Pinipilit nila ‘kong bumalik at sumali sa wild card, parang hindi ko naman na gusto. Gusto ko sanang dalawin ang magulang ko muna o manatili muna sa tabi ni Alejandro. Pero madalas siyang may matanggap na tawag, hindi ko lang pinapansin pero parang naaantala tuloy ang mga gawain niya dahil narito ako, kaya wala na ‘kong magawa dahil hindi ako sanay na nagiging dahilan ng problema ng iba. “Bukas, pupunta ‘ko para sa wild card,” sabi ko habang nasa hapagkainan kami ni Alejandro. Ngumiti siya. “Isasabay na kita.” “Marami ka pang iniwang trabaho, dapat ay ngayon umalis ka na.” Natigilan siya sa sinabi ko. “Wala namang mahahalaga sa mga ‘yon.” “Baka hinahanap ka na rin ng pamilya mo.” Hindi naman siya kumibo, hindi ko rin dapat binabanggit iyon baka pagmulan pa ng pagtatalo namin. Naging

