Chapter 1
"Alice ma la-late na kayo, kumilos ka na!"
Sa sigaw na iyon ni Abuela Esperanza naramdaman ko ang pag galaw ng kama at ang pag higpit ng yakap sa akin ng kakambal ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napatitig sa aking kaharap.
Maganda si Alice, mala anghel ang kaniyang ganda. Mahaba ang pilik mata at maliit ang matangos na ilong nito. She was like a living doll. Identical twins kami tanging ang kasarian lamang namin ang pinagkaiba namin sa isa't isa.
"I want to cuddle more with Alixe" Pupungas pungas nitong reklamo na ikinatawa ko na lamang. "You really smells good." Suminghot pa ito sa leeg ko upang maamoy pa ako lalo. Napangisi pa 'ko sa kalokohan nito. Dahil wala naman akong ginagamit na pabango o perfume.
"You're gonna be late."Malambing kong paalala sa kaniya at mas lalo pa nitong isiniksik ang kaniyang sarili sa akin.
"Alice!" Sa sigaw na iyon ay kapwa kaming napaigtad. Dali-daling bumangon ang kakambal ko sa pagkakahiga. Kasunod non ang marahas na pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag na huwag kang pumunta rito at lumapit lapit sa bastardong 'yan!"
"Mommy stop it!Kapatid ko si Alixe at hindi siya bastardo"
"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na wala kang kapatid!Gusto mo bang masira ulit ang pamilya natin dahil sa freak na yan."Namumula sa galit na turan ni Mommy habang ako'y dinuduro-duro.
Ngunit mas dumoble ang takot ko nang inabot niya ang buhok ko. Madali niya lang magagawa 'yon dahil sa hanggang bewang ang buhok ko.
"M-Mommy tama na po, nasasaktan po ako." Mahigpit nitong hawak ang aking buhok. Hindi ko alam kung ang pisikal ba na pananakit nito ang masakit o 'di kaya sa trato niya sa akin na mas masahol pa sa hayop.
"Sinabi ko bang magsalita ka?"Bulyaw nito at marahas pang sinabunotan ako.Kasunod non ang malakas na pagsampal nito napareho naming ikinatigil ni Alice.
"Mommy itigil mo yan!"Pinipilit man ni Alice na awatin ito ngunit kagaya ko ay petite lang din ang katawan niya kumpara kay Mommy na 5'5 ang tangkad.
"Mo-Mommy stop hurting Alixe."Humahagulhol nitong pagmamakaawa.
"Anong kagulohan na naman ito Alessandra!?" Humahangos na pumasok sa silid ko si Abuela Esperanza at kaagad na binitawan ni Mommy ang buhok. May kasama pang ilang hibla sa kamay nya dahil sa pananakit nito sa akin.
Matalim naman na tumingin si Abuela kay Mommy at dali-daling kaniya akong nilapitan.
"Ayos ka lang ba apo?"
Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pag alala. Wala akong magawa kundi ang yumakap kay Abuela at hinayaan ang sariling umiyak.
"Huwag mo naman sanang saktan si Alixe. Walang masamang ginagawa yung bata sa'yo." Mahinahon ngunit may awtoridad na turan ni Abuela at sa marahang pag haplos sa likod ko ay nagawa kong kumalma kaagad.
Tiningnan ko ang mukha ni Mommy kung may pagsisisi ba ito ngunit sana ay hindi ko na lamang ginawa.
It was full of disgust and hatred towards me.
Sa muling pagkakataon ay pinaalahanan ko ang aking sarili na dapat ay masanay na ako sa ganitong tingin ni Mommy.
Mula pagkabata ay hindi ako nitong kayang ituring na kadugo. Dahil bunga ako ng masamang karanasan nito sa lalaki. Kaya magkaiba kami ng ama ni Alice. It was a heteropaternal superfecundation condition. Magkapatid man kami pero magkaiba ang ama namin.
"Lets go Alice!" Yaya ni Mommy sa kaniya at nag aalalang ako'y kaniyang tiningnan bago tuluyang umalis. Pabalang naman na isinirado ni Mommy ang pintuan.
"Pagpasensyahan mo na ang Mommy mo Alixe."
"Gusto ko lang naman po na makasama si Alice at maging maayos kami ni Mommy, maging masayang pamilya Abuela."
"Patawad apo."Naluluhang wika ni Abuela Esperanza, "patawad dahil wala akong magawa."
Maliban kay Alice ay alam kong isa si Abuela sa taong nagmamahal sa kagaya ko.
"Don't worry Abuela Esperanza kahit ilang beses akong saktan ni Mommy ay mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang magalit sa kaniya.Hihintayin ko ang panahon na mamahalin din niya ako."
Masigla kong turan. Malungkot itong napangiti sa akin. Sa puso ko ay may malaking pursyentong pag-asa pa rin.
Naniniwala ako na balang araw ay mamahalin ako ni Mommy and she will be the best mother ever for me.
"O sya ipapahanda ko na ang iyong agahan at kagaya ng ilang ulit kong bilin sa'yo huwag mong kakalimutan ang gamot mo."
Ito'y lumabas sa silid ko at rinig ko ang pag lock ng pinto mula sa sa labas. Marahil ay nakakandado na naman ang mga kadena na nasa labas.
Ako'y napatitig sa bintana ng kwarto ko. Unti-unting lumiliwanag na ang kalangitan at nag sihunihan na ang mga ibon.
Buong buhay ko ay tanging sa silid na 'to umikot. Sa 5x4 na kwartong 'to na pinaliligiran ng librong ibinibigay ni Lola ang mundo ko.
Kilalang mga tao ang pamilya ko. Abuela Esperanza is a famous Neurologist and Lolo Alfredo owns a well known pharmaceutical company. Meanwhile mom is a singer and artist married to a politician, Mayor William Lucein at ngayon naman ay sinasabak si Alice sa modelling and my father…. I really don't know his whereabouts.
Kahit masama ang trato ni Mommy sa akin ay hindi naman niya ako pinagkaitan na makapag-aral. Kaya mula pagkabata homeschooled ako at ang kapatid ni Abuela ang teacher ko.
Wala akong kaibigan na kagaya sa mga nababasa ko sa libro, kaibigan na kasama mo sa saya at dadamayan ka sa oras ng problema.
I am just an empty human. Celebrating birthdays ? I never experience that.
Minsan hindi ko maiwasang mainggit kay Alice, she's perfect and she got everything. Malaya siyang gawin ang lahat nararanasan niya kung pano ang mahalin.Malayo nga talaga siguro ang sitwasyon ko sa kakambal ko.
Dahil sa takot na hiwalayan ng kaniyang asawa ay naging isang lihim ang pagkatao ko. They have a rough relationship ngunit ng dahil nagkaroon ng isang Alice ay naging maayos ang relasyon nika. Ngunit, sa oras na malaman ng asawa ni Mommy ang kagaya ko ay nabubuhay panigurado ako ang sisira sa masayang pamilya na meron sila.
Ang realidad na iyon ay nakakapunit ng puso. My desire to live and be free can be someones suffering. So, san pa ako lulugar? I just want my Mom to be happy and love me.
Napabaling ako sa 12x17 na portrait, nakabalot iyon ng puting tela.Nakaguhit don ang magandang mukha ni Mommy at Alice. Malapit na rin kasi ang kaarawan nila—namin. We have the same birthdays.
Unti na lang ay malapit ko na rin matapos ang painting ko. This will be my gift for them. Sa matagal kong nakakulong dito sa silid ay naging libangan ko ang pag guhit.
Malungkot akong napatingin dito.
"Ano kaya ang pakiramdam na maging masaya at malaya?"
Tiningnan ko ang maliit na bintana sa aking kwarto. Pinagala ko ang tingin sa aking paligid.
Malawak ito at may mataas na pader. Ngunit tanaw ko pa rin ang mga nagtataasang mga puno. Ang lugar na 'to ay malayo sa mga tao at isang private property ni Abuela Esperanza.Higit sa lahat, mahigpit ang seguridad dito kaya kahit san ay may mga cctv. Sa isiping 'yon ay hindi ko na binalak na lumabas sa silid ko. Alam ko naman na wala akong kalaban-laban sa kanila.
Napatingin ako sa mala krystal na kulay ng infinity pool sa tabi non ay naroroon sila Mommy na kumakain ng agahan. Nandon din ang sampong katulong sa tabi nila. Nakikita ko ang isa ron na dahan-dahan na nagbubuhos ng juice sa baso ni Mommy.
Napabuntong hininga ako. I am hopeless I always wish to be with them. Makasabay sila sa hapag at masayang magkukwentohan.
Bago pa ako maiyak sa pangalawang pagkakataon ay binuksan ko ang TV at ang magandang mukha ni Mommy ang bumungad sa screen nito.
Siya'y malaanghel na ngumingiti sa camera tila wala itong pananakit na ginawa sa akin kanina.
Napatingin ako sa kalendaryo at nang mapansin na 5 ng Abril na ay naalala ko ang kinuwento sa akin ng kakambal ko.
Kaya pala iba ang galit ni Mommy sa akin kanina. Dahil sa takot nitong mabuko ng kaniyang asawa.
Ngayon nga pala ang interview nila kasama si Tito William na tumatakbong Mayor ulit.
They look so amazing sa camera at perpektong pamilya.
"A family goals."
Magaling at may talino kung magsalita si Tito William. Magiliw rin ito kaya hindi na nakakapagtaka kung ito'y magustohan ng madla. Maraming magandang proyekto at nakakatulong talaga iyon sa mga mamayan ng syudad. Kaya umaasa rin ako na sana ito muli ang manalo sa darating na eleksyon.
"Lets Welcome Governor Lucas Bartolome!"
Hindi ko na malayan na natapos na pala ang pinapanood ko. Papatayin ko na sana ang tv nang napatitig ako sa screen.
Mula sa matapang nitong mata na mahahalintulad ang kulay sa dilim ng gabi may damdamin akong nararamdaman na hindi ko mapangalanan. Sa suot na black suits he looks so stunning! Malaki ang pangangatawan nito at masasabi mong alaga nito ang kaniyang katawan.
Ang awra ng isang alpha ay nasa kaniya waring kaya niyang mapasunod ang lahat. Seryoso at malamig itong nakatingin sa camera habang may sinasabi ang host.Ngunit hindi iyon kabawasan ng kaniyang kagwapohan at kakisigan.
Ilang segundo lamang ay ngumiti ito na siyang ikinatili ng audience.
Napalapit naman ako sa tv at wala sa sariling napahawak sa screen.
Umusbong ang paghanga ko sa kaniya. Buong tapang niyang ipinagtanggol ang sarili laban sa masamang akusasyon na ibinabato sa kaniya. Sa uri ng kaniyang pananalita puno iyon ng katalinuhan at pawang katotohanan. Bilib sa sarili dahil alam niya ang kaniyang sinasabi. Hindi na ako magugulat kung ito'y laging nangunguna sa kaniyang klase nang ito'y nag aaral pa lang.
"Kung kagaya lamang niya ako marahil ay mamahalin rin ako ni Mommy."
Hindi lang kasi ang itsura nito ang perpekto. Nakikita ko sa tv ang pag flash ng education background nito. Tama nga ang akala ko.
"I know this is out of the topic Gov. Pero maraming nais malaman kung ikaw ba ay nasa isang relasyon?"
Panandaliang tumahimik siya at sumilay ang matamis na ngiti nito at ang salitang "Mi Luna is somewhere outhere, I'm gonna meet that person soon, I will cherish and be faithful to mi amore."
Biglang sumikdo ang t***k ng puso ko sa napanood. Pakiramdam ko tuloy para sa akin ang mga salitang iyon. Nahihibang na siguro ako.
Sa hindi malamang dahilan ay mabilis na nagsipatakan ang mga luha sa aking mga mata.
Alam ko na galing sa lalaki ang salitang iyon at alam ko sa sarili ko na lalaki rin ako but it gives warm to my heart.
Aminin ko man o hindi may kakaibang epekto sa akin ang estranghero.
"Mi Luna" malambing kong bagkit sa salitang yon.
Kasunod non ang sunod-sunod na mga imahe na malalabo at hindi ko matukoy na tumatakbo sa isipan ko.
Napahawak ako sa aking sintido dahil sa biglang kirot nito.
"Alixe ayos ka lang ba?"
Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Abuela Esperanza sa kwarto ko. Nang tingnan ko ang tv ito'y nakapatay na.
"Dala ko na ang agahan mo pasensya na at natagalan."
Lumapit ito sa kama ko na dala-dala ang isang tray ng pagkain.
Steamed brocolli, mashed potato, breast chicken, salmon, sliced avocado at orange juice lamang ang dala niya. Dahil masakitin at may 'kondisyon' ako kaya maingat si Lola sa mga pagkain na hinahain sa akin.
I am sick and my condition is unknown.Sakabila non ay hindi sinasabi sa akin ni Abuela ang kalagayan ko. But I trust her. Alam ko na hindi niya ako papabayaan.
Mabilis akong natapos sa pagkain at maiging binabantayan ni Abuela.
"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?"
"I feel the crumps again Lola."
Namimilipit kung turan at hindi alam kung san ba babaling dahil sa kirot ng puson ko.
Napabuntong hininga si Lola.
"Then lets try this." Kasunod non ay naramdaman ko ang kirot sa aking braso. She inject something to me.
Nakaramdam ako ng ginhawa at unti-unting nagpalamon sa antok.
Third POV
Isang malakas na sampal ang dumapo sa magandang mukha ng babaeng artista.
"How many time do I have to tell that you won't hurt him!" Nang gagalaiti sa galit ang matanda. Kahit na may edad na ito ay makikita pa rin ang natatanging ganda na hahangaan ng lahat.
"Alam mo kung bakit galit na galit ako sa batang iyon!" Nagpupuyos man sa galit ay hindi niya magawang sigawan ito.She's afraid what her mother can do to ruin her life again.
Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya habang sapo-sapo ang pisngi. She gently cares it at matinding takot ang naramdaman ng babae. Pigil ang hininga niya ng ito'y tuluyang nakalapit. Pinantayan nito ang kaniyang tenga na syang ikinanginig ng kaniyang tuhod.
"Patience…. I told you to have more patience. Malapit na mag diseotso yung batang 'yon. That specimen will lead me to my success at sa oras na mangyari yon ay limpak limpak na pera ang dadating sa atin."
Sa bulong na katagang iyon napagtanto niyang mas demonyo pa ito kumpara sa kaniya.