"Bilis, Gov! Parang awa mo na, bilisan mo!" umiiyak na pakiusap ko habang nakakapit nang mahigpit sa seatbelt. Halos lumipad ang itim na SUV namin sa kalsada. Wala nang pakialam si Governor Daks sa mga traffic lights o sa mga sasakyang nag-o-overtake. Ibinaon nya ang paa nya sa silinyador, ang mga mata ay nakatutok sa daan, habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa nanginginig kong palad. Ang limang escort vehicles na puno ng Alpha Team ay nakabuntot sa amin, naka-wangwang at nagpapa-hawi ng daan. "I'm trying, baby. I'm stepping on it," madiin at garalgal na sagot ni Gov. Puti na ang mga buko ng daliri nya sa higpit ng hawak sa manibela. "Hindi sila pwedeng galawin ng Senador. I will burn his entire clan alive if he touches even a single strand of your parents' hair." Hum

