Tahimik kaming kumain ni Hunter sa hapag. Ang mga pagkaing nakahain dito ay hindi pamilyar sa akin ngunit hindi maikakailang masarap. Nakapagtataka kung saan niya natutunan ang pagluluto kung gayong wala naman siyang oras para sa sarli niya.
Napakagat labi ako, sandali kong binaba ang kutsara't tinidor sa plato ko at tumingin sa kaniya.
"Hunter?" Kinagat ko ang ibaba kong labi. Tumaas ang tingin niya sa akin at tumaas ang kilay. "Bakit nga pala tayo nandito?"
"Work," he simply answered.
"Yes, I get na nandito tayo para sa trabaho pero trabaho para sa ano?"
He shrugged. "My friend, the owner of this island, wants to discuss something to me that involves the resorts in this island. We'll meet him tommorow." He answered.
"Oh..." tumango-tango ako. "Your friend's name is Ahrlo Villareal, right? He's the owner of this island and the resorts in this island?" I asked, unsure.
He answered by nodding.
"Are you both close?" I asked curiously. Alam kong nagiging sunod-sunod ang tanong ko ngunit hindi ko mapigilan ang madaldal kong bunganga.
Huminto siya sa pagkain at tila ba nag-iisip. "Maybe."
"Naalala ko dati, paminsan-minsan ay bumibisita siya sa kumpanya niyo. Sa tingin ko close kayo." Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso ko galing sa pitsel, nilagyan ko na rin ang baso ni Mr. Dwyer.
Maybe I should start calling him Hunter in my mind? Nasanay na kasi akong tawagin siyang 'sir' or 'Mr. Dwyer.' He insisted that I should call him by his name so that's not a problem. Pag-aaralan kong masanay na tawagin siya sa pangalan niya.
"Matagal na kaming magkaibigan, we don't see each other often pero kapag nagkikita kami, parang araw-araw kaming nagkikita kung mag-usap at magbiruan. So... I guess we are." Tila hindi pa ito sigurado, pero sa mga sinabi niya ay nakasisiguro ako na malapit nga ang dalawa sa isa't isa.
Uminom ako ng tubig, binaba ko ang baso sa lamesa at nag-isip pa ng pwedeng pag-usapan. Kapag nasa hapag-kainan kasi kami ng mga magulang ko ay hindi kami nauubusan ng pinag-uusapan pero pagdating sa boss ko ay nag-iisip pa ako ng pwedeng pag-usapan para lang hindi kami maging awkward sa isa't isa.
"So...we'll meet Mr. Villareal tommorow?" I asked. It's nice to meet new people, especially if those people are my boss' friends.
"Why do you keep asking about him?" He sighed, putting down his utensils and looking straight into my eyes. "Do you like him?"
Mahina akong tumawa at agad na umiling. "Hindi, nu! Gusto ko lang maging ready bukas, ayokong mapahiya at ipahiya ka." Pagpapaliwanag ko.
"Oh," he nodded and smiled, "glad to know that."
"Oo nga pala, Hunter, saan mo natutunang magluto? Nakakainggit ka kasi eh, ang sarap mong magluto." Ngumuso ako at bumuga ng hininga. "Samantalang ako, plain lang 'yong mga luto ko tulad ng sabi mo. Gusto kong makapagluto ng masarap na kagaya ng luto mo, hindi ng tulad sa akin na plain at boring ang lasa."
Nakakatampo sila Mama at Papa. Niloloko lang pala nila ako na the best daw ang luto ko pero hindi naman pala. Malaking pasalamat ko kay Hunter dahil nagsabi siya ng totoo at naging honest siya sa akin.
I smiled, bringing my hand on my lower lip out of habit as I think deeply.
Hunter... His name even screams handsomeness and sexiness. Pangalan pa lang niya ay nakakapanindig balahibo na.
"Hunter..." ang sarap ding banggitin ng pangalan niya.
"Did you hear what I said, Sera?"
Napakurap ako ng marami nang magising ako sa pagkatulala. Tumikhim ako at sinubukang kalkalin ang isip kung kahit katiting ba ay may narinig ako sa mga sinabi niya pero wala talaga. Masyado akong lutang.
Did I say his name out loud? Oh god, I hope he didn't hear that, nakakahiya 'yon.
"A-ano nga ulit 'yon?" Nahihiya kong tanong.
"Tsk." He reached his hand towards me and then flicked my forehead. "Pay attention to me, honey."
Natikom ko ang bibig ko dahil sa tinawag niya sa akin at mukhang narealize niya rin kung anong tinawag niya sa akin.
"You like to put honey in my coffee instead of sugar." He chuckled. "You know quite a lot of weird stuff."
"Hindi ba masarap? I like to drink coffee with honey as a replacement for sugar." Baka mamaya n'yan ay pati pagtimpla ko ay panget na rin.
"I'm addicted to your coffee, Sera." After he said that, he continued eating. Ganoon din ako na nagpipigil ng ngiti. "Oh, at 'yong sinabi ko nga pala kanina. I will teach you how to cook tommorow morning before we leave."
Nabitawan ko ang kutsara ko dahil sa gulat. "Really?"
"If we have time." He smiled at me.
I grinned in happiness. "Thank you! Thank you, Hunter!" Pumalakpak ako dahil sa excitement. "Sabi mo 'yan, ah? Wala ng bawian, okay? You will really teach me how to cook?"
"Yes," he shook his head at me with amusement in his eyes, "I will teach you tommorow morning. I promise."
"Talaga? Walang bawian 'yan, ah? Nangako ka." Tiinuro ko siya na para bang binabalaan.
"Yes, Ma'am." He chuckled. "Kumain ka na, don't talk too much when you're eating."
I laughed quietly and nodded as my response. Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi na masyadong dumaldal. Mabuti na lang ay nawala na ang awkwardness sa pagitan namin. Seryoso ako na gusto ko itong maging kaibigan batid ko rin na kaylangan kong mag-ingat dahil unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kaniya.
...
Nag-isang linya ang kilay ko at kumunot ang noo ko nang may maramdaman akong hangin na kumikiliti sa tenga ko. Tinakpan ko ang tenga gamit ang kamay at nagpatuloy sa pagtulog hanggang sa may nag-angat ng kamay ko na 'yon at malakas na hinipan ang tenga ko para kilitiin ako.
Napabalikwas ako ng bangon habang kinakaskas ang tenga ko. Nagsalubong ang tingin namin ni Hunter, nakaupo ito sa gilid ng kama sa tabi ko na may mapang-asar na ngisi sa labi niyang nakaukit.
Ang buong akala ko ay isang seryosong tao ang lalaking ito pero duon yata ako nagkamali. Seryoso nga siya pagdating sa trabaho, pero kapag wala sa trabaho ay mahilig itong mang-asar at mangpikon. Kagabi niya pa ako inaasar, imbis na masiyahan ako na unti-unti na kaming nagiging close ay nabibwisit pa ako.
It's too late to back out now as his friend.
"Ano ba, Hunter?" Kinusot ko ang antok ko pang mga mata. "Bakit ka ba nandito sa kwarto ko, ha?"
"May I remind you, lady, that this is my condo. I can go wherever I want and do whatever I want here." He folded his arms over his chest. I just realized that he was topless and sweating. And even his sweat smells good! Is he even human?
Nagwork out ba siya?
"Magbihis ka nga." Iniiwas ko ang tingin ko. "Ano na bang oras?"
"It's still 7 o'clock in the morning, but you need to get up. I promised you that I'll teach you how to cook. We need to start early so we'll have more time before we leave." Even his voice is as sexy as his body.
"Fine, mauna ka na. Susunod na lang ako." I ran my hands through my hair and found it sticky and messy.
Ew, I badly need a shower!p
Kahit na inaantok ay pinilit kong bumangon, inunat ko ang braso ko pataas at dahil maliit lang ang suot ko na damit ay nakikita ang ibabang parte ng tiyan ko. Pagkatapos ay binugahan ko ang palad ko ng aking hininga para amuyin ang sariling hininga, nalukot ang mukha ko dahil sa baho nito. Yayks! Goodness, ang baho!
Sigurado na ang panget-panget ko rin ngayon at baka may laway pa ako sa gilid ng labi ko.
"You look like a mess, Sera. And here I thought you sleep like sleeping beauty." Nang-asar na naman ito, tinignan ko siya ng masama at sasagutin sana siya ngunit naalala ko ang mabaho kong hininga kaya't kinuha ko na lang ang maleta sa gilid at hinanap duon ang sepilyo at toothpaste ko.
To my surprise, wala akong toothbrush na nadala. Kahapon pa ako hindi nagtu-toothbrush, kaya siguro napakabaho na ng hininga ako. Hinalikan ba naman ako ng mapang-asar kong boss. Nakakahiya, nakakapagtaka tuloy kung anong lasa ng labi ko non, baka naamoy niya pa ang hininga ko.
"Forgot to bring your toothbrush?" Hunter dropped himself on my bed, laying on his chest. Nakatingin siya sa akin habang nakaupo ako sa sahig, halos magkapantay ang mukha namin ngunit medyo mas mataas nga lang ako sa kaniya. Nakakahiyang magreklamo dahil sa kaniya ang condo, saka wala naman sigurong masama kung humiga siya sa kama na tinutulugan ko.
"Yeah." I simply answered, tinulak ko ang bagahe ko patungo sa lugar nito at napabuntong hininga. "May shop ba rito na nagtitinda ng toothbrush at toothpaste?"
"It's still early, the shops are still close probably." He rolled himself to lie on his back. "You can use mine, it's in the bathroom already. May toothpaste at mouthwash din duon, pwede mong gamitin."
"Tch. Hindi tayo pwedeng magshare ng toothbrush, Hunter. Hygiene!" Inilingan ko siya. "Maghahanap na lang ako sa baba."
"Seraphina, we already kissed, kaya anong problema kung gagamitin mo ang sepilyo ko?" He raised his eyebrow. "We already shared each other's saliva—"
"Mr. Dwyer!" Umawang ang labi ko. "TMI!"
"So you're back to calling me that?" He looked disappointed.
"Ikaw kasi! Ang bastos mong magsalita!" Marahas akong napakamot sa ulo ko. "Oo na, hihiramin ko ng toothbrush mo. Marami akong mag-toothpaste at dalawang beses akong nagtu-toothbrush, hindi ko kasalanan kapag naubos toothpaste at mouthwash mo!" Ang sabi ko habang bumabangon at tinatahak ang daan palabas, sinilip ko muna siya sa loob at mapang-asar itong dinilaan bago malakas na sinirado ang pinto.
Nagtungo ako sa banyo at pumwesto sa tiled sink. Tsi-neck ko ang mukha ko kung oily ba o kung may laway ako sa labi sa salamin sa. Parehas ay mayroon ako. Nakaramdam tuloy ako ng hiya para kanina nung kaasaran ko si Hunter. For some reason, gusto ko na nakikita niya akong maganda eh dati naman ay wala akong pakialam kung panget ako sa paningin ng iba.
Naghilamos ako ng mukha para mawala ang oily face ko, matanggal ang tuyo kong laway at ang muta sa mga mata ko. Dalawang beses akong naghilamos para sure. Ang kaylangan ko na lang gawin ay ang magtoothbrush.
Napatingin ako sa toothbrush nito na nakalagay sa isang baso. Bukod duon ay may nakalagay rin na toothpaste at sa gilid nito ay may mouthwash.
Tama ba na hiramin ko ang sepilyo ni Hunter? Hindi ba masama iyon? Ang panget lang kasing isipin at hindi kaaya-aya. Kahit nga babae at babae pa ang naghihiraman hindi pa rin kaaya-ayang isipin. Pero wala namang mawawala, wala rin namang makakaalam at tulad ng sabi ni Hunter ay nagkiss na rin naman kami kaya walang mawawala.
Nakakagat ako sa ibaba kong labi habang kinukuha ang toothbrush ni Hunter at nilalagyan ito ng toothpaste. Pikit-mata akong nagsepilyo, dahan-dahan nung una at habang tumatagal ay nawawala na ang pag-aalinlangan ko. Dalawang beses akong nagsepilyo, pagkatapos ay dalawang beses ding nag-mouthwash. Nilinisan ko ng mabuti ang toothbrush bago ibalik ito sa dapat nitong ikalagyan.
Lumabas ako ng banyo, naabutan ko si Hunter na hinahanda ang mga ingredients sa lamesa. He's still shirtless and sweaty, how weird that he doesn't look gross and dirty in my eyes but instead he looked so hot.
"Good morning." Kinuha ko ang atensyon niya. "Sorry, nasungitan kita kanina. Bagong gising eh." I approached him with a small smile on my face.
He took a short glance at me before returning to what he's doing.
"Good morning." He greeted back without looking at me. "Before we continue, Sera, please go dress appropriately. I don't care if your breasts are small, it's still a breast and I'm still a man."
Napahinto ako sa paglapit, tinignan ko ang dibdib ko at nanlaki ang mga mata nang mapansing wala pala akong suot na bra. Niyakap ko ang sarili ko at tumakbo ng mabilis papunta sa kwarto ko. Ni hindi ko alam kung mahihiya ba ako o magagalit. Why did he have to mention that my boobs are small? Ang dumi-dumi ng bibig niya, walang preno-preno.
I'm starting to learn new things about him.
Nagsuot ako ng bra at lumabad din agad na parang walang pang-iinsultong nangyari tungkol sa dibdib ko.
"Nakabihis ka ns? Great, come here." Nag-aya siya. Nakasimangot akong lumapit sa kaniya at nagulat nang hawakan niya ang braso ko at hinila ako sa harapan niya. "Eto 'yong lulutuin natin." I was pressed between him and the table, halos magkadinit na ang likod ko at dibdib niya!
"Anong tawag dito?" I cleared my throat, trying to act normal.
"Let's go for a basic dish. I know you know how to cook this dish, I'm thinking of adobo. But my recipe is kind of different from the other's so..." He encircled his arm around my waist, I looked at him but he seem to not realize what he's doing to me.
Why the f**k is he hugging me?