Chapter 9

243 Words
"Maraming salamat Vladimir sa pagtulong agad kay Itay. Ang sabi ng doktor kung nahuli siyang idala dito ay bala hindi na siya tumagal," malungkot na sabi ni Salima may Vladimir. May kasiyahan naman si Salima na nadarama dahil buhay pa ang kanyang amang Esteban ngunit hindi pa rin siya lubusan na makapante dahil hindi pa rin gumigising ang kanyang tatay. "Ano ba ang sabi ng doctor? Bakit hindi pa rin gumigising si Mang Esteban?" tanong ni Vladimir kahit na alam naman niya at naririnig niya na mahina na ang t***k ng puso ni Mang Esteban. Alam niyang may problema sa puso nito. "Humihina na daw ang puso ni Itay kaya isang milagro daw talaga na nabuhay pa siya ngayon. At kapag nakalabas na siya dito sa hospital ay hindi na siya maaaring mapagod. Kaya baka..." hindi na natuloy ni Salima ang kanyang sasabihin dahil napipinto na bumagsak ang kanyang luha. "Kaya baka ibenta na namin ang palayan at ang mga alagang hayop namin upang maipagpatuloy ang gamutan ni Itay." "Wala na bang ibang paraan?" "May naghihintay na trabaho sa akin sa siyudad ng Norville pero hindi iyon sasapat. Kaya naman nagdesisyon kami ni Inay na ibenta na lang ang palayan at mga alagang hayop," nalungkot naman si Vladimir sa kanyang narinig dahil kahit saglit pa lang siya dito ay napamahal na sa kanya ang pamilya at ang hanapbuhay nina Mang Esteban at Aling Selma. Kaya naman bahagya siyang napangiti nang may naisip siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD