“Buong puso akong tutulong sa inyo Salima hanggang sa tuluyang bumuti ang kalusugan ni Mang Esteban. Kung papayag kayo na ako na lang muna ang hahawak sa inyong hanapbuhay. Kesa naman na ibenta niyo ito,” hindi naman makapaniwala si Salima sa minungkahi ni Vladimir dahil alam niya na isang mabigat na responsibilidad iyon. “Sigurado ka ba Vlad? Mabigat na gawain iyon. Saka sa itusra mo ay alam namin nina inay at itay na laki ka sa mayaman na pamilya,” sa pagkakataong ito ay si Salima naman ang hindi pinatapos ni Vladimir sa kanyang pagsasalita. “Masaya ako na makatulong sa inyo at huwag kayo mag-alala dahil hindi ko tatangayin ang kita,” natatawang biro ni Vladimir kay Salima. “Naku Vlad, ang bagay na iyan ay hindi namin naiisip dahil unang kita pa lang namain sa ‘yo ay alam na namin na

