"Pasensya na," biglang natauhan si Katherine nang may narinig siyang nagbukas ng pintuan, maging si Vladimir ay gano'n rin. "Babalik na lamang ako Salima. Pagpasensyahan mo na lang ang konting naiabot ko. Maliit pa lang kasi ang sweldo ko bilang isang sundalo," sabi ni Roman kay Salima nang makalabas sila ng kwarto ni Mang Esteban. Sila ang narinig ni Katherine kaya naman nabalik ito sa kanyang wisyo. Umayos naman ng kanyang upo si Katherine. "Malaking tulong na nga ito Kuya Roman. Nais nga sana namin ibenta ang aming negosyo dahil malaking halaga rin iyon. Ngunit may nagmungkahi si Vlad na huwag na namin iyon gawin," nakangiti na sabi ni Salima saka siya napatingin kay Vladimir kaya naman napangiti siya dito. "Kapalit ni Itay ay siya muna ang hahawak ng aming negosyo." "Kay buti mo nam

