Chapter Eleven: Punish Me, Sir

2707 Words
"How is it? Is my cooking still bald?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya pagkatapos niyang tikman ang luto ko. Bumaling siya sa akin, bahagya siyang ngumuso at tumingin sa ibabaw na tila ba nag-iisip. "I don't know, why don't you taste it yourself?" Sumandok siya ng konting sabaw at tinapat ito sa bibig ko. Kinunutan ko siya ng noo, ngumuso ako tulad niya at nanghihinala siyang tinignan. "Sabihin mo na kasi, Hunter!" Bumuntong hininga ako. "Taste it first then I'll tell you what I think." He grabbed my chin and pushed it up. "Wait, it's still hot. I'll blow it for you." Marahan niyang hinipan ang sabaw, dahil nasa harap ko siya ay tumatama rin sa akin ang mabango niyang hininga. Para mapabilis ay tinulungan ko na rin siya sa pag-ihip. Nagkatinginan kaming dalawa, sa nakakalitong dahilan ay bigla akong natigilan, hindi ko maalis ang tingin ko sa magaganda niyang mga mata. Kumabog ng mabilis ang puso ko habang mas tumatagal ang pagtitinginan namin at kahit na naiilang ay hindi ko magawang umiwas dahil masyado akong lunod sa mga mata niya. "Open your mouth for me, Sera." He whispered. I bit my lip while nodding, I opened my mouth and took a small sip from the ladle. Wala akong malasahan dahil sa kaniya nakalaan lahat ng atensyon ko. "How is it?" "A-ahm..." I rolled my tongue over my lips, "I, ahm, I think...I-i think you should taste it. Hindi ko talaga alam." Tumalikod ako sa kaniya, tumungo ako sa refrigerator at naghanap dito ng maiinom. Kinuha ko ang isang pitsel ng malamig na tubig, kumuha ako ng dalawang baso. Sinalinan ko ang dalawa at binigay sa kaniya ang isa. Agad kong ininom ang akin upang maibsan man lang kung ano man itong nararamdaman ko. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya, naging balisa rin ako at hindi mapakali. Kinakabahan ako sa mga nararamdaman kong ito. "It tastes good, but the meat is still a bit hard from the looks of it. Let's wait for another 5 minutes." Aniya at uminom sa tubig na binigay ko sa kaniya. "What about we talk while waiting?" I looked at him, I quickly looked away and emptied my glass. "Are you okay?" He asked worriedly, my eyes widened in surprise when he touched my cheek and pulled me to face him. "Bakit parang balisa ka?" "O-okay lang ako! Naiinitan lang!" "Uhuh?" He touched my neck and then my forehead. "You're a bit warm, your cheeks are a bit red, too? But you look fine to me, you don't look sick." "H-ha? N-namumula... namumula... ako?" Humiwalay ako sa kaniya at naglagay ng espasyo sa pagitan namin. Hinawakan ko ang pisnge ko para itago ang pamumula nito. Hindi naman siguro ako nagba-blush, 'diba? "Tsk. Sera." I gasped when he grabbed my jaw, he pushed his fingers in my cheeks that made my lips pout. "Why are you stuttering? There's definitely something wrong with you." I was about to panic about how I look and how I'm reacting but when I saw the amusement in his eyes, my worry got replaced by irritation. It was obvious that he's teasing the heck out of me. "I'm warning you, Mr. Dwyer. I'm warning you." I seriously looked into his eyes. "If you don't stop now, you'll get it." "Are you threatening me, Miss Leir?" He moved his hand to my chin, he slightly moved his thumb in a circular motion then stopped on my lower lip. There's a smirk playing on his lips that made me more pissed. "Yes..." peke ko siyang nginitian, "I am." His lips pursed. "You should be punished by threatening your boss." "You will get punished by me if you don't stop now!" Hinawi ko ang kamay niya at tinulak siya palayo sa akin. "Umayos ka, ha, Hunter? Huwag mo 'kong pikonin!" He chuckled. "Please do punish me, Miss Leir." "Isa!" Pumamewang ako sa kaniya. "Are you seriously threatening me? Why does your voice still sounds melodious as usual?" "Hindi ko na alam kung anong mas nakakainis sa ugali mo. Hindi ko na alam kung anong mas pipiliin ko. 'Yong ini-i-snob mo ako o etong pinipikon mo 'ko!" Inirapan ko siya, nilapag ko sa lababo ang baso ko at umupo sa dining chair na nakakrus ang braso at binte. Narinig ko siyang tumawa nang mahina, hindi man lang natakot sa pagbabanta ko. Totoong susuntukin ko siya kapag nasagad niya na ang pasensya ko. Nakarami na siya sa akin, ilang beses niya na akong inasar pero pinalampas ko lang iyon pero sumosobra na talaga ang pang-aasar niya, ang iba pa duon ay may halong kabastusan. Bumuntong hininga ako at saka bahagyang napangiti. At least, I'm slowly getting his trust and getting close to him. That's an improvement. "Luto na 'yong adobo, isasalin ko muna, sandali." Hinintay ko siya sa hapag. Pinagkaabalahan ko muna ang kuko ko habang inaayos niya pa ang pagkakainan namin sa hapag. Hinayaan ko na lang siyang kumilos at hindi na tumulong pa. Nang matapos siya ay umupo siya sa upuan kaharap ko. "Sera?" "Hm?" I looked at him and raised my eyebrow. Ngumiti siya sa akin, dinilaan niya ang ibaba niyang labi at binasa bago magsalita. "Masarap." "Really?" I grinned in happiness. "You're not joking, right? Masarap talaga? Kasing sarap ng luto mo, ganern?" Tinawanan niya ang excitement ko at tumango bilang sagot. "You're a fast learner, one of the things I like about you." He said out of the blue. Natigilan ako, napatitig ako sa mga mata niyang nakatuon lang sa akin. "One of the things that made me like you." He just took my breath away. He literally did! Hindi ako makahinga dahil sa pagkabigla, hindi makapaniwala sa katagang lumabas sa bibig niya. Tumawa ako, hindi ko alam kung bakit. Dinaan ko lang sa tawa ang kabang nararamdaman ko. "H-huwag mo nga 'kong biruin nang ganiyan, Hunter." Tumikhim ako, hinilot ko ang lalamunan ko. "S-sandali." Tumayo ako at kumuha ulit ng baso, nagsalin ako ng tubig at bumalik sa upuan ko habang iniinom ang tubig. "Baka mabusog ka n'yan kakainom ng tubig." Pagbibiro niya pa pagkatapos niyang bumanat. Mabuti na lang ay naibsan kahit papaano ang kabang nararamdaman ko. Hindi na lang ako nagsalita dahil sigurado uutalin lang ako kaya't sinalinan ko na lang siya ng adobo sa pinggan niya. "Hayan, kumain ka. D-do you want rice?" Nakatingin lang ako sa baba habang kumikilos. "It really feels good being served by you." Huminga ako ng malalim, hinahanda ang sarili sa posibleng hugot na bitawan niya pero walang dumating. Pinilit ko ang sarili na tumingin sa mga mata niya, hindi na ako nasurpresa nang maabutan ko siyang titig na titig sa akin. Ang trip niya yata ngayon ay titigan ako nang titigan. Ang mga tingin niya na 'yan ay nakakapahamak at nakakahulog ng loob. Nasa pinakadulo na ako ng bangin, konting push na lang ay mahuhulog na talaga ako. Hindi maaring mahulog ako nang hindi sigurado kung may sasalo ba sa akin, baka mamaya niyan ay wala at ma tsuge pa ako. "Kung ganoon..." kinagat ko ang ibaba kong labi, "bakit inii-snob mo ako non, ha? Bakit hindi mo 'ko pinapansin at binabaliwala mo 'ko?" Kahit sandali lang ay hindi nawala ang atensyon niya sa akin. Para bang may magandang bagay siyang nakikita sa mga mata ko at hindi niya magawang mag-iwas ng tingin. "The company was struggling at that time, I chose to keep my distance from you because I don't want to be distracted by you." He answered with full honesty. "The company was struggling at that time!?" I exclaimed, covering my mouth in pure shock. "How did I not know that? Hunter, I'm your PA! Dapat alam ko 'yon, wala man lang akong naitulong! Ano bang nangyari?" "Few people only knows about it and you don't need to know about that, it's all in the past and I already taken care of everything. You don't need to worry, I rather not tell you than to see you stressed out. For some reason, I don't want to see you working too hard. You, taking care of me, is more than enough. Gusto ko nasa akin lang ang atensyon mo." I swallowed the lump in my throat, napahawak ako sa dibdib kong malakas na kumakabog. Nagwawala ang puso ko sa loob, parang may mga paro-parong nagsisiliparan sa mga tiyan ko. These feelings are a stranger and very unknown to me, this is the first time I felt these kinds of feelings. Nakakakaba, nakakatakot at nakakapraning. But at the same time, it also feels good. Pinili ko na lang manahimik at kumain na lang. Hindi ko magawang puriin ang sarili kong luto dahil maraming mga bagay ang nagsisitakbuhan sa isip ko. Mabuti na lang ay hindi na nagsalita pa si Hunter ng mga bagay na magpapagulo pa sa isip ko. Nang matapos sa pagkain ay sinabihan ako ni Hunter na mag-ayos na kaya ginawa ko. Naligo na ako't kapagkuwan ay nagbihis sa puting T-shirt na naka-tuck in sa faded jeans ko. I also wore my nike shoes, I did my hair in a high ponytail and did a little make up. What I mean by little are liptint and powder only. Kahit na tapos sa pag-aayos ay nanatili ako sa kwarto, nakaupo sa dulo ng kama at nakatulala sa pader. Nagising lang ako sa mga iniiisp ko nang bumukas ang pinto, napatayo ako at napaharap duon. Naroon si Hunter na nakabihis na rin, coincidence na parehong plain white T-shirt ang suot naming dalawa. Ano 'to? Couple shirt? "Hey," he smiled at me, showing his cute dimple on his right cheek. Pilit akong ngumiti, kinuha ko ang maliit kong shoulder bag at nilampasan siya. Pinaglalaruan ko ang ibabangabi ko at nag-iisip pa rin. Hindi talaga pwede. Bukod sa nalilito ako ay hindi rin ako handa at hindi sigurado. Si Hunter Dwyer ay isang playboy, isa siyang manlalaro ng puso kaya't mahirap sumugal sa mga lalaking katulad niya. Ang dapat kong intindihin muna ay ang pamilya ko, sila ang priority ko at hindi 'yong itong magkagusto sa boss ko at umasa na totoo ang mga pinapakita at sinasabi niya sa akin. "Did you hear me, Sera?" Naramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat. Napakurap-kurap ako't humarap sa kaniya. "Huh?" "Okay ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong. Hindi dapat ako ganitong umaasa na totoong nag-aalala siya sa akin, na totoong may pakialam siya sa akin. "Why do you look so bothered? Are you not feeling well? Should we cancel this meeting?" Hindi dapat ako ganitong nahuhulog ang loob ko sa kaniya, hindi dapat ako magkagusto sa kaniya. "O-okay lang ako, Hunter. Tara na, baka naghihintay na si Mr. Villareal." Pilit akong ngumiti at pasimpleng hinawi ang kamay niya sa balikat ko. Sinundan niya ang galaw ng kamay kong humawi sa kamay niya. "Am I making you uncomfortable?" He asked, his jaw clenching. "Don't mind me, may iniisip lang ako pero okay lang ako kaya huwag ka ng mag-alala." "Sera, you should start getting use to my presence and closeness..." humakbang siya palapit sa akin, he leaned forward towards me and whispered, "because I'll do this more often." "Hunter," napahawak ako sa dibdib nito at marahan siyang tinulak, "space please. M-masyado kang malapit." Binaba ko ang tingin ko, tinalikuran ko siya at tinungo ang pinto. Akmang bubuksan ko ito nang makalabas nang bigla siyang nagsalita. "I really do have feelings for you, Sera." I was frozen in spot, I was too shock of the words that came out from his mouth. His words was like a bullet and pierced through my chest. Nilingon ko siya at nakitang seryosong ekspresyon ang suot niya. Bumuntong hininga ako at humarap sa kaniya, pinagkrus ko ang braso ko sa tapat ng dibdib at tinaasan siya ng kilay. "Hunter, hindi ito ang panahon para makipagbiruan. May kikitain pa tayo." Paalala ko sa kaniya, pilipilit na baliwalain ang puso kong nagwawala sa loob ng dibdib ko. He shook his head and then nodded before grabbing his backpack and catching up to me. My eyes widened when he stopped in front of me, his body very close to mine. He leaned in, his eyes never leaving mine. He was very close to me that our nose touched and his lips hovered over mine. Then he opened the door behind me. "I'll lead the way, you follow me." He said, looking pissed. Napalunok ako at tumabi para padaanin siya. Agad siyang lumabas nang hindi man lang nagsasabi at iniwan akong mag-isa sa condo niya. Naiwan akong nagtataka at iniisip ang maling ginawa ko para mainis siya nang ganoon. Humakbang ako palabas, pinipisil-pisil ang ibaba kong labi. Napatuon ang atensyon ko sa pinto, umawang ang labi ko nang may mapagtantuhan. Hindi ko alam kung paano isasarado itong pinto at ila-lock! Wala sa akin ang susi para gawin iyon at siguradong na kay Hunter iyon. "Hunter, bwisit ka." I let out a frustrated sigh. I leaned back against the wall, my eyes closed and taking a deep breath of my frustration. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ba akong nasa ganoong posisyon nang biglang may marinig akong pagsara ng pinto at pag-click ng lock. Pinakiramdaman ko ang galaw niya, hindi ko muna binuksan ang aking mga mata. Basta ay naramdaman ko siyang kumikilos malapit sa akin ngunit mapapansin mo ang distansya. And when I opened my eyes, I was right. I saw him leaning back against the wall opposite to mine, ang backpack niya ay nakalapag sa sahig sa tabi niya. Magkaharap kami, magkatitigan ngunit wala sa amin ang nagsalita. We were both quiet for a minute when I finally decided to cut the silence between us. I took a deep breath before speaking. "If I did something wrong, Hunter, just tell me. Hindi iyong ganitong basta-basta mo na lang akong iniiwan." Hindi niya inalis ang mata niya sa mga mata ko at kumukurap lang kung kinakailangan. "What did I do wrong? Did I broke one of your rules again without realizing it? Did I broke too much rules already? Sumosobra na ba ako?" Sunod-sunod kong tanong subalit kahit isa sa mga tanong ko ay hindi niya sinagot. Maybe my assumption is right. Ilang beses na akong sumuway sa patakaran niya, parang unfair yata na nasa tabi niya pa ako bilang personal assistant niya. Parang hindi tama na hindi ako nakakatanggap ng parusa sa bawat patakaran niyang nilalabag ko. We fell into a deafening silence again. We were just staring at one another, no one dared to look away. Para kaming mga tangang nagtititigan sa corridor. Nang tuluyang mainis ay tinulak ko ang sarili ko palayo sa pader at maliit ang hakbang na lumapit sa kaniya. Sa oras na 'yon ay tila nawala ako sa ulirat. Ang tanging nasa isip ko ay kung paano makakabawi sa kaniya. Hindi ko gusto iyong biglaan niya akong iniwan, sa hindi ko alam na dahilan ay bumigat ang puso ko. Hindi magandang pakiramdam iyon. I closed the small distance between us and the next thing I knew is that my lips was pressed against his soft ones. I quickly pulled away, my cheeks turning red in shame. Kinagat ko ang ibaba kong labi at mabilis na humakbang palayo sa kaniya. Ngunit hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na makalayo, hinawakan niya ang pulsuhan ko at sa isang iglap lang ay nagkapalit na kami ng pwesto. He pinned me against the wall, he pushed my bag off my shoulder with his hand while his other was holding my cheek steady. "Hunter-" "Shh..." he pressed his index finger on my lips to silent me. Marahan siyang umiling at bahagyang ngumiti sa akin. I swallowed the lump in my throat, not moving, afraid that our lips would meet accidentally if I did. He raised my chin, leaned in and aimed for my lips. But he stopped midway, he looked into my eyes and smiled like he found something amusing in them. "You wanna get punished, honey?" He brushed my chin softly. "Then I'll gladly punish you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD