Napatigil ako ng mapasubsob sa dibdib nito. I smell the usual manly scent from him. Anong ginagawa niya? Bakit siya nakayakap sa'kin? "Anong narinig mo?" Napalunok ako. Buong akala ko ay matapang ang lalaki, pero nagkamali ako. He is running away from those bullies! Hindi manlang niya ginantihan! Palasabat siya 'di ba? Nag-angat ako ng tingin at tinignan ang maamo nitong mukha. Kahit madilim ay kita ko ang kumikinang nitong mata. "Lagi ba nilang ginagawa sayo 'yon?" I asked him. Inilagay ko ang kamay sa dibdib pa itulak siya palayo at tignan. "Bakit hindi ka lumaban? Why are you running away?" Hindi ito nakasagot. Mas nakaka-frustrate. "Wei... Bakit hindi ka lumaban?" Pilit na tanong ko pa sakanya. "Dapat sumagot ka. Magaling ka sumagot sa'kin, 'di ba? Bakit hindi mo ginawa kanina?

