PROLOGUE
Minsan, tinatanong ko yung sarili ko-hanggang kailan ako magiging ganito? Hanggang kailan ko ipipikit ang aking mga mata sa sakit na pilit kong tinatanggap at gustong kalimutan? Ilang gabi pa ba ang lilipas na ako ang nakakaalam ng bigat na dinadala ko? Ilang gabi ko pa ba itong dadalhin? Paano ba ito mawawala para kahit paano ay maiibsan ang bigat na dala-dala ko?
Lahat ng peklat, bawat patak ng luha, at bawat sigaw na hindi ko mailabas ay naging bahagi ng katauhan ko. Hindi ko hiniling na magdusa, pero natutunan kong yakapin ang sakit. Natutunan kong maging matatag, hindi dahil gusto ko, kundi dahil wala akong ibang pagpipilian.
Ang mga kamay na dapat sana'y nagprotekta sa akin ang siya pang nag-iwan ng sugat. Ang pamilya kong dapat naging kanlungan ko, sila ang naging multo ng aking pagkabata. Pero hindi nila alam-hindi nila kailanman nalaman-kung paano ako natutong ngumiti sa kabila ng lahat.
Sa mundo ko na puno ng dilim, natutunan kong hanapin ang liwanag sa sarili kong paraan. Hindi ako huminto, hindi ako bumigay. Sa bawat araw na lumilipas, pinatunayan kong kaya kong lumaban kahit ako lang mag-isa.
Pero ngayon... hindi na ako nag-iisa.
At sa wakas, sa lahat ng mga tanong ko noon, natagpuan ko na ang sagot.