Yung pag-vibrate ng satellite phone kaninang madaling araw ay isang simpleng update lang pala mula kay Cyrus na secured na ang buong perimeter ng mansyon at ligtas na nakarating si Mayor Alfonso sa ospital. Pagkatapos marinig ang magandang balita na 'yon, muling nakatulog nang mahimbing ang Gobernador ko. Sikat na sikat na ang araw nang tuluyan akong magising. Paggising ko, nakapulupot na ang dalawang maliliit na braso ko sa malapad at matigas na dibdib ni Governor Daks. Nakasubsob ang mukha ko sa leeg nya, habang ang isang binti ko ay nakadagan sa hita nya. Sa halip na magreklamo sa bigat ko, naramdaman ko ang marahan at paulit-ulit na paghaplos ng malaking kamay nya sa buhok ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Bumungad sakin ang mukha ng Gobernador. Nakatitig lang sya sakin.

