Kabanata 6

1619 Words
TUWANG-TUWANG pinanood ni Neela ang kahera na i-punch ang bawat underwear na binili niya. One of the workers in the plantation was generous enough to give him a ride to the nearest shopping mall. Tutal ay tinakot na siya ni Santiago na sesesantihin kung hindi niya ibibili ng panty ang ibinigay nitong pera ay nagpasama na siya sa tauhan. Neela chose the not so pricy but still comfortable underwears. Tinernuhan na rin niya ng bra, shorts at sando ang mga iyon tutal ay masyado namang malaki para sa isandosenang panty ang ibinigay ng boss niya. She also bought a dozen of the most expensive briefs in the store. Ngunit ang pinakagusto ni Neela sa mga binili niya ay iyong para sa mag-aama. She bought a simple shirt that would fit Santi's body just fine. It has a chinese collar and a set of buttons all the day down. Gustong-gusto niya kapag nakaputi ang lalake kaya iyon din ang kulay na pinili niya. Binilihan naman niya ng hair clips si Esme at kumportableng sando naman ang para kay Tino. "Six thousand seven hundred fifty po," anang kahera. Napangiti si Neela. Ayos, may sukli pa. Ibabalik niya iyon kay Santi mamaya. She paid the cashier and waited for her change. Nang makuha ang sukli at ang pinamili ay masaya siyang lumabas ng shopping center. Umayos ng tindig mula sa pagkakasandal sa kotse si Marcial. Ang binatang nagpresintang ipagmaneho siya. "Neela, ako na," saad nito bago inagaw ang bitbit niya. "Ay, hindi naman 'to mabigat." Ngumiti ang binata. "Ayos lang. Lagay ko na sa likod, ah?" Nahihiya siyang tumango. Ito rin ang nagbukas ng pinto para sa kanya na tila ba itinuturing siyang prinsesa. "Naku, kuya Marcial muchacha lang ako, ah? Hindi mo ako kailangang ipagbukas ng pinto," paalala niya nang pareho silang nakapasok ng sasakyan. Ngumisi ito. "Grabe ka naman sa kuya. Ilang taon ka na ba?" "Twenty two." "Oh, tingnan mo? Magkaedad lang tayo." Marcial started the engine. "Marcial na lang. Huwag nang kuya. Nakakapanibago at ako ang pinakabata sa plantasyon. Walang tumatawag ng kuya sa akin doon." She sighed. "Sige na nga." Marcial smiled. "Daan muna tayo ng palengke. Ililibre kita ng pagkain. May nagtitinda ro'n ng masarap na palabok. Mabilis lang tayo." Dahil natakam bigla ay pumayag na si Neela. Hindi naman siya nagsisi dahil unang subo pa lamang sa palabok ay nanuot na ang lasa ng pagkain sa kanyang bibig. "Masarap nga!" bulalas niya. "Sabi sa'yo, eh." Ipinagsalin siya nito ng coke sa baso nang hindi siya mahirapang uminom sa bote. "Kumusta ang trabaho kay Sir Santiago?" "Ayos naman. Masaya magtrabaho sa bahay niya." "Talaga? Ang tapang kasi ni Sir. Alerto kaming lahat kapag dumarating siya sa planta." Kumunot ang noo ni Neela. "Bakit naman? Oo, istrikto talaga si Sir pero hindi naman siya gano'n katapang." "Naku, Neela baka hindi mo pa siya nakikitang magalit. Dise-otso ako noong unang pumasok ako sa planta bilang tagalinis. Isang linggo pa lang ako, nakita ko na kung gaano kalupit si Sir Santiago. Muntik na nga akong hindi pumasok." Umayos ng upo si Neela. "Ano ba ang nangyari?" Sandaling nginuya ni Marcial ang pagkain sa bibig nito. "Hindi ko gaanong tanda ang nangyari pero ang naaalala ko, may ikinainis si Sir Santi. Tinutukan niya ng baril ang tauhang nakapagpainit ng ulo niya." Nanindig ang balahibo ni Neela. "S-Si Sir Santi? N-Nanutok ng baril?" Tumango ito. "Oo. Hindi naman lihim sa amin na may baril siya. May firing area nga siya sa pinakamalayong bahagi ng planta. Hindi ko lang inasahan na . . . itututok niya ang baril sa tauhan." Bumuntonghininga ito. "Basta, mag-iingat ka parati. Kahit kay Ma'am Amanda noon, medyo malupit si Sir Santi. Kaya siguro ginawa sa kanya 'yon ng asawa niya dahil pagod na sa ugali niya." Napalunok si Neela. "Ano ang alam mo tungkol kay Ma'am Amanda?" Bumuntonghininga ito. "Napakabait na maybahay ni Ma'am Amanda. Gustong-gusto namin 'yon kapag dumadalaw sa planta. Palaging nakikipagkwentuhan sa mga tauhan at hindi kami itinuturing na iba." "Bakit mo nasabing malupit si Sir Santi sa kanya?" "Ilang beses na kasi naming nahuli na nagtatalo sila. Bago mamatay si Ma'am Amanda, tinutukan siya ng baril ni Sir Santi sa sobrang galit ni Sir. Hindi namin alam kung ano bang naging mitsa ng pag-aaway nila pero may haka-haka na naghanap ng ibang lalake si Ma'am Amanda. Gusto nang hiwalayan si Sir kaya sila nag-away." Parang nanlamig yata si Neela sa narinig. Kung totoo man iyon, bigla yata siyang natakot kay Santi. Sarili nitong asawa nagawa nitong tutukan ng baril? Her conversation with Marcial was stuck in her mind until they got home. Nakatulala tuloy siya habang naglalakad papasok ng resthouse. "Mommy!" tawag ni Esme sa kanya. Humugot ng malalim na hininga si Neela saka niya pilit na nginitian ang bata. "Hello, baby ko." Her eyes slightly widened after she saw Santi walked out of the room. Salubong ang mga kilay nito habang nakatitig sa kanya. "What took you so long? The kids don't wanna eat lunch because they're waiting for you," seryoso nitong sabi. Hindi ito magawang tingnan ni Neela nang diretso sa mga mata. "A-Ano ho. K-Kumain pa ho kasi kami ni Marcial ng palabok." Lumunok siya. "P-Pasensya na po." As if Santi noticed how she's acting, he told his kids to go play while he takes Neela for a walk. Wala namang nagawa si Neela kun'di ang sumama sa amo kahit na nakararamdam siya ng takot. "Ano ang problema, Neela? Bakit parang may nagbago sa'yo?" he asked in a serious way. Sandaling nag-isip si Neela kung aaminin ba niya sa amo ang sinabi ni Marcial sa kanya o hindi. Natatakot siyang kung malaman nito ay malagot si Marcial. She sighed. "Sir Santi?" tawag niya. "Oh," sagot nito. Her shoulders dropped. "Totoo ho bang . . . tinutukan mo ng baril si Ma'am Amanda noong minsang nagtalo kayo?" Tumigil sa paghakbang si Santi. Ang noo nito ay nalukot at gumuhit ang iritasyon sa gwapo nitong mukha. "Did Marcial tell you about it?" Lumunok siya. "N-Nagtanong po ako sa kanya tungkol sa relasyon ninyo kay Ma'am Amanda. Sana ho huwag kayong magalit sa kanya-" "Why are you even asking about my relationship with my late wife, hmm? Ano ang dahilan mo para ipagtanong-tanong pa si Amanda?" naiinis nitong putol sa sinasabi niya. Umawang ang mga labi ni Neela ngunit nahirapan siyang sumagot. She had to tear away from his gaze and sigh before she was able to speak again. "Gusto lang po kitang mas maintindihan pa. Iyon lang ho ang . . . rason ko. Wala na pong iba." Santi heaved a sigh. "Sa akin ka magtatanong kung gano'n. Hindi 'yong kung sino ang hindi involved, doon ka didiretso. You are giving me the impression that you would rather hear their side of the story kaysa sa bersyon ko. If that's the case, then most likely I will assume that you are just looking for proofs of what you already assume about me." Umiling-iling ito. "Alam mo ba kung gaano karaming tao ang nagkaroon ng maling impresyon sa iba dahil lang sa kung ano ang narinig nila tungkol sa taong 'yon? A lot of people are being judged because the stupid ones only listen to one side of the story. Don't be one of those fools who make verdicts and think they already know everything after hearing one point of view." Napayuko si Neela. Hindi man niya naintindihan lahat ng sinabi nito ay sapat na ang tono nito para maramdaman niyang disappointed si Santi sa kanya. "Pasensya na po, Sir." He sighed. "Ano ang gusto mong malaman tungkol sa dati kong asawa, Neela? Ngayon ka magtanong at sasagot ako." Lumunok siya. "T-Tinutukan ho ba ninyo si Ma'am Amanda ng baril?" Santi shut his eyes for a moment before he spoke. "Sana hindi na ito makarating sa mga anak ko. Yes, I did because Amanda pointed it at me first while I was sleeping. Huwag na huwag mong ipaaalam kina Esme at Tino ang tungkol sa pagtutok niya ng baril sa akin. Wala akong pakialam kahit hindi alam nina Marcial kung ano ang pinagmulan ng nangyari, pero ang mga anak ko, hindi nila pwedeng malaman kung ano ang binalak gawin ni Amanda." Lumamlam ang mga mata ni Neela. "Bakit po? Hindi ka ba natatakot na sasama ang loob nila sa'yo kung hindi nila malalamang nauna kang tinutukan ni Ma'am Amanda?" Santi's eyes became gloomy. "My kids deserve to remember her as a good mother . . . even if she's always been far from that." Neela's forehead creased. "Ano ho ang . . . ibig ninyong sabihin, Sir?" Isang basag na ngiti ang lumandas sa mga labi ni Santi. "That b***h never loved me, Neela. She only had me fall for her traps for the sake of something important. Ngayon kung tama ang kutob kong nagkakagusto ka sa akin, itigil mo na ngayon pa lang. I don't think I will still be capable to fall in love and trust someone again the way I loved and trusted that woman. Ayaw kitang saktan kaya ngayon pa lang, itigil mo na kung ano man ang nararamdaman mo dahil sinisiguro kong wala 'yang kapupuntahan." Parang nilamutak ang puso ni Neela nang talikuran siya ni Santi. She watched him walk away while she remained on her spot, feeling the pain clawing her fragile heart. Suminghot siya't pinunasan ang namuong luha sa sulok ng kanyang mga mata nang tuluyang nakalayo si Santiago. "Hindi, Sir. Hindi ako titigil dahil kahit ganyan ang ugali mo, alam kong may karapatan kang makaramdam ng tunay na pagmamahal." She swallowed the lump in her throat. "Magmamahal ka ulit, Sir Santi . . . at sisiguraduhin kong sa akin mo mararamdaman 'yon . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD