Natulala ako ng sabihin niya iyon. Selos? Bakit naman siya magseselos sa'ming dalawa ni Fern? Mas iisipin ko pa na mainit ang ulo niya sa'kin kesa ganon! Natawa ako sa pagiging seryoso niya. "Selos!? Bakit ka naman magseselos don!?" I said in between my laugh. Kumunot ang noo niya. "Bakit hindi?" Seryosong tanong niya. Natigilan ako sa pagtawa. Bakit naman siya magseselos? Pinagt-tripan na naman ba niya ako? Naka-tshirt ang lalaki sa harapan ko at biglang tumayo. Mula sa kabilang lamesa, yumukod ito at inilapit sa'kin ang kanyang mukha. He looked at me intently. Napalunok ako. Ngayon ko lang ulit nakaharap ang lalaki ng ganito kalapit. "Hindi manlang ba sumagi sa isip mo na gusto kita?" Gusto? I gulped. Ang mga matalim nitong mata ang nakapagpalambot ng tuhod ko. Ginigising ko

