Kabanata 5

1699 Words
"SIR!" tawag ni Neela kay Santi nang lumabas ang dalaga ng bahay dala ang backpack nito. "Ready na ako. Let's go." Humagikgik ito. "English 'yon, Sir." Napakunot ng noo si Santi nang makita ang lumang bag. "Don't you have a travel bag?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Neela. "Pero travel bag naman po ito? Ito ginamit ko no'ng bumyahe ako mula probinsya hanggang dito sa Maynila. Oh? Travel? Bag. Travel bag." Hindi alam ni Santi kung seryoso ba ito o pinipilosopo siya. Imbes na patulan ang kalokohang rason nito ay bumalik na lamang siya sa loob at dumiretso sa storage room. He went through some of Amanda's stuff until he found a travel bag that would suit Neela. Muli siyang lumabas at ibinigay iyon sa dalaga ngunit tinitigan lamang ni Neela ang hawak niya. "K-Kanino po 'yan, Sir?" nag-aalangan nitong tanong. Siguro ay nagtaka dahil pambabae ang disenyo ng bag. "It was my wife's. You can have it." Napansin niya ang paglunok nito. "A-Ayaw ko po, Sir. Baka ho multuhin ako ni Ma'am Amanda." Santiago sighed. "She won't. Just take it." Ngumuso ito bago labag sa loob na tinanggap ang bag. Pumasok ito ng bahay pagkatapos upang ilipat ang mga gamit sa bag na ibinigay niya. Santi checked his kids' car seats while waiting for Neela to come out. He adjusted the straps and made sure it's properly attached. "Daddy, san na Mommy po? Miiwan na?" tanong ni Esme. "No, baby," he answered in a breathy way. "She's just putting her stuff in a better bag." "Daddy, wana midami cwoowds mommy. Ibili den mommy, ah? She's pweety na 'pag midami cwoowds na, eh." Santi smiled. "You think so, hmm?" Tumangu-tango si Esme. "Opo." Hinaplos na lamang niya ang ulo ng mga anak. He really appreciates how Neela taught his kids to be this polite. Kahit sino ang kausap ay mayroong po at opo ang mga bata. Siguro kung siya lamang ang kasama ng mga ito ay hindi ganoon ang mga ito. "Sir, tara." Nilingon ni Santi si Neela nang marinig ang tinig nito ngunit nang makita niya ang itsura ng dalaga ay nalukot na naman nang husto ang noo niya. Neela is hugging the LV hand-carry bag like she's ready to put her life on the line to protect it. Nag-hoodie rin ito at pilit itinatakip ang tela sa bag na tila anumang oras ay bigla iyong hahablutin ng kung sino. "Uh, why are you holding your bag that way?" naguguluhan niyang tanong. "Ano ka ba, Sir mamaya ma-holdap tayo. Ang mahal nito. Lu-wis Bee-ton 'to, 'di ba?" He sighed. "Loo-wi Vuh-tahn." "Loo-wee ay basta." Ngumuso ito saka tumingin-tingin sa labas ng gate. "Baka isipin nila, Sir mahal ang laman kasi mahal ang bag. Kapag nahablot 'to, Sir makikita nila ang mga So-En kong panty na ilang taon na sa'kin. May wala na ngang garter." He grunted. "Do you really have to tell me about that?" he murmured before he sighed. "Pasok na." Napaawang ang mga labi nito nang inagaw niya ang bag saka niya inilagay sa back seat. "Sir! Mamaya may kumuha!" "Walang kukuha niyan." Hinawakan niya ito sa batok at pwersahang idinala sa tapat ng shotgun seat. "Just get in. Mata-traffic pa tayo kakareklamo mo." Nakasimangot na lamang itong sumakay at isinuot ang seatbelt ngunit kahit noong nasa byahe sila ay panay ang silip ni Neela sa likod. Tila gustong makasigurong walang biglang magbubukas ng trunk ng kanyang SUV. Santiago heaved a sigh. "Will you relax?" Neela pouted. "Paano naman ako magre-relax, Sir baka mamaya kapag tumigil ka sa stoplight may biglang magbukas ng trunk." "No one will do that." "Hindi mo sure 'yan, Sir. Ikaw talaga. Malay mo may malakas na pang-amoy ang mga kawatan tapos gamitan ng kabra ang trunk. Eh 'di lalo akong minulto ni Ma'am Amanda kasi pinahiram na lang ako, hinayaan ko pang manakaw ang bag." He let out a frustrated groan. "Doon ka na lang kaya sa trunk, hmm? Bantayan mo na lang." Kumurap ito ng dalawang beses bago nag-peace sign. "Okay na pala ako dito, Sir hehe." Napailing siya. "Bilis-bilis magbago ng mood mo kahit kailan." Ngumisi lamang ito bago na umayos ng pagkakaupo. Hindi na rin naman ito kumibo pa. Neela busied herself with the kids. Inaaliw ang mga ito nang hindi mainip sa byahe. Their travel time lasted for about five hours. Sinalubong sila ng mga tauhan sa planta. Kinumusta ng mga ito ang dalawang bata na maliliit pa noong nakita ng mga ito. "Nayshumitchu po! Nayshumitchu!" Humawak si Esme sa kamay ni Neela. "This my mommy po!" Tinitigan ng mga tauhan si Neela bago nagtatakang tumingin kay Santiago. Tumikhim naman siya't binalingan si Neela. "Sumama kayo ng mga bata kina Karding. Dadalhin nila kayo sa resthouse. Mag-uusap lang kami nina Goyo," bilin niya. Tumango si Neela saka nito hinawakan ang kamay ng dalawang bata. Napasunod naman sila ng tingin dito habang papalayo ang tatlo kasama ang isa sa mga tauhan sa planta. "Ser, mukhang bata pa ho, ah?" si Goyo. Ang pinakapunong-abala sa planta. Santi sighed. "I just hired her so the kids will have someone to call mommy. What happened to Amanda had caused emotional stress to them. Ni hindi sila nagsasalita hanggang sa dumating si Neela." Tiningnan niya si Goyo. "She's a maid with a special duty to my kids. That's all." "Akala ko, Ser tuluyan ka nang nakausad." Bumuntonghininga ito. Tila nalungkot sa mga narinig mula sa kanya. "Pero malay mo naman, Ser magkaroon din ng puwang sa puso mo ang bagong pag-ibig." He nearly scoffed. Pagkatapos ng ginawa ni Amanda? No, thanks. Hindi na siya handang sumugal pa. Sapat na iyong isang beses na nabilog ang utak niya. Humugot si Santi ng malalim na hininga nang manikip ang kanyang dibdib. "Tingnan natin ang production area," pag-iiba niya ng usapan. They went to the biggest infrastructure in the area. Ininspeksyon niya ang machineries nila upang makita kung maayos ba ang production o kung mayroon nang kailangang palitan. Santiago doesn't like compromising the products to cut costs. It took decades to build the name of the Carbonel Brewery. Hindi niya iyon hahayaang masira sa isang iglap lamang. Nasa kalagitnaan ng pag-iinspeksyon sina Santi nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. He pulled it out from his pocket to see the message that he just received from an anonymous number. +63967*******: Nasaan na ang tapes, Santiago? Inip na inip na ko. Umigting ang kanyang panga bago niya sinagot ang text message. Alam na niya kung sino ang nagpadala ng mensahe. Kahit hindi niya isini-save ang number ay kabisado na niya iyon. Santiago: I'm still looking for the tapes. +63967*******: You have to hurry. You know I could take Esme and Tino easily once you fail to deliver the tapes on time. Huwag mo na akong paghintayin nang matagal. Hindi na ito sinagot ni Santi. Ibinulsa niyang muli ang kanyang phone saka siya nagpakawala ng marahas na buntonghininga. "Ayos ka lang ba, Sir?" nag-aalalang tanong ni Goyo nang marinig ang pagbuga niya ng hangin. Tumango lamang si Santi saka na nagpatuloy sa pag-iinspeksyon. He tried his best to focus but the last text message really bothered him. Mawala na ang lahat huwag lamang sina Esme at Tino. His life revolves around his kids. Hindi niya kakayanin oras na ang mga ito ang mawala sa kanya. Tinapos na lamang niya ang pag-iinspeksyon sa production area. He went to the rest house after and looked for his kids. Naabutan niya ang mga ito sa pinakamalaking silid. Mukhang tinutulungan ng mga ito si Neela na isalansan ang mga damit sa built-in cabinet nang mas madali nilang makuha ang mga iyon tuwing magbibihis. Esme lifted a piece of cloth. A faded black underwear with a hole on the back portion. Nakalabas na rin ang tila maluwag na garter kaya salubong ang mga kilay na tinitigan ni Esme iyon. "Mommy, hengkerchief po ito po?" Esme asked innocently. Napatingin sa bata si Neela. Nang makita ang hawak nito ay kaagad napaawang ang mga labi nito. Neela was about to say something when she noticed Santi's presence. Nagkatitigan silang dalawa kaya nagkaroon ng pagkakataon si Esme na tumakbo palapit kay Santi dala ang kaawa-awang underwear ng dalaga. "Daddy! What's this po? Endi nagsasagot si Mommy po, eh!" Napalunok si Santi nang makumpirma niyang underwear nga iyon ni Neela. Bakit naman kasi hindi bumibili ang dalaga kahit isandosenang pares lang? Nasusuot pa ba ang panty'ng iyon? Parang 'yon ang literal na malaglag basta kahit nakatayo lang ito. "Esme!" natatarantang tawag ni Neela sa bata saka ito patakbong lumapit. Hiyang-hiyang inagaw ni Neela ang panty, ngunit dahil may karupukan na ang tela ay tuluyang napunit ang underwear. Neela sighed. "Aapat na lang 'to, eh." Santi tried his best not to laugh or something. Tumikhim siya't pilit na pinagsalubong ang kanyang mga kilay. "Sino bang nagsabing pagtyagaan mo pa 'yan?" Sumimangot ito. "Ang mahal kaya ng panty ngayon, Sir. Dati tatlo bente may panty ka na. Ngayon, Diyos ko singkwenta isa!" He sighed. "May I remind you that I pay you one hundred thousand every month, hmm?" "Eh, kahit na, Sir." Nagkamot ito ng ulo. "Alangan naman hong unahin ko pa ang panty ko kaysa sa gastusin namin sa probinsya." Umiling si Santi. "You really have to understand that you need to put yourself first before you fill someone else's cup." Nalukot ang noo ni Neela. "Hindi ko naintindihan, Sir. Ano po ulit? Cup? Nauuhaw ka ba, Sir o gusto mo ng kape?" Santi grunted. "Wala." He pulled out his wallet and grabbed ten thousand pesos from it to give it to Neela. "There." Inilagay niya iyon sa palad ng dalaga. "Buy all the underwears you want. Pagpahingahin mo na 'yang mga luma mo at baka kusa pang malaglag 'yan." Neela pursed her lips. Maya-maya ay bumulong-bulong ito na tila may naisip na namang kalokohan. "Sus! Kapag sa'yo syempre kahit maganda ang garter, Sir baka malaglag pa rin." His brows furrowed. "You're saying something?" "Ay, wala po, Sir. Ang sabi ko po ititimpla ko kayo ng kape tapos ibibili rin kita ng brief mo, Sir 'yong matchy-matchy tayo hehe." Napailing na lamang si Santi. Wala siyang tiwala sa ngising iyon ng dalaga . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD