Napalunok si Kevin, nawwawala yata siya sa huwisyo. Para bang naihain nito ang sarili sa kanya nang ‘di nito namamalayan. Marahan ang naging paghaplos niya sa leeg nito. Ang palad niya’y nanginginig sa matinding antisipasyon, maliit na lamang ang bahagi niyang sumisigaw na hindi niya dapat tawirin ang natitirang boundary sa kanilang pagitan ni Aryan. Palapit na ang mukha niya rito nang mag-ring ang telephone sa kuwarto. Maging siya’y nabigla sa ingay niyon. Napailing na lamang siya’t tumayo. Sinagot niya ang telepono na paniguradong tawag lamang mula sa front desk. “Hello?” “Hello, sir, this is Amy po iyong nasa front desk. Narito po ang driver nang kasama raw ninyo at naghihintay siya rito sa labas. Thank you po.” Nawala na ang nasa kabilang linya. Nagkamali ba ito ng tawag? Imposib

