Dinala sya ni Adonis sa tabing-dagat. Malamig na ang ihip ng hangin at gabi na. Makikita na Ang mga Ilaw ng mga mangingisdang papalaot para manghuli. Napakagandang panoorin ang dagat. parang mga bituin na kumikislap ang mga ilaw ng mga ito. Parang ang payapa sa kalooban at walang maiisip na mga problema. Nakatayo lang silang dalawa at walang gustong bumasag sa katahimikan.
Ano ang gusto mong sabihin? Gusto ko sanang marinig. Ang sabi nito habang sinasabayan sya sa paglalakad. Ha? pagtataka nya. sinabi ko na sayo lahat Adonis. Pero sige uulitin ko. Hindi ko alam ang ginawa ng nanay ko sayo noon. Gusto ko sanang sayo ko marinig ang totoo, panimula nya.
Alin ba doon? Sa dinaming sinabi at ginawa ng nanay mo di ko na maalala alin dun. sagot naman ni Adonis.
Totoo bang pinagbawalan ka nyang umuwi ng bahay noon? Totoo bang pinalayas ka nya? Tanong nya rin.
Kailangan ko ba talagang kumpirmahin? ayokong mag.away kayo ni nanay ng dahil sakin. Ayokong pahirapan kang pumili kaya di ko na sinabi noon sayo. Dahil tiwala ako sa sumpaan natin at may tiwala ako sayo. Subalit napatunayan kong mas naniwala ka sa sulsol nila kaya hinayaan na lang kita. Naniwala ka sa paratang nila na nagkaanak ako sa cashier ng bar noon. Masama bang tumulong? Tinulungan ko lang naman si Heide dahil manganganak na sya kya dinala ko sa hospital at dahil di ko naman alam kung sino ang ama ng anak nya, para asikasuhin na sya ay pangalan ko nilagay ko sa admission paper.
At iyong tungkol naman Kay Nenet, di ba pinaliwanag ko ng detalyado at malakas para marinig mo dahil di nga ako makalapit sayo noon. Kahit kailan wala akong naging nobya maliban sayo. Ikaw lang Sang. Ikaw lang. Kung nagkaanak man ako si Cassy lang yon at alam nya kung sino ka sa buhay namin. Tungkol kay cherry alam din nya kung ano ang papel nya sa buhay namin ng anak ko.
Tumigil sya sa paglalakad habang umaagos ang luhang nakatingin sa lalaking mahal na mahal nya hanggang ngayon.
Bakit di mo pinaalam sakin? Bakit di mo ako pinigilan ng magpakasal ako Kay Carl? Bakit di mo ako pinaglaban? Tanong nya dito habang walang tigil sa paghikbi?
Hwag mong itanong sakin yan, dahil yan din ang gusto kong itanong sayo. Bakit ka mas naniniwala sa sulsol nila. Bakit ka naniwala sa paninira nila sakin na may anak ako sa kahera ng bar na pinagtratrabahoan ko noon? Bakit ha? lumakas na ang boses nito habang umiiyak ding tanong sa kanya.
I'm so sorry. sambit nya habang tangkang hawakan ang kamay ng lalaki ngunit umalis ito at iniwan syang mag.isa na humahagulgol ng iyak.
Nanatili syang nakatingin sa papalayong lalaki. Naisip nyang iyon na ang huli at hinahanap nitong closure. Mas lalo syang nalungkot sa pangyayari. Noon, nangangarap syang makita man lang muli ang lalaki ay masaya na sya. Pero kabaliktaran ang nararamdaman nya ngayon. Ang tagal na panahon nyang pinipilit kamuhian ang lalaki pero di nya magawa sa di nya alam na dahilan. Ngayong alam na nya Ang dahilan ay ito naman ang tila namumuhi sa kanya. Paano nya sasabihin dito na kahit kailan ay di nawala ang pagmamahal nya para rito?
Bumalik sa ala.ala nya ang kanilang mga sumpaan noon. Tatlong beses itong nanumpa sa kanya na sya lang ang pakakasalan nito. Bumalik sa alaala nya Ang nakaraan nung una silang nagkita.
Anim na taong gulang pa lamang sya noon at si Adonis ay syam na taong gulang na. "hoy pangit! tawag sa kanya ng Isang batang lalaki. matangkad ito at medyo chubby ang pangangatawan. Matangos ang ilong at malamlam na mga mata na kung titingnan mong mabuti kahit nakangiti ay malungkot ang kislap nito. Dahil tinawag sya nitong pangit ay di nya ito pinansin bagkus ay umalis sya sa malapit sa may gate ng bahay ng tiyahing si Manang Sita. Dito sila tumuloy ng nanay nya habang nasa hospital ang Lolo nya dahil inatake na naman ito ng kanyang hika. Pssst! Pssst! Hoy bata? Anong ginagawa mo dyan kina tita Rose? tanong ng batang lalaki sa kanya. Tiningnan nya lang ito ng matalim at saka tuluyan ng umalis. Kinabukasan, dumaan ulit ang batang lalaki at sa pagkakataong ito pumasok na ito sa bakuran ng tiyahin nya. Wala Ang nanay nya at ang dalawang pinsang lalaki lang ang nandoon.
Hoy pangit, gusto mo ito? sabay abot sa kanya ang isang buhay na ipis. Dumapo ang ipis sa damit nya na ikinatigil nya habang sumisigaw ng Lolooooo habang umiiyak.
Nag.unahang lumabas ang mga pinsan nyang sila bebot at boyet. Nakita nilang hilam na sa luha si Vanessa habang tinuturo ang ipis sa damit nya. Mabilis naman itong tinapik ni boyet at inapakan ang ipis. Habang niyakap naman sya ni bebot upang patahanin. Adonis?? Bakit mo ginawa yon? Wala namang ginagawa sayo ang pinsan namin? tanong ni bebot sa batang lalaki. Yon nga eh, nakakainis, dahil di nya man lang ako kinakausap. Kahapon ko pa sya kinakausap. iyak pa rin ng iyak si Vanessa. Umuwi ka na nga lang, inis na sambit ni boyet sa batang lalaki.
Kinabukasan, hinahanap ng batang lalaki si Vanessa. Sabi ng mga pinsan nito ay nasa loob at may sakit dahil sa ginawa nya. Pwede ko ba syang makita? magsosorry lang ako. pakiusap nya sa dalawa. sige pumasok ka na lang pero hwag kang masyadong maingay kasi natutulog pa sya.
Pagpasok nya sa loob ng room nila Vanessa ay nahabag sya sa batang babae at ewan ba nya bakit ganun na lang nya kagustong humanga sa kanya ng batang ito. Gusto nyang sya lang ang magtatanggol dito. Naiinis sya kung di sya pinapansin nito lalo na pag meron itong ibang kalaro. Kahit tulog ito ay hinalikan nya ito sa noo sabay bulong nang " I'm sorry di ko na uulitin at ako na ang magtatanggol sayo sa lahat ng oras basta gumaling ka na ha, baby?
Di alam nang batang lalaki na narinig lahat ni Vanessa ang mga sinabi nito pero mas lalo syang natakot kya nagsisigaw sya.
Please.. please.. hwag ka nang matakot sakin oh. Di ko na uulitin maging bad sayo. I'll promise I will marry you when we grow up. please...pagsusumamo ng batang lalaki sa kanya.
Simula ng araw na yon ay palagi na itong nasa tabi nya at nagiging kalaro nya. Di rin ito pumapayag na makikipaglaro sya sa ibang bata. Hanggang dumating ang araw na nakalabas na ng hospital ang Lolo ni Vanessa at kailangan na nilang umuwi sa kanilang bukid. Bago pa man sila nakaalis ay dinala muna sya ni Adonis sa bahay nila at pinakilala sa mommy nito.