Gov is drunk

1773 Words

Parang huminto ang pagtibok ng puso ko. Umurong lahat ng dugo sa katawan ko papunta sa talampakan ko. Ang malamig na aircon ng mansyon ay tila naging yelo na direktang tumusok sa mga buto ko. ​Isang construction worker na taga-Barangay namin. At ang pangalan... ay Ruben. ​Nanlaki ang mga mata ko. Unti-unting nanginig ang mga labi ko habang nakatitig sa seryosong mukha ni Cyrus. Parang umiikot ang buong paligid. Hindi ako makahinga. ​"A-Anong sabi mo, Cyrus...?" garalgal at halos walang boses na tanong ko. Lumapit ako at awtomatikong napahawak sa braso ng suit nya. "H-Hindi totoo 'yan! Cyrus, kilala ko ang tatay ko! Mabuti syang tao! Ni hindi nga makapatay ng manok 'yon, tao pa kaya?! Baka kapangalan lang nya! Cyrus, maawa ka, sabihin mo kay Gov na hindi ang tatay ko 'yon! Wag nyong papa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD