Kinuha ko na mga gamit ko sa table namin at umalis na ako ng bar.
Pagkalabas ko, agad din sumunod si Uno sa’kin.
“Hey. Saan ka pupunta?” Tanong niya at mukhang hinihingal.
“Sorry, nahilo ako bigla.”
“Nakita kitang kausap mo si Ella at James kanina, ano sinabi nila?”
“Wala naman…” pero bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
“Uno…”
“Kung ano man sinabi nilang dalawa, nakaraan na ‘yun. Huwag kang maniniwala sa kanila. Sa’kin ka lang maniwala.” Sabi niya pa
Hinawakan naman niya dalawa kong pisngi at magkaharap na kami ngayon.
“Sean, sa’kin ka maniwala, okay?” Sabi niya
Magkalapit masyado mukha naming dalawa. Ewan ko, compare nung mga nakaraan, nagbago talaga si Uno.
“Lumayo na ako sa kanila kasi masyado silang toxic. Kung may gusto kang malaman, sa’kin mo itanong okay?” Sabi niya pa
Kaya umoo na lang ako.
“Good. Bumalik na tayo sa loob kasi umorder ako nang maraming pagkain.” Sabi niya pa sabay hawak ng kamay ko papasok ng loob.
Sumunod ako sa kanya at nadaanan namin table nila James.
Akala ko didiretso kami sa pwesto namin pero dumiretso kami sa kanila.
Mukhang kilala rin ni Uno lahat nang andon kasi binati siya nang lahat.
“Guys, si Sean.” Pakilala niya sa’kin. May iba namang nag smile sa’kin pero mas napapansin ko si James na nakangiti na parang kontrabida.
Nagulat naman ako nang tawagin ni Uno si James sa tapat ng mga kaibigan niya.
“James, huwag mo nang guguluhin si Sean simula ngayon. Naiintindihan mo ko?”
Nagulat si James. Hindi siya nakasagot. Samantalang kami naman, bumalik na sa table namin.
Nakatingin pa rin ako sa table nila at mukhang pinag uusapan nila ang nangyari.
Si Uno naman, umiinom ng alak sa tabi ko at kumakain.
“Ewan ko, nawala ako sa mood Stomach. Alis na tayo?” Sabi ni Uno.
“Sige.”
Kaya lumabas na kami uli.
“Nagugutom ako Stomach. Kain tayo?” Biglang sabi ni Uno.
Naghubad naman si Uno ng Tshirt niya at guess what, naka sando na naman siya.
Bagay na bagay sa BGC si Uno. Kahit saang lugar ata, perfect 10 ang score niya.
“Sorry. Ang init na eh.” Sabi niya.
Ewan ko, nakangiti lang ako sa kanya. Siguro partly kasi naghubad siya tapos ang hot niya and pinagtitinginan siya ng mga tao. Pero mostly, dahil sa ginawa niya sa loob ng bar.
“Thank you.” Sabi ko na lang
Then ngumiti rin siya sa’kin.
“Tara kain tayo doon sa may korean store” yaya niya
Umoo ako.
Naglakad lang kami. Siguro mga isang kilometro lang naman ‘yung layo.
Pagkarating namin don, nagluto na uli kami ng noodles at kumain.
“Last time na nandito tayo, nag walk out ka kaya di ko naenjoy ‘yung pagkain. Sana hindi ka mag walk out ngayon.” Biro niya
“Hindi na.”
Kumakain lang ako at iniisip ko pa rin mga sinabi ni James.
Bakit kasi ganito ako? Pwede ko naman siyang tanungin. Kaso what if mainis siya tapos tigilan na niya talaga kung anong meron sa’min?
Si Aaron nga iniwan ako nang wala akong ginagawang masama eh.
Maya maya, napansin ko na hindi kumakain si Uno at nakatingin lang siya sa’kin.
“Ano mga sinabi ni James sa’yo?” Tanong niya
Seryoso siya. Hindi suplado mode pero seryoso mode na concern.
“Wala. Huwag mo na isipin.” Sabi ko
“Pero iniisip mo, Sean. So kung ano man ‘yun, sabihin mo sa’kin.”
Nabother lang talaga ako sa atake ni James sa’kin pero right now, parang mas naeenjoy ko na magkasama lang kami ni Uno.
“Sinabi niya lang na dati kayong… alam mo na… fubu.” Sabi ko
“Totoo naman ‘yun pero FUBU lang ‘yun. Walang meaning.”
“Nag I Love You ka raw sa kanya.”
“Ha?! Hindi ah! Never ko siyang sinabihan non.” Inis niyang sabi.
“Talaga?” Medyo natuwa naman ako.
“Oo. Isa pa, may isa pa kong FUBU non na babae. Kung magsasabi man ako ng I love you, hindi sa kanya no. Kadiri.”
Natawa ako sa kadiri pero naisip ko rin ‘yung sinabi niyang hindi siya magsasabi ng I love you kay James. Kasi lalaki siya?
“Sean, maniwala ka sa’kin. Wala akong sinabi sa kanya na ganon. Tubuan man ako ng pigsa sa mukha. Hindi ko sinabi sa kanya ‘yun.” Paulit niya pa.
“Oo na naniniwala na ako.” Sabi ko
“Good. Kasi halatang sasabihin niya lahat lumayo ka lang sa’kin eh.”
“Bakit ba siya obssess sa’yo?”
“Well, nakita mo naman ako.” Bigla niyang sabi sabay flex ng muscles niya.
Alam kong nagpapatawa lang siya pero ang hot niya sa ginagawa niya.
“At isa pa, wala na akong paki sa kanya. Wala na akong paki sa kanilang lahat. Okay?” Sabi niya.
Grabe ‘yung assurance ni Uno ngayon.
Natatakot lang ako na baka magising siya one time at iwan niya rin ako. Katulad nang ginawa ni Aaron.
“Enough na sa kanila, pag usapan na lang natin ‘yung sayaw mo kanina hahaha.” Bigla niyang sabi.
“Anong meron sa sayaw ko?”
“Ang panget mo sumayaw haha ang tigas ng katawan mo.”
“Hoy!”
“Mabuti na lang cute ka. May pass ka kapag cute ka tapos ganon ka sumayaw eh.”
Nakakahiya. Hyped pa naman ako kanina akala ko walang nakakapansin.
Kaya gumanti na lang ako.
“Magaling akong sumayaw sa kama.” Sabi ko
Tapos natahimik si Uno. Kakasubo pa lang niya ng noodles tapos mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
“Nakapatong ako sa’yo tapos gumigiling. Ayun, magaling ako don.” Pang aasar ko sa kanya.
Natahimik siya samantalang ako naman, tawang tawa.
Mabuti na lang madaling asarin si Uno.
Tumayo siya tapos kinuha niya kamay ko at pinahawak sa etits niya.
“Tignan mo ginawa mo, nagalit tuloy.” Sabi niya
Ang ginawa ko naman, hinimas ko ng konti.
Napatingin si Uno sa paligid.
May mga kumakain din don pero hinimas ko lang.
Maya maya, tinigilan ko na sabay kain.
“Seaaan. Nakakabitin.” Sabi niya
“Gutom pa ako. Mamaya na lang.” sabi ko
“Now na. Uwi mo na lang ‘yan tapos dun tayo magkainan este kainin ‘yan.”
“Haha kalma Uno. Mamaya na.” Sabi ko
Medyo nainis naman siya pero at least naka ganti ako sa kanya.
After namin kumain, naglakad na uli kami papuntang parking.
“Gusto mo pa umalis?” Tanong niya.
“Saan naman tayo pupunta?”
“Gusto mo nga?”
“Okay lang pero saan tayo pupunta?”
“Basta.”
Sumakay na ako sa motor niya. Pagkasakay ko, kinuha niya dalawang kamay ko at niyakap niya sa kanya.
“Huwag kang bibitaw ah.” Sabi niya
Double meaning. Kita ko sa mata niya ‘yung sincerity. Kaya umoo ako. Pinaandar na niya motor niya at bumyahe na kami.
****
Dalawang oras na byahe at dinala niya ako sa Antipolo.
“Akala ko naman pupunta lang tayo sa may kanto para kumain.” Sabi ko.
“Mabuti naman at hindi mo nahulaan kung saan tayo pupunta.”
Kitang kita ko rito ‘yung view ng mga building. Ang taas namin.
Malamig din ngayon at feeling ko, hindi tama suot ko ngayon kasi manipis lang.
Nasa tapat kami ng isang bahay at kumakatok si Uno ngayon.
Pagkabukas, binati siya ng batang babae.
“Kuya Jelo!” Narinig kong sabi.
Siguro mga 10 years old tong bata at hindi ko masabi kung kapatid niya since hindi sila ganong magkamukha.
“Hellooooo Bria!” Sabi naman ni Uno habang binuhat niya nang paikot.
“Bakit andito ka?”
“Wala lang. namiss lang kita!” Sabi niya uli sabay yakap nang mahigpit.
Ang cute tignan ni Uno ng ganito. Lakas lalo ng dating niya.
“Bria, this is Sean.” Pakilala niya.
Nakasmila lang si Bria sa’kin tapos naghello.
“Hello Bria.” Bati ko.
“Hi Kuya Sean.” Lumapit si Bria sa’kin. Sumenyas siya na umupo ako kasi may ibubulong siya.
“Pakisabi kay Kuya Jelo na dito na lang kayo matulog ngayon.” Sabi niya
Natawa naman ako. Nakatingin din si Uno sa’kin nang nakasmile.
Pumasok na kami sa loob at kung gaano kaganda ‘yung bahay sa labas, ganon din sa loob.
Mahilig sila sa konting gamit lang kaya ang luwag tignan ng bahay nila.
“Andito si Papa?” Tanong ni Uno.
“Wala po. Kami lang ni Ate Flora.” Sabi niya
May nakita akong isang babae na nagpeprepare ng pagkain at juice.
“Hello Ate Flora.” Bati naman ni Uno sabay yakap.
“Kumusta ka Jelo, ang tagal mong hindi dumalaw ah.”
“Busy lang po. Ate, si Sean pala.”
Nag hi lang din ako sa kanya.
“Okay na ‘yung kwarto mo Jelo, gusto mo bang magdagdag ako ng kutson?” Tanong ni Ate Flora
“Hindi na po.” Sagot niya. Tapos lumapit siya kay Bria.
“Bukas na lang tayo magkwentuhan Bria, pagod na Kuya mo eh.” Sabi niya
“Okay. Basta gumising ka nang maaga Kuya at mag jojogging tayo.”
“Deal!”
Nagpaalam na kami sa kanila at umakyat na kami.
Pagpasok ng kwarto, naghubad agad siya ng damit.
“Bakit hindi mo naman sinabi na pupunta pala tayo sa Pamilya mo?” Tanong ko
“Baka kasi humindi ka eh.”
“Bakit ba tayo nandito?”
“Wala lang. Gusto ko lang makilala mo ‘yung kapatid ko. Halika.”
Nagsuot siya ng jacket at pinahiram niya rin ako ng jacket niya.
Umakyat uli kami. Pagkaakyat namin, ofcourse, may rooftop sila.
Dito, mas lalong kita ko ‘yung view ng city. Sobrang ganda.
Nakita ko si Sean na nag aayos ng tent.
“Dito tayo matutulog ngayon.” Sabi niya.
Pagkatayo ng tent, nilabas niya rin ‘yung kutson at isang unan.
Nakabukas lang ‘yung tent tapos nakaupo kaming dalawa doon.
Inabutan niya rin ako ng bote ng beer.
“Prepared ka ah!” Sabi ko.
“Oo. Tinext ko na si Ate Flora na iready lahat.”
“So plano mo talagang ipunta ako rito ha Jelo?” Asar ko sa pangalan niya.
“Haha oo. At huwag mo kong tawaging Jelo. Hindi ako sanay.”
“Haha okay po Jelo.”
“Bahala ka Sean.”
“Eh paano pala kung hindi ako pumayag na pumunta rito?”
“Edi kikidnapin kita.” Sabi niya
Natawa na lang ako.
Nahiga naman siya sa kutson at ‘yung tent na tinayo niya, nakabukas ‘yung itaas so nakikita ‘yung stars.
“Tabi ka sa’kin.” Sabi niya
Humiga din ako sa tabi niya at parehas kaming nakatingin sa langit.
“Bakit mo nga ako dinala rito?” Tanong ko
“Nakita ko kasi itsura mo kanina after niyong mag usap ni James. Sure akong may sasabihin ‘yun na hindi maganda at tama nga hinala ko. Kaya para patunayan ko sa’yo na wala na sila sa buhay ko, dinala kita rito.”
Natouch naman ako sa sinabi niya.
“Pang ilan na akong dinala mo rito?” Biro ko.
“To be honest, pangalawa.”
“Oh.”
“Ayoko lang magsinungaling pero gusto ko, ikaw na ‘yung last na dadalhin ko rito.”
Masyadong maraming emotion ang nararamdaman ko ngayon. Ang sikip sa dibdib.
“Uno, bawas bawasan mo naman.” Sabi ko
“Ang alin?”
“Ayan, yung ginagawa mo.”
“Eto? Nakahiga lang naman ako.”
“I mean, etong sweetness. Masyadong… nakakaoverwhelm.”
“Oh, sorry. Hindi ko meant ‘yun.” Sabi niya sabay gumilid siya sa’kin.
Nakatingin na siya sa’kin ngayon.
“Ayaw ko lang na mag overthink ka sa mga sinabi niya kanina.”
“Actually hindi na. Simula nung nag explain ka, hindi na ako nag ooverthink.”
“Good kasi hinding hindi ko sasabihan ng I love you yung mokong na ‘yun!”
Natawa naman ako.
“Actually may sinabi pa siyang isa. Sabi niya palagi raw kayong…”
“Palaging ano?”
“Palaging nagkikiss.”
Natahimik siya.
Sabi ko na nga ba huwag kong iopen ‘yun eh kasi for sure mag babago na naman mood niya.
“Gusto mo ba?” Bigla niyang tanong.
Napatingin ako sa kanya.
“Ang alin?” Tanong ko
Pero bago ako makasagot, hinalikan na niya ako.
Tangina.
Ang sarap.
Lahat nang balahibo ko sa katawan, nagsitayuan.
Ramdam na ramdam ko labi niya.
Tapos hinawakan niya buhok ko. Naramdaman kong gumalaw ‘yung labi niya. Hinahalikan niya upper lip ko tapos yung lower.
Pagkatapos non bumitaw siya.
Tinignan niya ako sa mga mata.
“Ang tagal ko nang gustong gawin sa’yo ‘yan.” Sabi niya sabay halik uli sa’kin nang madiin.