First Distress

1568 Words
Nalilibugan ako ngayon. I don’t know. Ang tagal na rin kasi since last naming s*x ni Uno. Although di ako nagrereklamo kasi masaya na nakakausap ko siya, pero nasanay kasi ako na may s*x palagi sa kanya. Kaya after shift, napagpasyahan kong puntahan siya sa unit niya. Pero nung pagkabukas niya ng unit niya, nakabihis siya at mukhang aalis. “Oh, tapos na shift mo?” Tanong niya. Hindi na siya naka suplado mode. Accomodating na ‘yung tono ng boses niya. “Ahh oo.” “Halika, labas tayo. Yayayain pa lang kita eh.” Sabi niya “Saan tayo punta?” “Sa bar.” “Ah…” “Dali na. Hintayin kitang makabihis.” Sabi niya pa Ugh paano ko ba ioopen sa kanya na gusto ko ng s*x. “Sige. Sandali lang.” sabi ko Buti nakaligo na ako at nagbihis na ako kaagad. Nakaabang siya sa labas ng unit ko. Pagkatapos ko magbihis, bumaba na kami at dumiretso sa parking para sumakay sa motor niya. Pumunta kami sa same bar kung saan kami nagkita kagabi. As usual, malakas ang sounds sa bar tapos may mga nagpaparty na kahit mag 7PM pa lang. Nagulat naman ako ng bigla kaming napunta sa VIP section. “Uy, pwede ba tayo rito?” Tanong ko sa kanya. “Oo. Huwag kang mag alala.” Naupo kaming dalawa tapos umorder siya ng alak at pulutan. Ang pogi ni Uno. Parang walang anggulo nang kapangitan. Napansin ko ring maraming kumakamay sa kanya na mga tao. “Tatakbo ka bang konsehal? Parang kilala mo lahat ah.” Biro ko sa kanya “Ganon talaga kapag may tropa kang artista. ‘Yung iba hindi ko naman kilala.” Sabi niya Umiinom siya ng beer at kitang kita ‘yung pagtulo ng alam sa gilid ng makapal niyang labi. Tangina. Ang sarap dilaan. “Oo nga. Hindi ko pa pala natatanong anong connection mo kay Donny Pangilinan?” Tanong ko “Childhood friends kami.” “Ahh. So balak mo rin mag artista sana?” “Hmmm… Sana. Kaso everytime nagkekwento siya ng mga experience niya, parang ayoko na.” “Talaga? Hindi ba magaganda experience niya?” “Magaganda naman. Kaso parang ang lungkot lang. at saka magiging public figure ako, baka lumabas lahat ng baho ko.” Sabi niya sabay tawa. Nag inom na rin ako. Hindi pa rin ako mapakali. Grabe naman. Bakit libog na libog ako ngayon kay Uno. Gusto ko siyang matikman uli. “Sean, tara sa gitna tayo.” Sabi niya Bago ako makasagot, hinawakan niya ako sa kamay at pumunta kami sa dancefloor. Ang hyper niya pero ang saya niya panuorin. Talon siya nang talon sa dancefloor. Nakikita ko rin na may sumasayaw sa kanyang babae at since mataas energy nila, hindi ko sila kayang sabayan. Kaya bumalik na lang ako sa upuan at pinagmasdan ko si Sean sa pwesto ko. Nakasuot siya ng oversized T Shirt pero alam mo pa rin na malaki katawan niya. Ang lakas pa makagwapo ng tattoo niya sa braso. From dancefloor, nagkatitigan kami since mukhang hinahanap niya ako. Naglalakad siya papunta sa’kin pero may lumapit sa kanyang babae. Mukhang masaya si Uno nung nakita niya ‘yung babae kasi nagyakapan sila. Malakas ‘yung tugtog at malayo sila so hindi ko naririnig pinaguusapan nila. Maya maya, tinuro ni Sean ‘yung pwesto namin at napatingin silang dalawa sa’kin. Feeling ko ako pinag uusapan nila kaya nagkunwari na lang ako na umiinom. After ilang minuto, lumapit na uli si Uno sa’kin. “Okay ka lang?” Tanong niya. “Oo.” “Sure ka?” “Oo. Hindi pa tumatama ‘yung alak sa’kin. Puntahan kita don mamaya pag tinamaan na ako.” Tapos may lumapit kay Uno na lalaki at may binulong. “Punta ka sa dancefloor ah.” Sabi niya sabay tayo. Pumunta uli siya sa dancefloor pero dumiretso siya sa booth ng DJ. Nagsuot siya ng headset at sumenyas ng okay dun sa nakaupo. “We have DJ Uno in the houseeeeeeee!!!!” Narinig kong sigaw nung lalaki na nasa DJ booth kanina. OMG. Nagmumusic din pala siya. Ang gwapo niya panuorin sa malayo tapos mas nahype ‘yung mga tao habang nagpapatugtog siya. Sumenyas naman siya na lumapit sa kanya pero sumenyas din ako na okay lang ako sa pwesto ko. Maya maya, nakarinig ako ng kanta ni RuPaul na pinapatugtog. Nakita kong nakangiti si Uno sa’kin habang ayun ‘yung minimix niya. Natawa ako kasi alam kong para sa’kin ‘yun kaya tumayo na rin ako at pumunta sa dancefloor. Siguro si RuPaul may kasalanan pero nahype ako ngayon kaya kahit hindi ko kilala mga nandito, nakikisayaw ako. Maya maya, katapat ko na ‘yung babaeng kausap ni Uno kanina. “Heyyy!” Bati niya sa’kin nang pasigaw habang nakahawak siya sa balikat ko. Buti na lang may tama na ‘yung alak. “Hiiii!” Bati ko rin “Ikaw ‘yung friend ni Uno di’ba?” Tanong niya. “Oo.” “I’m Ella.” “Sean” Nagsisigawan kami since malakas ‘yung tugtog at hyped mga tao. “Oh ikaw si Sean.” Sabi niya. Umoo lang ako. “Nakwento ka ni Uno one time.” “Talaga? About saan naman?” “Alam mo na ‘yun.” Sabi niya sabay ngiti sa’kin OMG. Alam kaya niyang f**k buddy kami ni Uno. “May papakilala ako sa’yo.” Sabi niya pa. Inalalayan niya ako paalis at pumunta kami sa isang table na maraming tao pero kinuha niya tinawag niya lang ‘yung isang lalaki. Nakatayo ako sa gilid habang may binubulong si Ella sa lalaki. Gwapo ‘yung lalaki at halos kasing tangkad ko. Ang kinis ng mukha niya. Ayun talaga una kong napansin tapos ang inosente ng mukha. Nakita ko sa expression nung lalaki na parang amazed tapos lumapit siya sa’kin. “Do you smoke?” Tanong niya. “Ah. Hindi.” “Ahh. Too bad. Okay lang samahan mo ko mag smoke?” Tanong niya. Ang weird naman pero nakatingin lang si Ella sa’kin na parang sinasabi na sumama ako. Tumingin ako kay Uno at nagpapatugtog pa rin siya kaya umoo na lang ako. Pagkapunta namin sa smoking area, medyo tahimk though rinig pa rin ‘yung sounds sa loob. Pero hindi na namin need mag sigawan. Nag sindi siya ng sigarilyo sabay tingin sa’kin. “I’m James by the way.” Sabi niya sabay abot ng kamay niya. “Sean.” Kinamayan ko naman siya. “So ikaw ‘yung bagong boy toy ni Uno?” Tanong niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. “Don’t worry. Alam ko, and there’s nothing wrong about it. Isa pa, how can you resist Uno di’ba?” Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko sa mga sinasabi niya. “By the way, before you, ako ‘yung ka f**k buddy niya.” Doon ako mas lalong nagulat. “I was the first guy na nakasex niya. Siguro nag enjoy kaya inaraw araw ako.” Sabi niya Hindi ko naman sure kung anong purpose nang pag uusap namin ngayon. “Masyadong rough si Uno no? Buti di ka nasasaktan.” Sabi niya Tangina. Ang weird nang usapan. Ang awkward. Parang gusto ko nang umalis. “Nag eenjoy ka ba sa ginagawa niyong dalawa together?” Tanong niya “Huh?” “Kasi kung hindi… pwede mo na ulit siyang ibalik sa’kin.” Naiinis na ako sa kanya ngayon. “Nakakamiss din halikan si Uno. Nakita mo ‘yung labing ‘yun? Ang sarap halikan magdamag. For sure alam mo naman ‘yun kasi nag sesex kayo.” Dito ako nalungkot. To think na nagkiss na sila pero kami ni Uno kahit dampi lang, hindi nagawa. Tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “You’re cute. Pero I just want to give you a heads up. Babawiin ko na si Uno.” “Naging kayo ba?” Malumanay kong sabi. “Hmm. Not officially. Pero feeling ko, yes. Kasi everytime lumalabas kami, umaakbay siya sa’kin tapos minsan hinahalikan niya ako kahit maraming tao.” Parang may tusok na naman sa puso ko sa mga sinasabi niya. “He even said I love you to me multiple times so siguro, naging kami and since naging kami, hindi pa kami naghihiwalay. Kaya kung ako sa’yo mag back out ka na. Kasi once na makita niya ako, for sure, babalik siya sa’kin.” Mas nananaig ‘yung sakit kesa sa inis ko sa kanya. Ang dami na namang realization na pumapasok sa’kin. Bakit nagagawa ni Uno ‘yun sa kanya? Akala ko kaya ayaw niya makipaghalikan during s*x kasi lalaki ako pero bakit nagagawa niya kay James. Siguro pampalipas oras nga lang talaga ako ni Uno. “Sean, this is me being nice. You seem like a nice guy. Pero I know na gusto ako ni Uno, he even bought me this necklace na pagkamahal mahal. And obviously, I like him back.” Kanina pa nga ako nakatingin sa necklace niya kasi ang ganda. Hindi naman ako materialistic na tao. Gusto ko lang quality time. “Hey, pwede kitang ireto sa kakilala ko. For sure, magugustuhan mo…” Hindi ko na pinatapos sinasabi niya at umalis na ako sa smoking area. Narinig ko pa siyang sumigaw ng “Nice talk” pero gusto ko na lang umalis ngayon sa bar na ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD