CHAPTER 5

1606 Words
Cerys's Pov "Cerys buksan mo to, we need to talk!!" Inis na sigaw ni Mom sa labas ng kwarto ko. "Please Mom, give me alone!" Inis na saad ko dahil hindi pa din ako nakaka get over sa mga nangyare. Anong eksena yun? Bakit bigla nalang nag po-propose sakin ang Lionel na yun matapos nya kong saktan. Malinaw na diba na ayaw nya na sakin at mas pinili nya ang Priscilla na yun. Pero anong pakulo yung nangyare kanina? Gag* ba sya? Parang wala lang sa kanya yung ginawa nyang pang loloko sakin. Kapal din talaga ng muka nya na humarap sa pamilya ko lalo na sakin. Ganda din ng gimik nya, Akala nya ba matatabanunan nalang ng pag po-propose nya yung pakikipag s*x nya sa iba! "Please anak, kung may problema ka you can tell us. Nandito lang kami ng daddy mo, makikinig kami sayo." Muling saad ni Mom pero sa kalmadong tinig na ito. "Please Mom, pwede po bang sa ibang araw nalang natin to pag usapan. Gusto ko po munang mapag isa." Saad ko dito kasunod ang pag tabon ko ng unan sa muka ko. Gulong gulo ang isip at puso ko. What if nag sisisi na talaga si Lionel sa mga ginawa nya at sincere sya sa pag po-propose sakin? Dapat bang bigyan ko sya ng second chance? -----Kinabukasan----- Dahil wala na yung phone na ginagamit ko at yung extra phone ko muna ang ginamit ko para tingnan kung ano ng update sa social media. Pag log in ko sa f*******: ko ay sunod-sunod agad ang pop-up ng mga notifications and messages sa account ko. Napakunot ang noo ko dahil may trending video si Lionel na lasing na lasing sa bar. Dinig ko sa video ang pag iyak nito. "She broke up with me, tinanggihan nya ang wedding proposal ko. S-sobrang sakit, buong akala ko mahal nya ako." Dinig kong saad nito sa video kaya naman napataas ang isang kilay ko. Talagang gagawin nya ang lahat para baliktatin ang sitwasyon. Buong akala ko pa naman ay sincere sya sa ginawa nya pero mukang ginagawa nya lang ito para sa personal na interest. Malalaman ko din ang dahilan mo Lionel kung bakit mo to ginagawa sakin. Pero hinding hindi ako mag papaturo sayo. Isang beses mo na akong sinaktan at hindi ako papayag na maulit ito. **Kinagabihan** Nabalitaan agad ng mga kaibigan ko ang nangyare sa proposal ni Lionel. Maging sila ay hindi makapaniwala na wala na kami nito. Kaya naman nag-aya si Serenity na mag bar para damayan ako sa pinag dadaanan ko ngayon. "Wala na ba talaga kayo ni Lionel?" Tanong ni Mara. "Sh*ta ka Girl, sayang yung 4, years. Akala ko pa naman kayo na ang end game." Pang hihinayang na Saab ni Sabby. "Ano ba talaga ang nangyare, simulan mo ng mag kwento habang di pa kami bangag. And make sure na hindi ka iiyak!" Saad ni Serenity sabay bigay sakin ng isang boteng beer. Ininom ko muna ito bago mag simulang mag kwento. Nangalahati agad ito kaya naman ramdam ko kagad ang pag init ng katawan ko. "4th year anniversary namin last week. Pinag handaan ko ang gabing yun dahil handa ko ng isuko sa kanya ang perlas ng kanluran ko. Excited pa naman ako dahil finally buo na ang loob ko na isuko sa kanya ang sarili ko. Pumunta ako sa condo nya, tuwang tuwa pa ako dahil pag dating ko ay may naka ready ng candle light dinner. Pero sh*ta, nauna na yung dessert. Na huli ko si Lionel sa kwarto nya na may kasiping na ibang babae, at alam nyo ba kung sino yun? Yung malanding secretary nya lang naman!"" Inis na saad ko at muling nilagok yung natitirang laman ng bote ng beer ko. "Ano?? What the h*ll! Tapos kong mag emote sya sa social media Akala mo sya yung niloko? Tang*na nya, huwag lang talagang mag pakita sakin ang mokong na yun at talagang masasapak ko sya!" Inis na saad ni Mara. "Ang lakas din ng loob nyang mag propose sayo? After what he did may gana pa syang mag pakita sayo." Inis ding saad ni Sabby. "Tumawag sya sakin nung isang araw, tinatanong ka nga nito sakin. Nasa charity works ka daw, wala naman tayong charity, so san ka pumunta? Tatlong araw kang na Wala kaya nag alala ako sayo." Nakakunot noo na tanong ni Serenity. "Ang totoo nyan ay naaksidente ako, hindi pala aksidente yun dahil balak ko na talagang wakasan ang buhay ko ng gabing yun. Lasing na lasing ako that night, sa sobrang lasing ko nun ay naisipan kong mag pakamat@y nalang para isang sakit nalang. Hindi ko kasi talaga matanggap na niloko ako ni Lionel. Dahil sa ginawa nya sakin na wasak ang mundo ko." Naiiyak na saad ko kaya naman agad na hinimas ni Serenity ang likod ko. "Mabuti nalang at hindi malakas ang pag kakabangga sayo." Saad ni Sabby. "Oo nga, hiyang hiya nga ako sa nakabangga sakin. Dahil sakin tatlong araw ko din syang naabala." Kwento ko sa kanila habang nakangiti. "Wait, lalaki ba yung nakabangga sayo?" Nakataas na isang kilay na tanong ni Sabby. Lahat sila ay nakatingin sakin habang hinihintay ang sagot ko. Parang nasa hot seat ako dahil sa ginagawa nila. "Oo, his name is Azriel, mabuti na nga lang at napaka bait nito. Inalagaan nya ako kahit na kasalanan ko naman ang lahat." Nakangiting saad ko sa kanila kaya naman iba yung tingin nila sakin. "Gwapo ba?" Nakangiting tanong ni Mara. "Oo, mas gwapo pa kay Lionel." Nakangiting sagot ko kaya naman nakatanggap ako ng mag kabilang kurot sa tagiliran galing kay Mara at Sabby. "Girl parang kakaiba yung pag kikita nyo, parang sinadya eh. Single daw ba, nakuha mo ba number nya or social media account? " Sunod sunod na tanong ni Mara na halatang kinikilig. Naalala ko na naman yung Alok ni Azriel sakin. May ilang araw pa ako para pag isipan ang alok nya. Kung mag papatuloy pa din si Lionel sa mga palabas nya, mapipilitan talaga akong mag pakasal kay Azriel. Ibibigay ko sa kanya ang pag hihiganting hinding hindi nya makakalimutan. "Hindi eh, wala akong nakuhang information about sa kanya." Sagot ko sa kanila kaya naman grabe yung pang hihinayang nila. "Napaka hina mo talaga Cerys, paano kung sya na pala yung destiny mo? Paano kung pinag tagpo talaga kayo para sa isa't isa tapos pinakawalan mo lang ng ganun." Pang hihinayang na saad ni Sabby. "Ay naku tigilan nyo nga ang pinsan ko. Kakahiwalay lang nila ni Lionel tapos gusto nyo pumasok agad sya sa isang relasyon na naman. Paano kung katulad lang din ito ni Lionel?" Saway ni Serenely sa dalawa. Napangiti nalang ako dahil napasimangot yung dalawa. Kung tatanggapin ko ang alok ni Azriel sakin bilang contractual wife nya, tiyak kong magugulantang ang lahat kapag nalaman nila na may asawa na ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Lionel? Lumipas ang ilang oras at madami-dami na din ang nainom ko. Ayukong mag pakalasing dahil mag da-drive pa ako pauwi kaya naman nag paalam na ako sa kanila. "Kaya mo pa bang nag drive?" Pag aalalang tanong sakin ni Serenity. "Oo naman, hindi pa ako lasing na lasing, kaya ko pa. Umuwi na din kayo ah, wag na kayo manglalaki." Pabiring saad ko sa kanila. "Kaya nga kami pumunta dito para mag boy hunting tapos pag babawalan mo kami." Pa biro ding saad ni Sabby. "O Sige na, mauna na ako sa inyo." Awat ko sa ka daldalan namin at Isa isa ko silang niyakap. Ihahatid pa sana ako ni Serenity sa labas ng bar pero pinigilan ko ito. Kayang kaya ko pa naman, hindi pa ako lasing. Habang nag lalakad ako papuntang parking lot ay nakaramdam ako ng pagka hilo. Hindi ito dahil sa ininom ko, siguro ay dahil ito sa pagka umpog ng ulo ko sa sasakyan ni Azriel nung nabangga nya ko. Umayos ako ng tayo at pailing-iling na nag lakad. Sa pag lalakad ko ay pakiramdam ko ay lumilindol. Huminto muna ako sa pag lalakad dahil feeling ko ay matutumba na ako anytime. Pinikit ko ang aking mga mata, kahit nakapikit ako ay ramdam ko pa din ang pag ikot ng paligid. "Cerys, is that you?" Tanong ng pamilyar na boses sakin. Pag dilat ko ng mata ko at pag lingon sa likuran ko ay bigla nalang akong na out of balance. Na ramdaman ko nalang ang pag salo ni Azriel sa katawan ko. Napalunok ako ng mapag tantong sobrang lapit ng muka namin sa isa't isa. "Okey ka lang?" Nakakunot noo na tanong nito. "S-salamat, medyo nahilo lang ako." Sagot ko dito at dahan-dahan ako nitong itinayo. "Anong ginagawa mo dito? Mag isa ka lang ba?" Tanong nito sabay tingin sa paligid namin. "No, kasama ko ang mga friends ko. Nasa loob pa sila, nauna lang akong umalis dahil medyo naparami na ang inom ko. Ayuko ng mag pakalasing tulad ng dati dahil baka hindi ko na naman ma control ang sarili ko." Nakangiting saad ko dito. "Ikaw ba, anong ginagawa mo dito?" Nakakunot noo na tanong ko dito. "Bestfriend ko ang may ari ng bar na yan, binisita ko lang sya." Nakangiting sagot nito. "Kamusta ka naman?" Sabay pang tanong namin sa isa't isa. "Mas mabuti siguro kung mag coffee muna tayo." Nakangiting saad nito sabay turo ng coffee shop sa kabilang kalsada. Inalalayan ako nito sa pag lalakad. Kahit na ilang araw palang kami nitong mag kakilala ay naging palagay na agad ang loob ko sa kanya. Parang may kung anong nag tutulak sakin na makipag tulungan dito. Pero shempre kailangan ko pa din yung pag isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD