Nanigas ang buong katawan ko. Huminto ang pagtibok ng puso ko sa mga narinig ko. Matagal na kitang pinapanood... sinigurado kong hindi makakalabas ang tatay mo para ikaw mismo ang lumapit sakin... Kumunot ang noo ko at pilit na inangat ang ulo ko mula sa pagkakadikit sa dibdib nya. "A-Ano... anong sabi mo, Gov? Anong ibig mong sabihin na sinigurado mo?" kabadong tanong ko, halos mabulol na sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hinihintay ko ang sagot nya. Hinihintay kong ulitin nya yung sinabi nya o kaya bawiin at sabihing nagbibiro lang sya. Pero lumipas ang ilang segundo, walang sagot na dumating. Imbes na magsalita, isang malakas at mahabang hilik ang pinakawalan ni Governor Daks. Hnggg-khhhhh. Tulog na sya! Sa dinami-dami ng pwedeng itulog ng demonyong 'to, ngayon pa tala

