Napangiti syang mag.isa sa mga naalala nya. Ang sarap sana sa pakiramdam kung nagkatong natupad nila ang sumpaang yon. Kaso dahil sa katangahan nya at nagpabulag sya sa mga paninira ng mga taong nakapaligid sa kanya. All she got now is regrets.
Naalala din nya ang pinakahuli nilang pagkikita noong pauwi na sila ng asawang si Carl galing naligo sa dagat, dahil malapit din sa dagat ang tinitirhan nila noon sa gensan.
Hi, bati ni Adonis sa kanya.
Oh nandito ka ulit sa gensan? bati din nya dito habang karga.karga nya ang panganay na si John at nakaakbay sa kanya ang asawang si Carl.
Pauwi na din ako mamaya ng Davao, sagot nito sa kanya na nakakunot ang noo. Pwede kang makausap sandali?
Bakit, ano yon? sabi nya sa lalaki.
Pupunta ako ng Maynila merong nag.offer ng trabaho doon. Sabi nito sa kanya.
Ahh ganun ba? mabuti yan. Mag.iingat ka doon at wag masyadong damihan ang syota baka balikan ka pagdating ng panahon.
Kumunot lalo ang noo nito at galit na sinabi " Kahit kailan ay di mo ako pinaniwalaan, mas naniniwala ka sa paninira nila sa akin" hwag kang mag-alala malilimutan din kita at sa pagdating ng araw na iyon ay pagsisihan mo lahat ng ito". Bigla nyang naisip baka ito na iyong sinasabi nitong pagsisihan nya ang lahat ng di nya pagtiwala rito. Baka ito na iyong ganti na lalaki sa kanya. Paano ba nya ito tatanggapin. Papayag ba syang paghiganitihan nito? Paano kaya nya ito iiwasan? Makaya kaya nyang iwasan at kalimutan ito ng tuluyan upang maiwasan ang sakit ng paghihiganti nito sa kanya?
Nakita nya ang malaking bato sa gawing kanan nya at naupo sya dun habang yakap ang sarili dahil nilalamig na sya. Naisip nyang kung kaya nyang paibigin muli si Adonis sa kanya para maiwasan nya Ang sakit pero naisip rin nyang makakasira sya ng pamilya kung gagawin nya ito. Ayaw nyang maging home wrecker. Ayaw nyang maging kabit. Nang may nagtakip sa balikat nya ng jacket. Salamat Ed, sambit nya ngunit di sya nakarinig ng sagot mula dito.
Di ka pa ba babalik sa kwarto mo? Narinig nyang tanong ng pamilyar na boses na iyon. Ah ikaw pala Adonis. Bakit ka bumalik? May nalimutan ka pa bang sabihin? tanong nya rito.
Sabihin mo na nang matapos na ang gusto mong closure. Dagdag nya ulit. Sana lang pagkatapos ng mga sasabihin mo tapos na ang lahat sa atin ng di na dapat pag-usapan ang nakaraan. Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng nagawa kong di pagtiwala sayo noon at sa lahat ng ginawa ng nanay ko. Ganun pa man kung titingnan ang mga kinahinatnan ng lahat ay mas napabuti ang buhay mo dahil di ako ang nakatuluyan mo. Dahil kung ako siguro ang naging asawa mo baka naghihirap ka din ngayon. Biglang, hinawakan nito ang braso nya at sinabing "di mo alam ang lahat ng pinagdaanan ko makalimutan lang kita, Kaya kong ipagpalit ang lahat ikaw lang ang makasama ko habang buhay. Pero sa nakikita ko ngayon, Wala pa rin pala akong halaga para sayo, sabay bitaw sa braso nya. Bumalik ka na sa hotel at lumalamig na dito, sabi nito sa kanya. Maya konti babalik na din ako, sagot nya dito. Tumayo na sya mula sa pagkakaupo sa malaking bato at tahimik na pinanonood ang mga alon na nag-uunahang humampas sa dalampasigan. Naisip nya ang dahilan kung bakit nandito sya sa Isla. Isa pang problema nyang dapat lutasin. Paano kya nya lulutasin ito? Saan sya kukuha ng pambyad sa mga utang nya? Takot na syang humawak ng cellphone at magbukas ng social media dahil baka matunton sya ng sindikatong pinagkakautangan nya. Lahat ng contact nya sa telepono nya ay tinawagan na nito at sinisiraan na sya sa lahat ng social media platform. Gusto na nyang maglulupasay ng iyak dahil di na nya alam ang gagawin pati nga anak nya ay nadamay sa katangahan nya. Wala na syang mukhang ihaharap sa mga anak nya.
Ano bang plano mo, ngayong wala na si Carl? kumusta na ang mga anak nyo? sambit ng lalaki sa kanya.
Di ko alam. Wala akong kwentang ina. Ni di ko man lang mapag.aral ang dalawa ko pang anak at napasok pa ako sa Isang malaking problema. Alam mo ba kung bakit nandito ako sa Isla? Dahil nagtatago ako sa mga nautangan ko. Kaya ang mga anak ko ikinakahiya na ako. Napakawalang kwenta Kong tao Adonis. Kaya mabuti na lang at Hindi ako ang nakatuluyan mo.
Ikinwento nya ang mga nangyari kung kaya nagtatago sya ngayon.
Pwede kitang tulungan para mabayaran mo ang mga utang mo, kung papayag ka?
Paano at anong kapalit? deretsahang tanong nya dito.
Pagtatrabahoan mo sakin, ganun lang kasimple sagot nito sa kanya
Anong trabaho naman ang pwede kong gawin? tanong nya ulit dito
Tsaka na natin pag.usapan, pagnasolved na natin ang problema mo. Bukas na bukas papaasikaso natin sa secretary ko. Ano pa ang ibang gusto mong gawin para maging maayos ang buhay mo? tanong nito sa kanya habang nakangiting inakbayan sya nito.
Salamat Adonis, sige mauna na ako sayo, paalam nya sa lalaki. Hindi sya naniwala sa sinabi nito dahil ang alam nya bumalik ito para ipamukha sa kanya na mali ang di nya pakikinig sa kanya noon.
Sabay na tayo, pabalik na rin naman ako sabi nito sa kanya.
Habang naglalakad pabalik ng hotel ay natanong nito, ano pala ang kursong kukunin ng bunso mo? pwede natin sya sa new York pag.aralin kung gusto nya? tanong nito.
Gusto nyang magdoctor, yon ang sabi nya sakin noon, di ko na alam kung nagbago ang gusto nyang kursong kukunin. tsaka wala akong kakayahan para sa gusto nya.
Eh iyong isang anak mo pa? tanong ulit nito.
Gusto ni Jael maging pilot. Pero mukhang nawalan na ng gana mula ng mawala ang ama nila.
Ikaw, anong gusto mo para sa kanila? Tanong ulit nito sa kanya.
Kung anong gusto nila, walang problema sakin kaso wala akong ikakasuporta sa kanilang mga gusto.
Gusto kitang tulungan para makapagtapos sila kung papayag ka? Sabi ng lalaki sa kanya.
kahit ano payag ako maibigay ko lang ang pangarap ng mga anak ko.
So, walang problema. Bukas tawagan mo sila para makakapag.meeting tayo kasama ng abogado ko. Anong floor ba ang room mo? tanong nito habang papasok sila ng elevator. 18th floor yta...sagot nya naman.