot ng dilim ang paligid. Umihip ang mahinang hangin na may mainit na simoy. Tumingala siya sa langit. Nag-iipon ng dilim ang mga ulap na tila uulan ng malakas. Ang mga ibon ay nagliliparan. Nabitawan niya ang prutas nang biglang yumanig ang lupa. Napaatras siya nang magkaroon ng malaking pitak ang lupa sa harapan niya. Napakapit siya sa puno nang lalo pang lumakas ang pagyanig. Nang sipatin niya ang pitak ng lupa ay nasaksihan niya ang maitim na usok na lumabas buhat doon. Mainit ang singaw ng lupa. Sinundan niya ng tingin ang usok na noo'y patungo sa kuweba kung nasaan si Kenji. "Aah!" sigaw niya nang biglang gumuhit ang kidlat sa langit kasabay ng malakas na kulog. Nang humupa ang pagyanig ay tumakbo siya papasok sa yungib. "Kenji!" sigaw niya habang nangangapang papasok sa kuweba. May natatanaw siyang liwanag sa unahan. Nang makalapit ay namangha siya nang makita si Kenji na nakaupo sa tapat ng lumiliyab na tumpok ng tuyong sanga ng kahoy. "Kenji?" mahinang bigkas niya. Hindi ito umiimik. Nakatitig lamang ito sa apoy. Humakbang siya palapit dito. Hinawakan niya ang kanang balikat nito. "Hump!" Pumitlag siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niyang iyon. Malalim ang titig nito sa kanya. "Kumusta, Zarina?" anito sa paos na tinig. Animo napaso at mabilis niyang binawi ang kamay. Kakaiba ang kilos nito. Ang mga mata nito ay nagkulay apoy. Hindi niya malaman kung dahil lang ba iyon sa repleksiyon ng apoy. "K-Kenji, paano ka nakagawa ng apoy?" manghang tanong niya. Ngumiti lamang ito. Pagkuwan ay umupo siya sa tabi nito. "Naramdaman mo ba ang lindol kanina? Parang uulan kasi dumilim sa labas at may kulog at kidlat," kaswal na sabi niya. "Isa iyong signos," anito. Tinitigan niya ito ng may pagtataka. "Anong signos? Teka, bakit ganyan ka kung magsalita?" nalilitong tanong niya. Tumitig ito sa kanya. "Ang prutas ng tukso," walang puwang na sabi nito. Kumusot na naman ang mukha niya. "Hindi kita maintindihan. Anong prutas ang sinasabi mo?" "Mangyayari sa iyo ang isang propisiya na naganap noong libong dekada. Kung saan ang isang babae ay kinain ang prutas dahil sa udyok ng isang diablo." Bigla niya naalala ang kuwento ni Eve at Adam. Gusto niyang matawa, pero seryoso si Kenji. "Katoliko ka pala? Hindi ko alam na marunong ka palang magdrama. Pero seryoso, nagugutom na ako," aniya. Tumayo si Kenji at naglakad palabas. Nang titigan naman niya ang apoy ay nanlaki ang mga mata niya nang tila may naaninag siyang mukha ng tao sa mismong apoy. Bigla na lamang siya kinilabutan. Marahas siyang tumayo at sana'y tatakbo palabas ngunit bumalya ang katawan niya sa matigas na katawan ni Kenji. Kumislot siya nang maramdaman ang kamay nitong namulupot sa baywang niya. Nang iangat niya ang mukha ay mukha ni Kenji ang namataan niya na noo'y halos wala nang pagitan sa kanya. Naramdaman niya ang paggalaw ng kamay nito sa katawan niya. Napatitig siya sa mga mata nito. Unti-unting bumibigat ang kanyang talukap. Nahimasmasan siya nang maramdaman ang mainit na labi ni Kenji na umaangkin sa kanyang mga labi. Nasa isip niyang pigilan ito ngunit tila hindi niya mautusan ang kanyang katawan na gawin ang sinasabi ng isip niya. Natagpuan na lamang niya ang sarili na tumutugon sa halik nito. Hindi niya magawang tutulan ang kamay nitong naglalakbay sa kanyang katawan. Namalayan na lamang niya na pinalaya na nito sa saplot ang katawan niya. Nagmulat siya ng mga mata nang maramdaman ang banayad na pagpisil nito sa isang dibdib niya. Umiwas siya sa halik nito ngunit maagap na hinapit ng kamay nito ang leeg niya at siniil ng halik ang bibig niya. Nanlumo siya nang madama niya ang marahas na pahimasok ng munting dila nito sa loob ng kanyang bibig. Impit siyang napaungol. Mahigpit na yumapos siya sa malaking katawan nito. Niyapos nito ang baywang niya saka siya bahagyang iniangat. Napakapit siya nang husto sa mga balikat nito. Tumitig siya sa mukha nito nang lubayan siya nito ng halik. Hinahapo siya. Ang t***k ng puso niya'y napakatulin. Hindi niya magawang pahirin ang ga-butil ng mais na pawis niya. "K-Kenji..." sambit niya. Hindi ito umiimik. Mamaya ay isinubsob nito ang mukha sa kanyang dibdib. Napaigtad siya. Mariing naisambunot niya ang kamay sa buhok nito. Pakiramdam niya'y may kung anong nakahihibang na init na nanalanta sa katawan niya. Engtranghero ang nararamdaman niyang iyon at hindi niya napigil ang pagkadarang. Tuluyan siyang nawala sa huwisyot. "Uhhhhmmmm..." Hindi niya naawat ang pamutawi ng banayad na ungol buhat sa kanyang bibig. Hindi niya mawari ang kaligayahang dulot ng bibig ni Kenji sa kanyang dibdib. Damang-dama niya ang pagsimsim nito sa dunggot niya na wari isang uhaw na sanggol. Kapwa binibigyan nito ng atensiyon ang mga iyon. Nakalimutan niya ang realidad dahil sa nakahihibang na sensasyon. Wala siyang ibang nais kundi mapalaya ang init sa kanyang katawan. Iniliyad pa niya ang dibdib. Mamaya'y naramdaman niya ang paghakbang ni Kenji. Hindi nito nilulubayan ng halik ang kanyang dibdib, hanggang sa maramdaman niya sa kanyang likod ang matigas na bagay. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakahiga sa patag na bahagi kung saan malapit sa apoy. Kumislot siya nang madama ang mainit na kamay ni Kenji na humahaplos sa kanyang p********e. Umindayog ang kanyang katawan nang dumantay ang bibig nito pababa sa kanyang puson. Tila naman may sariling buhay ang kanyang mga hita at kusa iyong naghiwalay. Dumaing siya nang marahas na manloob ang hintuturo ng lalaki sa kanyang puwerta, at bigla iyong lumabas-masok. Ganoon din ang magkasunod na pagbitiw niya ng banayad na sigaw at mumunting halinghing. Makirot iyon sapagkat iyon ang unang beses na may gumalaw sa kanyang p********e. "Aaaah..." hinihingal na ungol niya. Napapaangat ang katawan niya sa tuwing dumalas ang pag-ulos ng daliri nito sa kanya. Mayamaya pa'y naramdaman na rin niya ang mamasa-masa at mainit nitong dila na naghihinang sa labas at loob ng kanyang p********e. Pakiramdam niya'y sasabog ang katawan niya dahil sa nakahihibang na sensasyong dulot nito sa kanya. Unti-unti ay naglalaho ang kirot at inaalipin na siya ng nakaliliyong sarap. Hindi niya akalaing masisiyahan siya nang labis, bagay na ngayon lamang niya naranasan. Matagal na silang magkarelasyon ni Allen ngunit hanggang halik lang ang naibibigay nito sa kanya. Nirespeto ni Allen ang berhin niyang katawan at hinintay na maikasal muna sila. Subalit tila nakalimot na siya sa lahat ng bagay. Walang kaabog-abog na nagpaparaya siya na maangkin ng isang lalaking ngayon lamang niya nakilala. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Wala siyang lakas upang pigilan ang nagaganap, sa halip ay labis niya itong kinagigiliwan. Hindi na niya namalayan ang sumunod na hakbang ni Kenji. Masyado na siyang nadadarang. Ngunit nang madama niya ang matigas at may kalakihang bagay na tumulos sa kanyang ari ay ganoon na lamang ang pagbawi niya ng puwersa. Nagulat siya sa agarang pag-angkin nito sa kanya. "Aahh!" nasasaktang daing niya ngunit hindi niya namagawang pumiglas. Pansamantalang namanhid ang kanyang katawan dahil sa makapigil-hiningang kirot. Sandaling tumigil sa pagkilos si Kenji at siniil ng halik ang kanyang mga labi. Nakatulong iyon upang maibsan ang kirot na nadarama niya. Nang muli itong kumilos ay nakakaya na niya ang sakit. Unti-unting bumibilis ang paglabas-masok ng sandata nito sa kanyang kaselanan, mas mariin at marahas. Ngunit habang dumadalas ang paglabas-masok ng sandata ni Kenji sa kanya ay unti-unti nang natatanggap ng katawan niya ang kakisigan nito. Oo, masyado itong malaki at maskulado kaya halos malagutan siya ng hininga sa sakit pero balewala na ito ngayon dahil sa umiiral na sarap at nakahihibang na sensasyon. Kasisimula pa lamang ng pag-iindayog ng mga katawan nila ay nararamdaman na niya ang bayolenteng init sa kanyang kaibuturan. "Oooohh..." narinig niyang ungol ng lalaki. Nakikita niya sa mukha nito ang labis na kaligayahan at pagnanasa. Makalipas ang ilang sandali ay hindi niya napigil ang pagsigaw nang mabilis na binalot ng nakakabaliw na init ang kanyang katawan. Pakiramdam niya'y naabot niya ang langit sa labis na kaligayahan. Hindi na niya ramdam ang mala-unos na pagbayo ng katawan ni Kenji sa kanya. Hindi na rin niya naririnig ang umuugong na sigaw at halinghing nila na bumabalot sa yungib na iyon dahil ginupo na siya ng maluwalhati niyang orgasmo. Mamaya'y narinig niya ang marahas na pagsigaw ni Kenji kasabay sa paglayo ng katawan nito sa kanya. Naramdaman niya ang paghinang ng sandata nito sa ibabaw ng puson niya at naglalabas ng mainit na likido. Hindi niya magawang imulat ang kanyang mga mata dahil sa pagod. Nang tuluyang makalapag mula sa tugatog ay saka lamang niya naramdaman ang banayad na hapdi sa kanyang likod. Buhat marahil iyon sa paghinang ng likod niya sa matigas na bato. Kumirot na ulit sa pagitan ng kanyang mga hita kaya nanatili siyang nakahilata at ikinakalma ang pangangatal ng katawan dahil sa tensiyon at pagod. NAGMULAT ng mata si Zarina nang maramdaman niya ang mainit na sinag ng araw na tumama sa mukha niya. Bumalikwas siya ng upo nang maalala ang mga naganap. Hindi na niya namalayan na nakatulog siya. Umaga na ulit. Napadaing siya nang maramdaman ang mahapdi niyang likod, lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita. Nangangalay ang buong katawan niya. Tanging underwear lamang ang suot niya. Nang hagilapin niya ang kanyang mga damit ay natagpuan niya ang mga ito na nakasampay sa malaking bato sa uluhan niya kasama ang damit ni Kenji. Tumayo siya nang mamalayan na wala sa tabi niya si Kenji. Isinuot niya ang kanyang damit saka lumabas ng kuweba. Natigilan siya nang masipat si Kenji sa 'di kalayuan na nag-iihaw ng malaking isda. Nahuli nito marahil sa dagat o ilog ang isda. Bigla naman nilamon ng guilt ang pagkatao niya nang maalala ang mga naganap sa kanila ng lalaki kagabi. Gusto niyang magalit sa sarili kung bakit hindi man lang niya nagawang suwayin ang sarili at hinayaan niyang angkinin siya ng lalaking kakikilala pa lamang niya. Kahit patay na si Allen, pakiramdam niya'y nagkasala pa rin siya rito. Hindi dapat niya hinayaang may ibang lalaking aangkin sa kanya. Pero hindi niya maintindihan. Pakiramdam niya'y may kung anong nagdadala sa katawan niya kagabi. Hindi niya kayang isagawa ang sinasabi ng isip niya. Hindi niya namamalayan na tumutulo na pala ang luha niya. I'm sorry, Allen. "Are you hungry?" Nagulat siya nang biglang sumulpot sa harapan niya si Kenji. Bitbit na nito ang nalutong isda. Ang matamis nitong ngiti ay biglang naglaho nang mapansin siyang lumuluha. "Are you alright?" nag-aalalang tanong nito. Tinitigan niya ito sa mga mata. Nagtataka siya. Bakit parang wala itong alam sa naganap sa kanila? Bakit parang normal pa rin ang pakikitungo nito sa kanya? Akmang papahirin nito ng kamay ang pisngi niya ngunit marahas na itinabing niya ang kamay nito. Umatras siya palayo rito. "What's wrong?" kunot-noong tanong nito. "Hindi mo ba naalala kung ano ang nangyari sa atin kahapon?" tanong niya sa malamig na tinig. "What?" maang nito. Napanganga siya. Ngali-ngali niya itong sampalin pero hindi niya magawa. Nahihiya naman siyang banggitin kung ano talaga ang nangyari sa kanila. Hindi na niya magawang magsalita. "Nakahuli ako ng isda sa ilog. Meron palang water falls 'di kalayuan dito. Mamaya puntahan natin," kaswal na wika nito saka nagpatiunang pumasok sa kuweba. Sumunod naman siya rito. Hindi niya ito maintindihan. Ang cool naman nitong kausap hindi katulad kahapon na parang makata at mesteryoso. Hindi tuloy niya malaman kung totoo o panaginip lang ba ang mga naganap kahapon. Pero nararamdaman niya sa katawan ang katibayan na hindi iyon panaginip. Nang kumakain na sila ay lihim niyang pinagmamasdan si Kenji. Malalaki ang himay ng isda na nilulunok nito. Katulad niya'y gutom na gutom na ito. "Kumain ka pa. Pagkatapos ay pupunta tayo sa falls. May malinis na tubig doon na puwedeng inumin. Hindi lang ako nakakuha dahil wala akong paglagyan," anito habang puno ang bibig. Nagkasya na lamang siyang pagmasdan ito. Mamaya'y napatingin ito sa kanya. "Bakit?" seryosong tanong nito. "There's something wrong with you, Kenji," aniya. "What?" natatawang tanong nito. "Wala ka bang maalala sa nangyari kahapon sa atin?" mariing tanong niya. "What are you talking about? We just sleep," anito. Nanlaki ang mga mata niyang nakatitig sa mukha nito. Hindi siya makapaniwala. "Don't deny it, Kenji. Imposibleng hindi mo alam. Imposibleng hindi mo naramdaman," giit niya. Tumigil sa pagsubo si Kenji. "I'm sorry. Hindi ko alam ang sinasabi mo," anito saka marahas na tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Maghahanap ako ng maaring paglagyan ng tubig na inumin," tugon nito habang patuloy sa paghakbang. Tumayo naman siya at sinundan ito. Iba ang pakiramdam niya sa pag-iwas na iyon sa kanya ni Kenji. Iginigiit niya sa sarili na nagsisinungaling sa kanya ang lalaki. "Kenji, you f****d me, don't you remember?" walang abog na sabi niya. Biglang huminto sa paghakbang si Kenji. Marahas itong humarap sa kanya. "That's impossible, Zarina! I can't do that to you. Hindi ko magagawa iyan sa babaeng kakikilala ko pa lamang!" anito na bahagyang tumaas ang timbre ng boses. Namilog ang mga mata niya. Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni Kenji. "Pero alam mo na may nangyari sa atin. Imposibleng hindi mo naramdaman sa katawan mo!" giit niya. Hindi kaagad nakaimik si Kenji. "It's wrong, Zarina. I'm sorry," anito pagkuwan. "You knew it." "I know but—it's happened. Hindi ko maipaliwanag sa iyo ang nangyayari. Hindi ako ang may gusto na angkinin ka." Hindi siya natuwa sa sinabi nito. Hindi niya naawat ang sarili na paliparin ang palad sa pisngi nito. "Kalokohan 'yan! You're crazy!" aniya sabay bira ng talikod. Umalis siya na walang direksiyon kung saan patungo. "Zarina!" narinig niyang tawag ni Kenji ngunit hindi niya ito nilingon. Nilakihan pa niya ang hakbang upang mabilis na makalayo rito. Wala siyang pakialam kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa. Ang mahalaga ay maiwasan niya si Kenji. Huminto lamang sa paglalakad si Zarina nang mapansin niya na masyadong masiit na ang tinatahak niyang daan. Kinakabahan siya. Tumingala siya. Naliligiran siya ng 'di pangkaraniwang matatarik na punong kahoy. Mabilis ang paggalaw ng mga ulap na tila bumubuo ng tubig na ibabagsak sa lupa. Nang igala niya ang paningin sa paligid ay natigilan siya nang tumambad sa kanyang harapan ang ga-higanteng ahas na kula'y gatas. Napalunok siya ng ilang beses. Nangatal ang buong katawan niya. "Don't move, Zarina!" narinig niyang sigaw ni Kenji. Hindi niya akalaing masusundan pa rin siya nito. Sa halip na lingunin si Kenji ay mas minabuti niyang sundin ang sinabi nito na huwag siyang gagalaw. "Hold your breathe, Zarina. Mahina ang vision ng ahas na iyan. Nakadepende lamang siya sa vibration na nararamdaman niya o galaw na nararamdaman niya," sabi ni Kenji na tila nasa likuran na niya. Napansin niyang gumalaw ang ahas at nilagpasan siya. Marahil ay si Kenji naman ang binalingan nito. Katulad ng sinabi ni Kenji, pinigilan niya ang paghinga. Makalipas ang ilang sandali ay biglang ginagap ni Kenji ang kanang kamay niya. "Takbo, Zarina!" anito sabay hatak sa kanya. Napatakbo siya ng mabilis. Hindi na niya ininda ang mga matatalim na damong humahampas sa binti niya. Taimtim siyang nagdadasal habang walang tigil sa pagtakbo. Mabilis tumakbo si Kenji kaya nagpapatianod siya rito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD