"James, mauna na ako. May trabaho pa ako sa carwash." paalam ko sa kaniya
"Hatid na kita?"
"Naku! Huwag na. Magko-commute nalang ako. Salamat." nakangiting sabi ko sabay tapik sa kaniyang balikat.
"Sige. Hindi naman kita mapipilit, di ba?"
"Oo. Hindi." biro ko tsaka siya binigyan ng isang mukha na tila'y may naaamoy na hindi maganda.
"Bakit? May problema ba?"
"Sige na."
"Ha?' pagtataka niya.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
"Alam ko naman na gusto mo lang ng goodbye kiss eh." natatawang sabi ko tsaka ko siya hinalikan sa kaniyang noo.
"Mag-ingat ka dito."
"Mag-ingat ka rin." nakangiting saad niya.
"Kita nalang tayo mamaya ha? Bye." saad ko sabay kaway ng aking kamay at tumalikod na sa kaniya.
Nakangiti akong umalis ng condo. Hindi maalis sa isipan ko ang masayang mukha ni James. Ganu'n naman talaga ang lalaking iyon. Masaya na sa kahit maliit na mga bagay.
Nagtungo na ako ng carwash at naabutan ko si Miss V sa loob ng opisina niya
"Hi Miss V. Magandang hapon po." magalang na bati ko sa kaniya
"Hi Mark. Ang saya-saya natin ngayon ha?"
Agad napalitan ng natural kong reaksyon ang ngiting bumabalot sa aking mga labi kanina. Ganu'n ba talaga ako kasaya ngayon?
"W-Wala, Miss V. Kahit mahirap ang buhay, may mga bagay pa rin ako na ipinagpasalamat." sabi ko tsaka bumuntong hininga.
"Osya. Kumustang exam? Pasado ba?"
Nakapagpaalam nga pala ako kay Miss V na ngayon ang semi namin kaya medyo mali-late ako pero dahil maaga kaming natapos, dumiretso na kami sa condo at kaya hindi ako nahuli sa trabaho ngayon.
Masaya? Siyempre, oo. Sa wakas, malapit na ako sa katuparan ng mga pangarap ko sa buhay, pangarap ng aking mga magulang at napakalaki ng pasasalamat ko sa pinakamatalik kong kaibigan.
"Ah eh ... hindi ko pa po alam Miss V pero sana po. Ginawa ko naman po lahat nang makakaya ko."
"Naku! Ikaw pa? Ikaw na yata ang pinakamasipag na lalaking nakilala ko. Ang swerte ng magiging girlfriend mo. May boyfriend na siyang mabait, masipag at matalino pa."
"Binobola niyo naman po yata ako, Miss V pero wala pa po akong oras sa mga babae eh. Uunahin ko na muna ang pag-aaral ko."
"Tama iyan. Pero sa ngayon, pwede bang unahin mo munang tulungan si Andrew sa labas? Malapit na kasing matapos ang shift niya."
"Walang problema po, Miss V. Sige po. Bihis lang po muna ako." tugon ko.
Nagtungo na ako sa loob ng stockroom at naghubad na ako. Tanging shorts at boots lang ang suot ko kapag naglilinis ako ng kotse rito kasi madudumihan at mababasa ang damit na isusuot namin. Hindi siya komportable sa katawan.
Habang nasa loob ako ay hindi ko mapigilan ang hindi mag-isip sa sinabi ni Miss V kanina.
"Ang swerte ng magiging girlfriend mo. May boyfriend na siyang mabait, masipag at matalino pa."
Isa ito sa mga tanong na hindi ko pa masagot. Hindi pa ako sigurado kung nakatuon na ba talaga ang atensiyon ko kay James o sadyang wala pa sa isip ko ang magka-girlfriend kaya hindi ko pa masabi. Aaminin kong naguguluhan pa ako ngayon pero ang sigurado ay masaya ako ngayon sa piling ni James.
Nang matapos na akong magbihis ay nagtungo na ako sa carwash area.
"Bro! Ako na bahala diyan." tawag ko kay Andrew
"Sige bro. Tapusin ko lang muna ito." sagot niya
Tinulungan ko si Andrew sa paglilinis ng kotse.
"Mark. Pwede ba akong magtanong?"
"Oo. Siyempre naman. Ano iyon?"
"May girlfriend ka na?"
Natigilan ako sa tanong niya.
"Ha? W-Wala pa. Bakit mo biglang natanong?"
"Hihingi sana ako ng tulong eh. 'Yung girlfriend ko kasi ... pakiramdam ko may iba na." malungkot na sabi niya pero nabunutan naman ako ng tinik nu'n.
Akala ko kung ano na ang itatanong niya.
"Bakit mo naman iyon nasabi?"
"Hindi na kasi niya ako pinapasipin eh. Hindi ko alam kung nawawalan na ba siya ng gana o baka nakahanap na siya ng mas malaki pa sa sandata ko."
"Loko ka!" natatawang sabi ko sabay tapon sa kaniya ng bula. "Akala ko kung anong problema mo. Kamanyakan mo lang pala."
"Hindi kamanyakan 'yun ha. Tawag du'n ... basic needs." pabulong niyang sabi sa huling dalawang salita at agad ngumisi sa akin. Kilala ko itong lalaking ito. Siya ang tinutukoy ng lahat na playboy.
"Basic needs ka diyan. Ilang babae na ang natira mo tapos magtataka ka pa kung hindi ka na pinapatira? Tawag niyan ... KARMA!" natatawang sabi ko at hindi ko namalayan ang pagtapon niya sa akin ng mga bula kaya nabasa na tuloy ang aking katawan.
"Palibhasa kasi sa'yo, kamay pa lang ang nababayo mo kaya hindi mo ako maiintindihan!" natatawang sabi niya.
"Loko ka." natatawang sabi ko.
Natigilan kami sa aming kakulitan ng may pumasok na kotse. Nagpatuloy na ulit kami sa paglilinis ng kotse.
Pinagmasdan ko ito hanggang sa bumaba ang driver nito at laking gulat ko nalang sa aking nakita.
R-Rex? Anong ginagawa niya rito?
"Hi Sir. Magpapa-carwash po kayo?" magalang na tanong ni Andrew sa kaniya.
"Ano sa palagay mo?"
"Magka-carwash po. Sige po." nakangiting sagot ni Andrew na halata namang naiilang ito dahil pinilosopo siya nito. "Si Mark na po bahala sa inyo, Sir."
Lumapit siya sa akin at may ibinulong. "Parang paminta yata ito ha."
"Ha?"
"Akala mo lalaki, pusong babae pala." tugon nito at tuluyan na akong nilagpasan.
Lumapit ako kay Rex.
"Hi Sir. Magandang hapo ..."
"Unahin mong linisin ang loob ng kotse."
"Pero Sir ..."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang itong pumasok sa loob. Umikot ako sa kabilang bahagi nang kotse at nagbuntong hininga bago buksan ito.
Subukan lang niyang may gawin sa aking masama sa loob at hindi ako magdadalawang isip.
Pumasok na ako sa likod at isinara ang pintuan.
"Sir. Pwede po kayo sa labas nalang po muna maghintay habang nili ..."
"Kumusta si James?"
Napasilip ako sa salamin sa harap at nag-abot ang aming mga mata. Lumingon siya at hindi pa rin maalis sa akin ang gulat dahil sa kaniyang naging tanong.
"Mas masaya na siya kaya sana huwag na huwag mo na siyang lalapitan pa."
"Alam ko kahit hindi mo pa aminin na may namamagitan sa inyo." sabi niya at narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. Hindi ko siya masagot. "Alam mo naman siguro sa ngayon kung ano ang tunay kong pagkatao, diba? I'm not straight at alam kong alam mo na rin ang tungkol kay James at sa akin."
Oo. Alam ko na at tanggap ko siya pero ikaw? Hinding-hindi ko makakalimutan ang pananakit mo sa kaniya.
Pero anong motibo niya sa pagsasabi sa akin ng mga ito?
"Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa akin ngayon?"
"Unang pagkikita palang namin sa paaralan nu'ng highschool ... first year specifically ay alam ko na kung ano siya. Hindi kasi iyon mahilig makipagbarkada sa mga lalaki at pati na rin sa mga babae kaya naisip ko, bakit kaya? Antisocial ba siya? Introvert? Mysterious. Iyon. Iyon ang naisip kong mas nababagay sa kaniya kaya simula nu'n, sinubukan kong kaibiganin siya at doon ko lang narealize na ... hindi naman pala siya antisocial o introvert. Sadyang takot lang siya. Takot siyang mahusgahan. Takot siyang pandirihan. Takot siyang layuan. Inamin niya sa akin iyon nu'ng nakapagaanan na namin ng loob ang isa't isa hanggang sa di ko na namamalayang nahuhulog na pala ang loob ko sa kaniya." seryosong sabi niya
Nakaupo pa rin ako sa likuran na para bang isang bato at hindi ko maigalaw bawat parte ng katawan ko. Ni halos hindi nga ako makahinga eh pero habang pinapakinggan ko siya ay parang ibang-iba siya sa Rex na nakilala ko.
"Bakit bumalik ka? Masaya na si James simulang nagkahiwalay kayong dalawa kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan mo pa siyang guluhin ngayon." saad ko
"Nagpunta ako rito para ibigay sa kaniya ito bago ako umuwi ng Cebu pero hindi na niya ako kinakausap kaya nagbabasakali ako na baka pwedeng ikaw na ang magbigay nito. Sinundan kita mula paaralan hanggang dito para personal na iabot ito sa'yo."
Pinapasok pa ako sa loob eh wala naman palang planong magpalinis!
Napansin kong may kinuha siya sa kaniyang gilid at humarap siya sa akin.
"Alam mo ... hindi na ako makikialam sa kung ano mang meron kayo dati kaya kung maaari, huwag mo na siyang guluhin. Masaya na siya at hindi ko hahayaan na kunin iyon sa kaniya ng sinuman. Kung wala kang planong magpalinis, aalis na ako." sabi ko at akmang pabukas na sana ako ng pintuan ay agad akong natigilan.
"Please." pakiusap nito at nasilip ko sa gilid ang pag-abot niya sa akin ng isang notebook na may lasong nakatali.
Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin ito o paniwalaan ang mga sinabi niya pero para matapos na at makaalis na siya sa buhay ni James, tinanggap ko ito.
"Sana ito na ang huling pagkakataong makita kita at malapit kay James."
"Salamat." tugon niya pero hindi ko na siya pinakinggan pa. Bumaba na ako ng kotse at isinara ang pintuan nito.
Doon ko na nailabas ang mga hangin na kanina ko pang pinipigilan.
Hindi ko napigilang magtiim at magtagis ng aking mga ngipin.
Ano ka? Sineswerte? Bakit ko naman ito ibibigay kay James? Baka ikakapahamak pa niya ito. Tsaka, hindi ba't tinawag mo akong mukhang pera? Pwes! Magdusa ka!
Humakbang na ako palayo sa kotse niya nang mapansin ko ang notebook na bitbit ko. Tinitigan ko ito nang mabuti at pakiwari ko'y isa itong diary.
Napaisip-isip tuloy ako kung ibihigay ko ba ito kay James. Hindi ko alam kung anong maidudulot nito kay James kapag nakita niya ito. Baka mas lalo lang iyong masaktan. Wala pa rin akong tiwala sa Rex na iyon eh.
Itinago ko na muna ito sa bag ko at nagpatuloy na sa pagtatrabaho.
Pagkatapos ng shift ko, alas 2 ng umaga ay agad akong nagtungo sa condo unit ni James. Nang binuksan ko ang pintuan ay naabutan ko nalang siyang mahimbing na natutulog.
Lumapit ako sa kama at umikot sa kabilang bahagi nito. Nilapag ko ang bag sa upuan at humiga na sa kama nang patagilid para makaharap ko siya.
Tanaw na tanaw ko ngayon ang kaniyang inosenteng mukha na mahimbing na natutulog. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi mapangiti nang maalala ko lahat ng kalokohang ginawa naming magkasama mula unang taon hanggang ngayon at napawi nalang bigla ang ngiting iyon nang sumagi sa isipan ko ang mga araw na naging malungkot ang kaniyang mga mata at patuloy sa pag-iyak nang dahil sa akin.
"Karapatan mong maging masaya, lumigaya at mahalin. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak at nasasaktan. Hindi pa man ako sigurado ngayon sa nararamdaman ko para sa'yo pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na protektahan ka at pasayahin habang hinihintay ko pa ang mga kasagutan sa mga tanong ko." saad ko sabay hawak ng kaniyang mukha at hinaplos-haplos ito. Agad ko naman itong inilayo ang aking kamay nang bigla siyang gumalaw.
"Alam kong hindi ka naman mahirap mahalin eh kaya susubukan ko ... susubukan kong mahalin ka gaya ng pagmamahal mo sa akin." nakangiting saad ko at bumangon na ako ng kama para magbihis.
Bago pa man ako tuluyang lumayo mula sa kama ay lumingon muna ako saglit kay James. "Hindi ko hahayaang saktan ka ng kahit na sino."
Aaminin kong may kaunti nang pagbabago sa pagtingin ko sa aking kaibigan. Kung ano iyon ay hindi ko pa tukoy. Maaari kasing nagugustuhan ko na siya o libog pa lang ang lahat.
Nang humakbang na ako papuntang drawer ay nasagi ng paa ko ang bag at lumabas nang kaunti ang dulo ng notebook na binigay ni Rex sa akin sa bag. Pinulot ko ang bag at inilabas ang notebook.
Lumingon ako kay James saglit at ibinalik ang atensyon ko sa notebook.
"Hindi ko alam kung anong nilalaman ng notebook na ito pero alam kong importante ito. Poprotektahan kita, James. Hindi ko hahayaang masaktan ka ulit." sabi ko tsaka ibinalik ulit ang notebook sa loob ng bag.