“Anong problema kanina ka pa tahimik?” Hindi gustong sagutin ni Aryan si Kevin nang kumakain na sila ng dinner sa caferia. Pero hindi naman niya gustong maging problema pa. “Inaantok lang ako, hindi rin ako napahinga kanina.” Tumango naman si Kevin. “Yayayain pa naman sana kita mag-joyride muna dahil nababagot ako. Pinayagan naman tayong lumabas at i-enjoy muna ang paligid para maging mas relax tayo sa performance.” “Sasama ako,” sagot ni Aryan. “Akala ko inaantok ka?” Nagtatakang tanong ni Kevin, pero nakangiti naman ito at halatang natuwa. Sa palagay ni Aryan hindi naman iyon ang dahilan niya. Hindi siya nakatulog iyon ay dahil naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman. “Gusto ko sa mag-coffee ulit doon sa pinuntanhan ko, okay lang b sa ‘yo medyo malayo?” “Sure, walang problema!”

