Halos isang oras na akong nakaupo sa gilid ng malaking kama, nakatitig lang sa natutulog na bulto ni Governor Daks. Ang himbing ng tulog nya. Yung dibdib nyang maskulado ay payapang umaangat at bumababa. Nakabuka pa nang bahagya ang mga labi nya at paminsan-minsan ay may mahinang hilik na lumalabas mula rito. Nakakatawang isipin na ang lalaking kinakatakutan sa buong probinsya, ang halimaw na walang-awang sumisira ng buhay at bumabarurot sakin na parang walang bukas, ay mukhang inosenteng bata kapag tulog. Walang nakakunot na noo. Walang nanlilisik na mga mata. Dahan-dahan bumukas ang pinto ng kwarto. Sumilip si Cyrus, may bitbit na isang basong tubig. "Dalisay, uminom ka muna," mahinang pabulong ni Cyrus sabay lapag ng baso sa bedside table. Tiningnan nya ang boss nyang sarap na sar

