Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Bingi na yata ako. Gusto kong maniwala na nabibingi na ako at kung ano-ano na lang ang naririnig ko. Pero hindi eh. Rinig na rinig ko nang malinaw ang bawat salita na lumabas mula sa kabilang linya bago pa man mabilis na pinatay ni Governor Daks ang tawag. “Nasunog na rin po namin yung mga ebidensya na kayo mismo ang nag-set up sa kanya sa tindahan nyo para makulong sya.” Nanlamig ang buong katawan ko. Parang binuhusan ng yelo ang kumukulo kong dugo. Ang matinding init at sarap na nararamdaman ko kanina lang habang magkayakap kami... biglang napalitan ng matinding pandidiri. Pandidiri sa kanya, at mas matinding pandidiri sa sarili ko. Unti-unting nag-sink in sa utak ko ang lahat. Ang lalaking iniyakan ko. Ang lalaking pinagmamakaawaan ko.

