"Ijo kailan ka ba mag aasawa? Kami ay sabik na magkaroon ng apo"
For the nth time sawang-sawa na ang binata na marinig ito sa kaniyang Ina. Ngunit nananatiling walang emosyon ang kaniyang mukha at nagpatuloy sa pagkain. Kasalukuyang nilalantakan ang steak sa kaniyang pinggan.
Linggo ngayon at mandatory na sabay-sabay na kakain ang pamilyang Bartolome. Kung hindi lamang dahil sa kaniyang Lolo ay hindi siya uuwi ngayon.
"Tama ang iyong Mama, ijo. You are not getting any younger." Segunda naman ni Doña Clara. Sa kabila nang may edad na ito ay hindi matatanggi ang aking ganda ng ginang. Napakasopistikada ng babae mula sa kaniyang pananamit at pagkilos.
Napapikit na lamang si Lucas at pinilit na huwag na lang magsalita. Gusto na lamang niyang matapos ang pagkain niya.
"Maganda at mabait ang anak ni Antoñio paniguradong magugustohan mo siya apo."
Tuluyan nang napatigil sa kaniyang pagkain ang binata. Hindi niya inaasahan na maging ang kaniyang Lolo ay manghihimasok na sa usaping pag aasawa niya.
"I'm just 35 years old Lolo Rael.Wala pa akong balak mag asawa…. sa ngayon"
Tinapunan niya ng tingin ang kaniyang pamilya. Tingin na nagpatahimik sa mga ito.
"Bakit hindi niyo rin tanongin si Gustavo tungkol jan. Hindi lang naman ako ang anak niyo at binata sa pamilyang ito." Hindi niya mapigilang magsalita. Naubos na ang pasensyang baon niya.
Speaking of the devil, ano na nga kaya ang pinagkakaabalahan nito?
Ang huling balita niya rito ay may kinababaliwan itong tao.
"Wala akong maaasahan sa batang 'yon." Marahas na napabuntong hininga ang kaniyang Mama.
"Hayaan na lang siguro natin ang mga bata sa kanilang mga gusto." Pinal na turan ng kaniyang Lolo at tahimik na natapos ang kanilang hapunan.
"Señorito may tawag po kayo."
Paalam ng kanilang kasambahay at ibinigay nito ang telepuno sa kaniya.
"Hola mi amigo Lucas."Masiglang bungad sa kabilang linya.
"Ano na namang kailangan mo Cristoval?"
"Chill man."
Kaniyang inilayo ang telepuno dahil sa lakas ng tawa nito.
He doesn't even know how come they become friends.
"I have a gift for you tutal ay malapit na rin ang birthday mo."
There it is, mabilis pa sa kidlat na pinatay ni Lucas ang tawag. It is a bad omen for him pag may kung anong ibibigay ang kaniyang kaibigan.
Marahan na napatampal siya sa kaniyang noo. Nakalimutan niyang malapit na pala ang kaarawan niya kung kaya ganon na lamang ang pangungulit sa kaniya ng kaniyang Mama.
Still, he doesn't give a damn.He is a busy man.
Bago pa lumalim ang gabi ay minaigi na ni Lucas na umuwi. Malawak ang kaniyang French Provincial style mansion na mahigit 3 hektarya.
Hindi siya rito matutulog bagkos ay ipagpapatuloy pa niya ang kaniyang trabaho.
Sa ilalim ng limang palapag ng mansion ay may apat na palapag na basement pa ito.
Gamit ang eye scanner ay mabilis siyang nakapasok sa elevator na patungo sa pangatlong palapag.
"Gov pakiusap tulongan nyo po kami na makamit ang hustisya para sa mga anak namin."
"Wala na po kaming ibang mahihingian ng tulong kundi kayo na lamang po."
Ang tumatangis na pakiusap ng mga magulang ng mga dalawangpong mga dalagang naging biktima ng rape at m******e. Dahil sa insidenteng ito ay pinalawig ang curfew bilang pag iingat.
Ang masamang balitang ito ay nagbigay ng lamat rin sa imahe ng bansa malaki ang epekto nito sa tourism.
Matapos ang isang buwan ay nahuli rin ng mga awtoridad ang mga may pakana sa karumaldumal na insidente at mananagot ang mga ito sa batas.
Ngunit iba si Lucas, hindi ang batas ang siyang magpapatahimik basta-basta sa mga naulila.
Eye for an eye, tooth for a tooth.
"Pakiusap maawa kayo sa amin!"
"Ku-kung pera ang gusto nyo magbibigay ako. I-isa milyon o da-dalawang milyo,kahit magano basta pakawalan nyo kami."
Nagpantig ang kaniyang tenga sa narinig. Kung pera lang din naman ang usapan marami sya non.
Naka blindfold ang limang lalaki at walang saplot sa katawan. Kamay at paa ng mga ito ay nakapusas.
May malalaking pasa at may sugat din ang mga ito upang tuluyang umamin sa mga krimen nila ngunit tila'y hindi siya siniseryoso ng mga ito.
Hanggat maaari ay ayaw niyang gawin ito.
"Simulan mo nang magkumpisal."
Dahil may gamit itong voice changer ay mas lalong lumalim ang boses ni Lucas bilang pag iingat na rin.
Sa isang malaking bath tub ay sabay sabay na inihiga ang limang kriminal.
"A-anong gagawin nyo sa 'min!?"
"Pakiusap kung sino ka man patawarin mo kami."
Ngunit ang kanilang pagmamakaawa ay balewala.
Sa malakas na tunog ng speaker ay nag simulang tumugtog ang Symphony no. 9 by Ludwig van Beethoven.
Ang limang tauhan ng Gobernador ay nakasuot ng mga protective suit habang buhat ang mga baldeng puno ng mga african driver ants. Ants that are hungry to human flesh and enjoy human meat lalo na kung ito'y nakakaamoy ng sugat o dugo.
"Mukhang mag pipiyesta ang mga alaga ko ngayon." Nagagalak nitong hayag.
"Alam nyo ba ang pinaka ayoko sa lahat? Yon ay ang mga taong sumisira sa bayang inaayos at pinapaunlad ko.Ang mga kagaya nyong tao ay isang anay na dapat sa umpisa palang ay pinupuksa na."
Kasunod non ang palahaw, pag ungol at pagtangis ng mga kriminal.
Alixe P.O.V
Nagising akong masama pa rin ang nararamdaman. Mabigat ang buo kong katawan. Ang init nito ay nasa loob at dalawang araw na rin akong nagkakaganito.
"Alixe apo iniinom mo ba ang gamot mo?" Nagaalalang tanong nito at dala ang isang tray na naglalaman ng pagkain at gamot ko.
Nanghihina man ay napatingin ako sa dalang baso ni Abuela. Sa pagkakataong 'to kulay pula naman ang likidong naroon.
"Lola ayoko na pong uminom ng gamot."
Mabilis na nagbago ang ekspresyo ng kaniyang mukha. Nakikita ko ang pagkairitable nito. O baka nagmamalikmata lamang ako.
"Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag na huwag mo 'kong susuwayin Alixe."
Ramdam ko ang kuko nitong dahan-dahang bumabaon sa aking braso.
"Lola nasasaktan po ako."Mangiyak ngiyak kong reklamo dahil tila napapaso ang balat ko sa kaniyang haplos.
"Pagpasensyahan mo na ang Abuela Esperanza mo Apo. Nag aalala lang ako sayo Alixe."
Siya'y marahan na naupo sa tabi ng kama ko.
"Kaya inomin mo na itong gamot mo."
Dahil sa ayokong ma-disappoint sa akin si Abuela ay ininom ko na ang gamot ko para rin naman ito sa sarili ko.
"W-William anong ginagawa mo rito"
Rinig kong aligagang tanong ni Mommy at mga pagtatalong hindi ko maintindihan dahil sa muling pagkakataon ay alam kong mawawalan na naman ako ng malay. May kakaibang epekto ang gamot na ininom ko sa akin.
Ngunit nang ako'y magising ulit ay hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin.
Mommy was staring to my unfinished painting.
Magaan ang ekspresyon ng magandang mukha ni Mommy. I always dream na sana ganoon din niya ako tingnan.
"M-Mommy"Kinakabahang tawag ko sa atensyon niya at nang siya'y bumaling sa akin ay puno ng pagmamahal ang nakikita ko sa mga mata niya.
Nananaginip pa rin ba ako?
Kastigo ko sa aking sarili. Kung ito'y panaginip lamang ay ayoko nang magising. Kung sa mundong ito lamang ako kayang mahalin ni Mommy ay pipiliin kong manatili rito.
"Isuot mo 'to Alixiee" Malambing na utos nito sa akin at sinunod ko naman siya. Isinuot ko ang isang black hoody at bag pack na hinanda ni Mommy kaya maski ako ay hindi alam kung anong laman ng bag.
"Tara na Alixe bilisan natin."
Yaya nito kahit na nagtataka ay nagpatianod ako. Madilim ang paligid ngunit dahil sa kulay neon ang mga kamay ng wallclock sa kwarto ko ay nakita kong ala-una pa lamang ng madaling araw.
"M-Mommy sa'n po tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong dahil sa ibang daanan ang tinatahak namin waring isang lihim na pasilyo ito.
Napagtanto ko na tila may hinding magandang nangyari.
"Itatakas kita rito." Kaniyang sagot na ikinagulat ko.Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Mommy kahit ganon pa man ay mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Pero bakit po? This is our home."
"Wag na muna maraming tanong anak."
Anak…. Tinawag niya akong anak.
Matagal ko nang gustong marinig 'yon sa kaniya. Gusto kong tumalon sa tuwa at magpasalamat sa itaas dahil sa wakas ay dininig nito ang dasal ko.
Kapwa kaming napaigtad ng biglang tumunog ang siren sa buong mansion.
" Pendejo!" Madiing turan ni Mommy.
Mabilis niya akong hinila at nagpunta kami sa library niya.
May malaking libro siyang hinila roon at bumukas ang isang shelves. It was a secret door na ngayon ko lang nakita.
"Bilisan natin Alixe."
Mabilis kaming pumasok sa pinto at may hagdan doon pababa. A secret passage ng mansion.
"How about Alice?"
Nagaalala kong tanong ng maalala ko ang kakambal ko. Hindi pwedeng maiwan namin siya rito.
"Don't worry she's fine."
Lakad-takbo ang ginawa namin ni Mommy.
Halos 'di ko magawang huminga ng sunod-sunod na putok ng baril ang narinig namin. Hindi ko tuloy maiwasang matakot at mas gumulo pa ang sitwasyon dahil wala akong maintindihan.
Nang marating na namin ang dulo ay napangiti ako ng makitang ligtas si Abuela Esperanza.
"Lola!" Masaya kong tawag sa kaniya palapit.
Ngunit nang makita siya ni Mommy ay parang pinanawan siya ng kulay sa katawan.
Sa limang body guard na kasama ni Abuela ang dalawa ay hawak si Alice.
"Ano pong nangyayar-"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang sunod-sunod na pinagsasampal ni Abuela si Mommy.
Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan. Hindi ko inaasahan na ang mabait at kalmado kong Abuela ay kayang saktan ang kaniyang anak. Malalang pagbubuhat kamay ang ginagawa nito sa harapan ko.
"Hindi ka na talaga nagtanda Alessandra!"
Sa huling sampal ay nabuwal si Mommy at napahiga sa sahig. Walang awa niya itong pinagtatadyakan sa likuran.
"Kung kailan tapos na ang ekspiremento ko sa batang 'to tsaka mo sisirain ang plano ko!"
Sa sobrang galit ay nanlilisik ang kaniyang mga mata. Anumang oras ay handa siyang pumatay.
"A-Abuela Esperanza huwag mo pong saktan si Mommy,"pigil ko sa kaniya sa pag-asang titigilan niya si Mommy.
"Akala ko nagbago ka na at nagtanda e."
Nanghina ang buong katawan ko nang humugot ng baril si Abuela.
"Ilang beses ko ba dapat itatatak sa utak mo na hindi mo anak tong specimen na 'to."
"Mama, pakiusap itigil mo na 'to. Gusto ko ng normal na buhay para sa mga anak ko."
Sa unang pagkakataon ay nakita kong umiiyak si Mommy. Ang mga luhang iyon na para sa akin na may kalapit na pagmamahal para sa kaniyang tinatanging anak.
"Please wag mong ibinta si Alixe. Anak ko siya. Mahal na mahal ko si Alixe."
'Ibibinta ako? pero bakit?'
Sunod-sunod na tanong ko sa isipan.
"Maawa ka Mama kay Alixe."Namumugto na ang mga mata ni Mommy sa pag iyak at habol na niya ang paghinga sa tindi ng kaniyang paghagulhol.
Kulang ang salitang nadudurog ang puso ko sa nakikita ngayon. Ang mga salita ni Mommy alam at nararamdaman ko na totoo 'yon. Pero hindi sa ganitong sitwasyon gusto kong malaman na mahal din niya ako.
"Lintik na pagmamahal yan Alessandra at dahil jan sa pagmamahal yan sisirain mo ang mga plano ko!" Singhal ni Abuela. She's not the Abuela that I used to know. Parang demonyo ang kaharap namin dahil sa kalupitan niya.
"Bilyon-bilyon ang mawawala sa 'kin dahil pinapairal mo yang puso mo!"
"Abuela parang awa mo na hayaan nyo na kami."Umiiyak na pagmamakaawa ni Alice. Umaasa akong makikinig si Lola sa kakambal ko. But she just give us a smirked that made my body shiver.
Batid ko na sa oras na manatili pa kami rito ay malagim na panganib ang nakaabang sa amin.
"Bring them to the dungeon!"
Nanayo ang balahibo ko sa tindi ng kilabot sa plano niya. Lola's Dungeon is not a joke. Naroroon ang alagang sawa nito na kasing laki ng anim palapag na gusali.
"A-Abuela please! I do everything 'wag mo lang sasaktan si Alice at si Mommy"
Lumuhod na ako para makiusap at pakinggan nya. Umaasa na maililigtas ko sa ganitong paraan ang pamilya ko.
"That's what I love about you Alixe. Madaling kausap." Bumalik sa kalmado ang ekspresyon ng mukha ni Abuela at marahan niyang hinaplos ang mukha ko.
"Napakaganda mo talaga."Buong paghanga niyang turan na mas ikinatakot ko.
"Paniguradong magugustohan ka ng taong pagbibintahan ko sa'yo"Napaigik ako ng mahigpit niyang hinawakan ang panga ko.
"Sa oras na may kapalpakan kang gagawin ay ipapapatay ko si Alessandra at Alice."
Sunod-sunod na nagsitulo ang mga luha ko. Kahit anong gawin kong pagpahid sa mga mata ko ay malayang pumapatak ang likidong may kasamang hinagpis.
"L-lola bakit niyo po ba ginagawa 'to?" Lakas loob kong tanong. Everything is so illogical.
"Simple lang, I want everyone to suffer." Kasunod non ang marahas niyang paghila sa aking kamay. Sa higpit ng kaniyang paghawak paniguradong mag iiwan 'yon ng pasa.
"N-no Alixe… Wag kang sumama anak!"
Rinig kong sigaw ni Mommy bago ako tuluyang ipasok sa itim na van ni Lola.
I don't know what will happen next. Ang mahalaga ligtas ang pamilya ko.
Kanilang piniringan ang mga mata ko kaya wala akong kaalam-alam kung san nga ba ako dadalhin ni Abuela.
Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ako makakalabas sa mansion. Dapat ko na sigurong tanggapin ang masaklap kong tadhana.
"Thank you for the good deal Mister C."
Rinig kong usapan nila ni Abuela.Mukhang nagkasundo na sila sa halaga. I really can't imagine na kayang gawin 'to sa 'kin ni Lola.
She used to be so gentle to me and love me unconditionally. Dahil Panginoon niya ang pera kaya niya nagagawa 'to.
She's evil!
Hindi ko mapigilan ang pagtangis. She betrayed me.
Ayokong maging ganito basta-basta ang buhay ko.
Tinanggal nila ang pagkapiring ng mata ko at unti-unting nag adjust ang paningin ko sa paligid.
Sa isang abandonadong gusali nila ako dinala.
"Tama ka nga Esperanza, napakaganda niya."
Ang ngiti na nasa labi niya ay hindi ko nagugustohan kaya masama ko siyang tiningnan. Isa lang ang nasa isip ko ngayon kundi ay kumawala sa pagkakapusas at makalaya.
"Don't you dare to escape dahil hindi mo magugustohan ang kaya kong gawin."
Bulong nito sa aking tenga.
Sa pangamba ay sumunod na lamang ako sa gusto niya. I can't deny the fact that I really can't protect myself from them.
"We have to go Esperanza."
Pagpapaalam ng lalaki na tinatawag na Mr. C ni Lola.
Malalaki ang hakbang at nagmamadaling sumakay sa sasakyan kami. Gusto ko mang tumakas ngunit sila ay mga armado. Matataas na kalibre ng baril amg kanilang dala.
Hindi pa man kami nakakalayo sa abandunadong gusali ay may malakas na pag sabog kaming narinig rason upang mapapikit ako ng mga mata dahil sa pagkabigla.
"Lintek talaga tong si Josiah! Sinabing mamaya na gawin yon!"Singhal ni Mister C.
Nang idinilat ko ang aking mga mata ay nagsisi ako kung bakit ko pa 'yon ginawa.
I saw Abuela's head na nakapatong sa bonnet ng sasakyan!
She's lifeless, kasabay non ang pag ulan ng nasusunog na pera.