"You are having fun while the showbiz is bothering my company!" Mr. Vegas hissed. "Dating!? Sino ang babaeng kasama mo sa rest house?!" Tanong nito. Nandito na kami ngayon sa mansyon. Noong sinagot na ni Weiland ang tawag ay wala itong nagawa kung hindi ang umuwi. Gusto ko sanang sumagot na ako ang kasama, pero inuunahan ako ni Weiland na magsalita. Nakatayo ako sa gilid na pintuan. Habang ang dalawa ay nagsisigawan ulit. "What's wrong with having fun, Dad? Hindi ka ba natutuwa dahil matataas ang grado ko?" Sinubukang ibahin ni Weiland ang usapan. "Did you have fun with your w***e?!" Tanong ng ama nito. "Alam mo ba na hindi tinantanan ng mga media ang lobby ng kumpanya?" "What is your problem? Can't your money make them shoot away?" Pabalang na sagot ni Weiland. "Iyon na nga! I a

