CHAPTER4

1703 Words
Lionel's Pov Agad na kumalat sa company yung video namin ni Priscilla at nakarating ito kay Mom and Dad. Labis ang pagka dismaya nila sakin kaya naman nais nilang ayusin ko ang gulong ginawa ko. Hindi nila kayang i-tolerate ang mga pag kakamali ko dahil masisira ang pangalan ng kompanya namin. Isa pa, tinanggal na din nila sa trabaho si Priscilla kaya naman wala na din akong magagawa kundi ang makipag ayos kay Cerys. Mahal ko naman si Cerys, walang mali sa kanya. Ako lang talaga itong hindi nakapag hintay. Lalaki ako at may pangangailangan. Naging marupok ako sa pang aakit ni Priscilla hanggang sa na enjoy ko na ang bawat sandali na kasama sya. Dahil dun nakaramdam na ako ng pang lalamig kay Cerys. Para sakin ay boring na syang kasama kaya naman nung nalaman nya na may relasyon kami ni Priscilla wala na akong karapatang humarap pa sa kanya. Akala ko malinaw na sa kanya ang lahat, kaya naman nagulat ako ng dumating sya sa opisina ko. Dahil dito ay nalantad sa opisina ang relasyon namin ni Priscilla. "Kung hindi ka makikipag ayos kay Cerys, bumaba kana sa posisyon mo!" Inis na saad ni Dad. "Hindi nyo pwedeng gawin sakin to dad dahil lang kay Cerys. Hindi ko na sya mahal!" Inis na saad ko kaya naman naka tanggap ako ng malakas na sampal dito. "Sino ang gusto mo? Yung secretary mong malandi? Isipin mo nalang kung anong ma wawala satin kapag binitawan mo si Cerys. Masisira tayo sa lahat ng partnership natin. Huwag mong maliitin ang kompanya nila dahil mas pag kakatiwalaan sila ng mga tao kesa satin dahil sa panglolokong ginawa mo!" Sigaw ni Dad kaya naman napayuko ako. "Puntahan mo si Cerys, yayain mo syang mag pakasal. Yun lang ang tamang paraan para maayos na ang lahat ng ito." Saad naman ni Mom. "Pero Mom, paano kung hindi pumayag si Cerys? Nasaktan ko yung tao, tiyak kong walang kapatawaran para sa kanya yung ginawa ko!" Paliwanag ko dito. "Dahil yan sa kapabayaan mo! Pwede ka namang tumikim ng ibang babae kung hindi maibigay ni Cerys ang pangangailangan ng P****** tit# mo na yan, eh di sana hindi ka nag pahulo! Sana hindi nangyayare ito sayo ngayon!" Sigaw ni Mom kaya mas lalo lang akong napayuko dahil sa kahihiyan. "Ayusin mo to Lionel, bibigyan kita ng pangalawang pag kakataon. Pero kung hindi mo mapapayag si Cerys, simulan mo ng mag impake ng mga gamit mo." Saad ni Dad at umalis na sila ni Mom ng opisina ko. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa stress na nararamdaman. Ano nalang ang gagawin ko? Mapapatawad nya pa kaya ako? Sinubukan ko itong tawagan pero hindi ko ito ma contact kaya naman nag disisyon akong puntahan ito sa kompanya nila. "Hindi ba nya sayo na sabi? May pupuntahan silang charity works sa Nueva Ecija. Aabutin daw yun ng 3 to 5 days." Saad ni Tito Arden sakin. "Ganun po ba, nakalimutan po siguro nitong sabihin sa dami nyang inaasikaso. Sige po Tito, babalik nalang po ako kapag nakauwi na sya." Saad ko dito kaya naman bumalik na ako ng kompanya. Pag labas ko ng sasakyan ko sa parking lot at biglang may humila sakin. "Baby, ano nang gagawin ko." Laking gulat ko ng makitang si Priscilla ito. "Sorry sa nangyare Priscilla, mas mabuti kung dun ka nalang muna sa condo na kinuha ko para sayo. Palamigin muna natin yung sitwasyon. Pupuntahan nalang kita dun kapag may free time na ako." Saad ko dito kaya naman niyakap ako nito ng mahigpit. "Hihintayin kita baby." Saad nito sabay halik sa labi ko. Pag alis nito ay napailing nalang ako. Dapat ko ng itama lahat ng pag kakamaling ito. Kaya huwag kana sanang mag matigas sakin Cerys. Pag dating ko ng opisina ko ay sinubukan kong tawagan ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Cerys. Mukang wala pang alam ang mga ito sa pag hihiwalay namin. Siguro ay takot din si Cerys na mag kwento sa nangyare dahil baka pag tawanan sya ng mga kaibigan nya. "Hindi eh, wala syang nabanggit samin about charity. Imposible naman na hindi sya mag paalam sayo. Nag away ba kayong dalawa?" Pag aalalang tanong ng pinsan nitong si Serenity sa kabilang linya. "Hindi naman, ang totoo nyan ay tumawag sya sakin. Busy lang ako kaya hindi ko na sagot. Baka wala lang signal sa pinuntahan nya kaya hindi ko ito ma contact." Pag sisinungaling ko dito. "Baka nga, sige Lionel balitaan agad kita once na komontact ito sakin." Saad nito bago i-hang ang call. Pa bagsak kong ibinaba ang cellphone ko sa table ko. "Nasan ka ba ngayon Cerys, bakit ang hirap mong hanapin!" Inis na saad ko kasunod ang pag sabunot sa sarili ko. Sumunod na araw ay wala pa din akong balita dito. Medyo nag aalala na ako dahil hindi naman ito nag papat@y ng cellphone nya. Hindi kaya may nangyare ng masama dito dahil sa pakikipag hiwalay ko sa kanya? What if nag suidé na ito? No, hindi gagawin ni Cerys ang bagay na yun. Last na pag haharap namin ay okey pa sya. Ang sabi nya pa nga ay hindi sya mag mamakaawa sakin na makipag balikan sa kanya. So ibig sabihin hindi sya gagawa ng isang bagay na ikakasama nya. - Kinabukasan - "Mag ready ka, pupunta tayo sa bahay nila Cerys." Saad ni Mom sakin. "Pero Mom, wala si Cerys sa kanila. Nasa charity works ito." Paliwanag ko sa kanila. "Nandun man o wala si Cerys mas mabuti ng nandun tayo. Paano kung makarating sa mga magulang ni Cerys ang mga katangahang ginawa mo? Kailangan maging malinis ang pangalan mo sa kanila. Tandaan mo tong mabuti, kapag inatras na nila ang partnership nila satin, unti-unting masisira ang tiwala ng ibang company satin. Kaya ayusin mo to Lionel!" Inis na saad ni Mom kaya naman wala na akong na gawa kundi sumunod sa sinasabi nila. "Here, gamitin mo to kung sakaling dumating si Cerys mamaya. Mag propose kana sa kanya at mag pakasal kayo agad para Incase na kumalat pa ang video ay wala na syang magagawa kundi pag takpan ang relasyon nyo." Saad ni Mom sabay abot sakin ng isang maliit na box. Alam kong singsing ang laman nito. Pag tingin ko ay isang diamond ring nga ito. " 2 million ang bili ko dyan kaya siguraduhin mong masusuot ni Cerys yan." Saad ni Mom kaya napalunok ako. - Pag dating namin sa bahay nila ay agad kaming inasikaso ng mga magulang nito. "Pasensya na kung biglaan ang pag punta namin dito." Nakangiting saad ni Mom sa magulang ni Cerys. "Wala yun, matagal tagal na din ng huli tayong mag sama sama ng ganito. Ano bang meron at napasugod kayo? Sayang naman ay wala si Cerys, matutuwa yun kapag nalaman nyang nandito kayo." Saad ni Tita Shiloh. "Nandito talaga kami dahil may gusto daw sabihin itong si Lionel sa inyo. Sinamahan namin sya bilang support." Nakangiting saad ni Mom dito. "Sige Lionel, ano ba yun?" Nakangiting tanong ni Tita Shiloh. "G-gusto ko po sanang hingiin na sa inyo ang kamay ni Cerys. Kung maari po sana na payagan nyo akong pakasalanan sya." Nakayukong saad ko sa kanila. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata nila dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa sa bagay na ito. Bukod sa hindi handa, hindi ko na nakikita si Cerys bilang future wife ko. "Matagal na naming hinihintay yan Lionel, masaya kaming marinig yan mula sayo. Ilang taon na rin kayong mag kasintahan ni Cerys at nasa tamang edad na din kayo para sa pag papakasal. Kaya naman hindi ka namin tutulan sa gusto mo. Nandito lang kami para suportahan kayo ni Cerys sa pag mamahalan nyo." Nakangiting saad ni Tito Arden sabay akbay kay Tita Shiloh. "Hindi mag tatagal at magiging isang pamilya na tayo." Nakangiting Saad naman ni Mom. "Anong nangyayare dito!??" Lahat kami ay napatingin sa pinto ng mag salita si Cerys. Napalunok ako ng makita ito, kita sa mga mata nito ang galit. Bago pa ito gumawa ng eksena at ilantad ang ginawa ko sa kanya ay lumapit ako dito at niyakap ito ng mahigpit. She tried to push me pero hindi ko sya pinakawalan. "Please Cerys, patawarin mo na ako. Nag sisisi na ako sa ginawa kong pag kakamali. Kaya please, tanggapin mo sana ulit ako. Pangako, I'll be a better boyfriend this time." Pag mamakaawang saad ko dito kasunod ang pag luhod sa harapan nya. "Xanthe Cerys Especially, will you be my wife?" Nakangiting tanong ko dito. Napansin ko ang pag tawa nito kasunod ang pag tabig sa kamay ko kaya naman tumilapon papalayo yung singsing na hawak ko. Napasigaw si Mom sa nangyare at agad nyang kinuha ang singsing. "Tigilan mo na ang palabas na to Lionel. Kahit kelan ay hinding hindi ako mag papakasal sayo!" Sigaw nito sakin kasunod ang malakas na pag sampal nito sa muka ko. "Cerys!!" Sigaw na saway sa kanya ng Tita Shiloh. "Pasensya na po Tito and Tita, ganun din sa inyo Mom and Dad. Huwag na po kayong umasa na mag papakasal kami ni Lionel. Tanungin nyo nalang po sya kung bakit. Pero buo na po ang disisyon ko, hinding hindi po ako mag papakasal sa kanya dahil tapos na kami." Saad nito at umakyat na ito ng hagdan. "Cerys bumalik ka dito!" Sigaw ni Tita Shiloh. Mukang ito na ang simula ng kalbaryo ko. Kilala ko si Cerys, kapag nag disisyon na ito ay hinding hindi na ito mag babago. Wala na talaga akong puwang sa puso nya. Hindi ko sya masisisi kung bakit nya tinanggihan ang proposal ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. "Pasensya na kayo mare at pare, hayaan nyo at kakausapin namin si Shiloh. Siguro ay pagod lang ito dahil sa charity works na pinuntahan nya. Hayaan mo Lionel at maayos nyo din ito." Saad ni Tita Shiloh kaya nag paalam na kaming umalis dito. Pag dating sa bahay ay sunod sunod na sampal ang nakuha ko kay Mom. Galit na galit ang mga ito dahil sa nangyare. Wala akong mukang maiharap sa kanila dahil alam kong ito na ang simula ng pag bagsak ko. Ano bang dapat Kong gawin para mapatawad nya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD