"Anong nangyari kay Victoria?!" nag-aalalang tanong ko nang makita kong mamutla ang Gobernador matapos sagutin ang tawag. Mabilis na ibinaba ni Governor Daks ang satellite phone at nag-igting ang panga. "Her convoy. Naaksidente ang sinasakyan ni Victoria. Sabi ni Cyrus, the car appears to have been crushed by a ten-wheeler truck sa may highway palabas ng probinsya." Nanlaki ang mga mata ko. "P-Patay na po ba sya?" "Hindi pa kumpirmado. But I have to go there and see it for myself," malamig na utos nya, mabilis na kinukuha ang baril nya mula sa vault at ikinakasa ito. "If someone is making a move against the Imperials inside my territory, it means war. Cyrus! Prepare the men! We leave in exactly two minutes!" Nagkagulo ang buong mansyon. Halos lahat ng gwardya sa perimeter ay isina

