"Ops, sorry that was not intentional."
Paumanhin ni Mister C na tila isang simpleng bagay lamang ang nasaksihan ko.
"Clean it Ricardo!"Utos niya sa driver ng van na mabilis namang tumalima.
Napakabilis ng mga pangyayari ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong magluksa, maawa o matuwa. Lola Esperanza been bad to me at masaklap ang kinahinatnan niya ngayon.
Tila tumigil sa pag proseso ang utak ko sa nagaganap sa paligid.
"Should I cry?" Wala sa sariling naitanong ko sa estranghero.
"If you feel it then go ahead"Tugon nito at ngayon ay kinakastigo ko ang sarili at hinahanap ang mga rason para umiyak ngunit wala akong maapuhap na sagot.
Tuyo na yata ang mata ko dahil kahit isang patak ng luha ay wala akong maibigay.
Namanhid yata ang puso ko dahil sa maraming natuklasan sa araw na 'to.
Sa ginawang pagtataksil ng kapamilya ko sa akin at paglagay niya sa buhay ko sa panganib ay hindi ko magawang magluksa.
Hanggang sa nalinis na ni Ricardo ang bonnet ng sasakyan ay nanatili akong tahimik. Wala nang bahid ng dugo at dumi ito.
"I-I know what we are doing is wrong but we need your help." Kita ko sa kaniyang mga mata ang pag aalinlangan. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Dahil wala akong maisip na pwede kong maitutulong sa kaniya,kung sakaling mayroon talaga.
"What kind of help?" Tanong ko dahil in the first place alam ko sa sarili ko na wala akong kayang gawin lalo na kung patungkol sa mga bagay na nagagawa nila. Dahil hindi naman ako kagaya nila.
"Just attend my best friend's party then you are free."
"¡un momento!" wait a moment
Namamamangha ko siyang tiningnan. Ano bang nakita niya sa akin para umabot siya sa ganitong punto.
"I know you have a lot of questions pero ito lang ang pwede kong sabihin. Malaki ang kasalanan ni Esperanza. Marami siyang pinadukot na mga babae and she experimented them. I just need to remove the root of evil."
"I guess you need to hide too. Galit na galit si William sa nanay mo bata at pinapahanap ka."
Biglang tumunog ang cellphone niya at kaagad niya iyong sinagot. Maya-maya pa ay ibinigay niya iyon sa akin.
"A-Alixe?"
Mabilis na tumulo ang mga luha ko ng mapagtanto kung sino ang nasa kabilang linya.
"M-Mommy"
"I'm s-sorry Alixe" Ang nanginginig na boses ni Mommy ay puno ng pangulila at pinipilit niyang makapagsalita ng maayos.
"I'm sorry Baby, kung bakit umabot tayo sa sitwasyon na 'to. I'm sorry sa lahat-lahat."
Wala akong magawa kundi ay maiyak na lamang.
"Mahal na mahal kita Alixe."
"I-i love you too Mommy."
"Everything will be okay Alixe. For now si Mister C muna ang bahala sayo."
"M-Mommy ayoko po.I want to be with you"
"Tiis-tiis lang muna Alixe. Sila lang ang pwedeng tumulong sa atin. Ayoko namang mapahamak ka ng dahil kay William. I can't lose you again anak."
Biglang may narinig akong malakas na putok ng baril.
"Sorry Good bye anak. Don't worry Mommy and Alice is okay."Mabilis na paalam ni Mommy at pinatay kaagad ang tawag.
Binabagyo naman sa pag alala ang puso ko para sa kanila.
I can't lose my family.
"Don't worry too much, half of William's men loyalty is for me. Auntie Alessandra will be fine."
Buong pagtataka kung tiningnan si Mister C.
"Your Mom and my Mom were bestfriend. So you are in the good hands, I guess?"
Napahugot ako ng malalim na paghinga. Idadaan ko na lang siguro lahat sa pagdadasal.
"¿Cuál es tu nombre?" What is your name?
Hindi naman pwedeng Mister C lang ang itatawag ko sa kaniya.
Napangisi siya at kakaiba ang kislap ng kaniyang mata. O baka mali lang ako ng akala.
"I'm Cristobal Montemayor."Tugon niya,"but you can call me Riest."
Napatango naman ako at ningitian ko sya. Kailangan kong makisama. Hindi ako kampante kung mabuting tao ba siya o hindi.
Matapos ang maiksing pagpapakilala ay sumakay kami kaagad sa helicopter.
Halos hindi ako humihinga habang lulan non dahil sa matinding takot at kaba.
I am not ready for this!
Hanggang sa may pinaamoy sa akin si Cristobal rason para unti-unting ginapo ako ng tulog. Hanggang sa nagising ako sa tunog nang hampas ng alon.
Iginala ko ang paningin sa paligid. We are on a private island. Wala akong ideya kung sang lupalop ako ng bansa banda.
Itim na itim ang karagatan at ang tanging liwanag lamang ay galing sa bilog na buwan.
I'm wearing a thin fabric. Not decent enough to cover my whole petite body.
Parang gusto kong magyaya ng suntokan kay Reist dahil sa suot ko ngayon. Wala naman akong ibang dapat na masisisi kundi siya lamang.
Napayapos ako sa aking braso ng malamig na hangin ay humaplos sa aking katawan.
Hindi ko alam kung bakit ko kailangan mag suot ng bunny girl costume. Aware naman siguro siyang isang lalaki ako!
Napakuyom ako ng aking kamao.
Nakakalalaki na kasi!Ang lakas niyang mang trip.
Ngunit wala naman ako sa sitwasyon na ang kagustohan ko ang masusunod.
"Como estas Alixe?" How are you Alixe
Matalim ang tingin na nilingon ko si Reist.
"Nasisiraan ka na ba ng bait Reist!?"Madiin at may galit sa salita ko. "Alam mong lalaki ako at bakit mo 'ko pinagsusuot ng pambabaeng damit?"
Singhal ko. Paano naman ang pride ko bilang isang lalaki?
"Yeah you are man but you don't look like one."
"ANO?"Nang gigil kong tanong dahil hindi ko marinig ang sinabi niya.
"I mean its a costume party at wala na akong ibang costume na pwedeng ipasuot sayo."
Kung pwede lang sana makasaksak ang matalim na tingin ko sa kaniya ay baka natuwa pa ako.
"Mas bagay sa akin Batman custome"
Giit ko na siyang ikinahalakhak nito.
"Hindi ko alam na magaling ka pala magbiro."
Napakuyom ang kamao ko sa sinabi niya.
"I'm just kidding, so relax ka lang."
Napatingin ako sa salamin at tiningnan ang kabuoan ko.
"Anyway, what's the plan?" Tanong ko na lamang para matapos na 'to.
LUCAS POV
"Happy Birthday Lucas!"
We are on a ship na pag mamay-ari ni Cristobal kasama ang mga malalapit naming kaibigan at may mga artista at modelo rin akong namumukhaan dito.
I'm totally against with this celebration. Another year and another reason for my family to nag about me settling down.
"Hey bro stop frowning!"Sigaw ni Cristobal. Masyadong malakas ang tugtog ng DJ para kami ay magkarinigan.
"Crist is right, it's your day man!"
Segunda naman ni Xavier. Himalang nandirito ito ngayon dahil busy rin ito sa kaniyang kompanya.
"Maraming hinandang pasabog itong si Crist at mukhang magugustohan mo. He have an artist and model. Mamili ka lang at sasaya ang gabing ito."
Pilyong napangisi naman ang kaibigan naming si Josiah. The playboy in our group.Walang babae o binabae itong pinapalampas.
"Whatever" Tanging nasabi ko na lamang.
"Let's have a drink" Nagagalak na suhestyon ni Cristobal kasunod non ang pagbuhos niya ng wine sa mga baso namin. "Ops, naubos. Wait I've prepare something special for you birthday boy!"Turan nito nang saktong naubos ang dalang alak ni Crist at pinalitan ng ibang klase ng wine ang inilagay sa baso ko.
"Cheers!"Masayang turan nito at kasunod non ang pag kalansing ng mga baso.
Maraming nagtangkang makipagsayaw sa akin ngunit mas pinili kong maupo na lamang at pinapanood ang mga bisita.
Biglang tumahimik ang paligid nang si Crist ay tumayo sa mini stage at may hawak itong microphone. Lahat ng atensyon ay nasa kaniya. Nakikita ko ang karamihan sa mga babae na humahanga sa kaniya. Their eyes full of desire and lust.
"Okay guys! I have a special game for everyone."
Mariin naman akong napatitig kay Cristobal. Nanatiling malamig ang tingin sa kaniya.
"Syempre kasama ang birthday celebrant sa larong 'to. Hindi naman pwedeng tayo-tayo lamang ang mag sasaya. "
Anunsyo niya na siyang nagpaligalig sa mga bisita.
Ngayon dapat na siguro akong maalarma sa pinaplano ng mukong na 'to.
Alam niyang hindi ako makakatanggi sa pagkakataong ito lalo na dahil sa may inaalagaan akong reputasyon at imahe ngayon.Dahil sa nalalapit na naman ang eleksyon.
"Let's have a Treasure Hunting!"
Nakangisi pa ito sa akin ng inanunsyo niya 'yon.
"Papasaan pa't pupunta tayo ng Isla Amara del Paraiso" Dagdag pa niya rason para maghiyawan ang mga bisita.
Isla Amara del Paraiso is exclusively open for VVIP hindi basta-basta kung sinong tao lamang ang nakakapasok sa isla. Tanging mga kilala at bibigating tao lamang ang nakakaapak dito. World class service and facilities na pagmamay-ari ni Cristobal.
The guest is quiet lucky today.
It was 8 o' clock nang napatingin ako sa suot kong wrist watch. Saktong-sakto sa pag daong ng barko sa isla.
Bago pa kami makababa ay binigyan ang bawat isa sa amin ng mapa.
"Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo Cristobal."Madiin at puno ng talim kong bulong sa kaniya nang mahagip ko ang braso niya dahil nagtangka pa itong takasan ako.
"H-hindi ka na talaga mabiro. Just chill, relax and enjoy the night bro. Pangako, isa ang birthday na 'to sa hindi mo malilimutan."
Kumpirmado! May binabalak nga ang loko.
"Hi Governor"
Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Alam kong nakatuon na rin ang mga mata nila Josiah sa babae lalo pa at nagbibigay motibo ito.
"Happy Birthday Governor Lucas."
May halong pang aakit ang boses na bati niya. Ang suot naman ng babae ay sleeveless slip dresses. Hapit na hapit ang hubog ng katawan niya sa kaniyang suot at pinapangalandakan ang malusog niyang dibdib.
Malamig ko siyang tiningnan.
"I'm sorry Ivaña I have to go." Paalam ko na lamang sa kaniya.
Ayokong mapahiya siya dahil kilalang artista ang babae.
May sasabihin pa sana ito pero binilisan ko na ang paglalakad.
"Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko but I am free tonight"
Rinig kong sabi ni Xavier at sumunod din sa amin.
I just want to end this night!
Nang tuluyang makababa sa barko ay napatingin ako sa mapa at nandon din ang mechanics ng laro.
It has a five station, per station ay may task at sa tuwing gagawin ang task ay may ibibigay na clue kung na saan ang treasure. Kung sa tingin mo na madali na lang ang laro pwes nagkakamali ka. Per station ay may nakahandang matatapang na alak.
First Station: Bacardi 151 with 75.5%alcohol , 2 shots
Second Station: Balkan 176 Vodka, 88% alcohol, 3 shots
Third Station:Hapsburg Gold Label Premium Reserve Absinthe,89.9%, 4 shots
Fourth Station:River Antoine Royale Grenadian Rum, 90% alcohol, 4 shots
Fifth Station:Spirytus,96%alcohol, 5 shots
Balak nga yatang lunurin kami sa alak ni Cristobal! Buti na lang at batak ako sa alak.
"Mukhang mapapalaban ka sa alak ngayon bro" Natatawang wika ni Xavier na may pamasahe pa sa balikat ko.
"Alam nyo naman ako,hindi ako papatalo sa alak."
"Ganyan ang gusto ko sa kaibigan ko, hindi nagpapatalo"-Cristobal
Nag apiran pa sila ni Xavier. Magkasundo talaga ang dalawa sa kalokohan.
"Just to remind you may reputasyong iniiangatan yang kaibigan natin."
"Ang KJ mo Josiah!"Sabay na reklamo ng dalawa.
"He is a Governor."
Napairap naman si Cristobal sa sinabi ni Josiah na nagpahalakhak sa amin.
"Its okay, let just enjoy the night."
.
.
.
.
.
.
Parang gusto kong pagsisihan ang pag sali sa pakulo ni Cristobal!
Hindi ko alam kung bakit ang bilis kung tablan ng alak ngayon.
"Sh*t"
Mura ko habang pasuray suray na naglalakad paalis sa 5th Station.
Huling station na lamang ay malapit na ako kung san makikita ang treasure.
I am not this weak! Panigurado may ginawang kalokohan ang Cristobal na 'yon.
The Treasure located at one of VVIP room. Tinitigan ko pa nang maigi ang mapa.
Kaya naglalakad ako ngayon sa lobby.Sa bawat hakbang ay umiikot ang paningin ko at anumang oras para na akong matutumba. Pero kahit papano ay matino pa rin ang isip ko.
Mga lima... Sampong lakad pa ay narating ko na ang room 69069.
Sa pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napakatamis na amoy.
"Happy Birthday Lucas!"
Ang amoy na 'yon ay nagpawala sa katinuan ko.
Ang tamis na 'yon na mahihiya ang strawberry sa kaniyang amoy. Nakakabaliw at nakakainit ng sistema.
Hindi ko mapangalanan ang unti-unting nabubuhay na emosyon. Ngunit isa lang ang sigurado... I want him for myself!