Nang umakyat si Weiland sa taas ng stage ay malawak akong napangiti. Kahit hindi niya pangarap ang mag-aral, I think Weiland is very proud of himself right now. Pinagsabay niya ang career at pag-aaral. Mahirap iyon... but at least he tried to conquer all the hardships, kaya nandito siya ngayon sa tuktok... At hinahangaan ng lahat. "Weiland Troye D. Vegas, with honors," the host announced. Napapalakpak at nagtilian ang mga babae ng marinig 'yon. Maski ako ay napapalakpak ng malakas. Ngumiti siya sa lahat at yumuko. Nagsalubong ang tingin namin saglit bago siya tuluyang bumaba. He's eyes were telling that he is thankful and all. I smiled, teary. Ang successful ng pagiging tutor ko sakanya! "Mama!" Nang makita ko ang aking mga magulang ay mabilis ko silang dinamba ng yakap. Ang aking ama

