"MOMMY, Esme nalang mi-shower po. Big na, eh. Big na?" pangungumbinsi ni Esme kay Neela nang natapos siya sa pagpapaligo sa kapatid nito.
Kumunot ang noo ni Neela. "Sigurado ka, baby?"
Esme nodded like a good girl she's always been. "Milunong na, Mommy eh."
Ewan ba ni Neela pero parang naging emosyonal siya. Siguro dahil noong unang beses niyang nakilala ang dalawang bata ay halos walang alam gawin ang mga ito. They couldn't even eat on their own. She basically taught them how to wear their clothes properly.
Hindi kasi nakikinig ang dalawa sa matandang katulong noon. Mailap din ang dalawa sa mga dumaang yaya sa mga ito at tanging si Neela lamang ang nakakuha ng loob ng dalawang bata.
Esme's eyes glistened with worry. "Mommy, Esme say somethin' wong?"
Suminghot si Neela. "Wala, baby. Naging emosyonal lang si Mommy Neela kasi po big girl ka na. Hindi pa yata ako ready."
Esme shrugged. "Hmm, okay! Endi na big gewrl Esme, Mommy!"
Mahina siyang natawa bago lumuhod upang yakapin ang paslit. Hinalikan din niya ito sa pisngi saka niya nginitian.
Esme and Tino will always have a special place in her heart. Siguro kahit na gaano siya katakot kay Santi kung hindi niya ito natutunang mahalin, mananatili pa rin siya bilang kasambahay nito dahil sa mga bata. They became very important parts of her life. Kaya para sa kanya ay karangalang naging bahagi rin siya ng buhay ng dalawang bata.
"Tatawagin mo ako kung kailangan mo ng help ko, ha? Dito lang ako sa labas ng pinto, baby," bilin niya kay Esme.
Tumangu-tango ang paslit. "Opo."
Esme walked inside. Sinilip naman ito ni Neela. She saw Esme opened the shower. The little girl even giggled when water starts to drip down her tiny body.
Napangiti na lamang si Neela bago niya binalingan si Tino na nakasuot pa ng maliit na roba. "Bihis ka na, baby habang naliligo si ate Esme."
Binuhat niya si Tino at inilagay sa kama. She then grabbed Tino's clothes and dressed the little boy. Sa kalagitnaan ng pag-aayos niya sa buhok ni Tino ay pumasok ng silid si Santiago.
Basa ng pawis ang asul na muscle tee habang ang buhok ay bagsak. May nakasabit ding tuwalya sa leeg nito habang nakapasak sa tainga ang airpods. Mukhang kagagaling lamang nito sa pagja-jogging sa plantasyon. Medyo nainggit tuloy si Neela. Buti pa ang mga trabahador ay napanood ito!
Napaawang ang mga labi ni Neela. Her sinful eyes watched her boss take off his airpods before he walked straight towards the built-in cabinet.
"Take the kids to the gazebo. We'll have breakfast outside," ani Santi habang kumukuha ito ng damit.
Wala sa sariling tumango si Neela habang pinapasadahan ng tingin ang gwapo niyang amo. Look at those biceps? Napaka-effortless ng pag-flex ng mga ito!
May ilang bagay pang sinabi si Santiago ngunit lutang na ang isip ni Neela. Kung saan-saan na siya nakarating. Na-imagine na niya ang pagdi-date nila, ang pagho-holding hands, ang kasal at ang . . . honeymoon!
Naramdaman niya ang pagkalabit ng maliit na daliri ni Tino ngunit talagang wala sa sarili si Neela. The little boy grabbed his tiny robe and then wiped Neela's face.
Nagbalik sa reyalidad si Neela. Binalingan niya ang bunsong anak ni Santiago. Doon niya lamang napagtantong tumulo na ang laway niya dahil sa maselang bagay na na-imagine. Diyos ko! Nakakahiya! Mabuti na lamang at si Tino lamang ang nakakita!
"Naintindihan mo ba lahat ng sinabi ko, Neela?" tanong ni Santiago bago siya binalingan.
Napalunok si Neela. "S-Sorry, Sir. A-Ano po ulit?"
Santi heaved a disappointed sigh. "I said one of our newest investors will visit the plantation so I need you to look after Tino and Esme while we discuss business matters. Pwede kayong maglakad-lakad sa planta mamaya pero huwag kayong pupunta malapit sa firing range." Tumaas ang kilay nito. "Got it?"
Neela gave him a thumb's up. "Kuha na, Sir. Thank you."
Tumango lamang ito saka na lumapit sa kanilang direksyon. Halos mahigit naman ni Neela ang kanyang hininga nang yumuko ito upang patakan ng halik ang ulo ni Tino. Naku, muntik na niya itong singhutin dahil kahit may pawis ay parang ang bango-bango pa rin! Pabango yata ang nilanguyan ni Santi noong ipinagbubuntis pa lang kaya ganito ito!
"Where's Esme?" tanong nito sa kanya.
Neela swallowed the pool of saliva in her mouth. "N-Naliligo na po. Oo tama, n-naliligo nga."
Kumunot nang husto ang noo ni Santi. "Bakit parang hindi ka sigurado, hmm?"
"S-Sigurado po, Sir. Ano lang . . ." Aksidente siyang napatingin sa mga labi nito. Napakagat-labi tuloy siya't nawala na naman sa wisyo kung hindi lamang pinitik ni Santi ang kanyang noo. "Aray ko," reklamo niya habang hinihimas ang noo niya.
"Focus, will you? Kung ano-ano na namang tumatakbo diyan sa isip mo, Neela."
Ngumuso siya. "Kasalanan mo naman kasi, Sir."
Napaangat ito ng kilay. "At paano ko naging kasalanang lutang ka na naman?"
Napakamot siya ng ulo kasabay ng kanyang pagbuntonghininga. "Ay, basta Sir. Huwag mo na akong tinatanong ng mga ganyang bagay at nai-stress po ako."
"Ikaw pa talaga ang na-stress?" Napailing ito. "I really don't know what else to do with you."
"Spank me, daddy na lang po," she murmured.
"What did you say?"
Uminit ang mukha ni Neela nang napagtanto ang kanyang nasabi. Diyos ko, sa rami naman kasi ng maiisip ay iyon pang sinabi ni Betchay sa kanya! Hindi yata talaga magandang impluwensya si Betchay. Masyado nang nagiging mahalay ang isang bahagi ng isip niya!
"Ay, wala, Sir. Ikaw, Sir ah? May mga naririnig ka nang hindi ko naririnig," biro niya saka pakunwaring pinalo ang dibdib nito kaya lang ang tigas naman pala no'n! Hindi niya tuloy alam kung hahagikgik siya o dadaing!
Santi sighed in a frustrated way. "I swear I'm about to bring you to a doctor. You're starting to make me worried," ani Santi saka ito nagpaalam sa anak na maliligo ito sa kabilang kwarto.
Neela's eyes blinked while her heartbeat doubled. Ano ang sabi nito? Worried ba? Nag-aalala na ito sa kanya? Hindi ba kapag nag-aalala ang isang tao ay importante ang taong inaalala nito?
Napalingon siya sa pintong nilabasan ni Santiago. Importante na siya sa kanyang amo? Iyon ba ang ibig nitong sabihin?
Para siyang kiti-kiting inasinan. Napapitlag tuloy si Tino na tila natakot dahil sa nangyari sa kanya.
"M-Mommy . . ." takot nitong tawag. Sakto namang lumabas ng banyo si Esme na nakabalot ng nakakapa sa sarili ang malaking tuwalya.
"Bakit, Tino? Skewd ka? May shpider?" inosenteng tanong ni Esme sa kapatid.
Namumutla namang itinuro ni Tino si Neela. "M-Mommy . . ." The little boy struggled to explain what happened. Ginaya na lamang tuloy siya nito't pinanginig ang sarili.
Esme gasped. "Tino, tawag mo si daddy! Natumbulsyon ang mommy!"
Neela blinked when Tino jumped down from the bed and ran towards the door. Tila ba takot na takot ito kaya nagmamadaling sinunod ang utos ng kapatid. Pagbalik nito ay hatak-hatak na si Santiago. He even demonstrated how Neela acted earlier!
"Daddy, natumbulsyon ang mommy po. Tingin mo, daddy may fevewr ang mommy!"
Santi looked at her and slightly quenched his eyes. "I'm pretty sure mommy is fine, Esme," ani Santiago sa anak ngunit hindi kumbinsido ang mga ito kaya bumuntonghinina si Santi saka ito naglakad palapit kay Neela.
Neela's eyes widened. Naestatwa siya sa kanyang pwesto at ang puso niya ay labis na nagwala nang hawakan ni Santiago ang kanyang noo upang pakiramdaman ang temperatura niya. Hindi niya yata kayang kontrolin ang kilig niya! Ano ba naman kasi itong si Santi! Lahat na lang yata ng gagawin nito ay ikakikilig niya!
Santi narrowed his eyes on her. "Do you feel sick?"
Neela swallowed her own saliva. "H-Hindi naman, Sir. A-Ano lang po. N-Naiihi ako kanina kaya napa-" Peke siyang nanginig. "Gets mo na 'yon, Sir."
Santiago shut his eyes and heaved a sigh as if he's getting really frustrated and stressed out again. "Wala na talaga akong masabi sa'yo, Neela. Nasa'yo na talaga lahat," he said before he walked out of the room.
Muling napakurap si Neela. Ano raw? Nasa kanya na ang lahat? Napatakbo siya patungo sa built-in cabinet. She hid inside and held her shirt to cover her lips as she screamed. Maya-maya ay narinig niya na lamang ang boses ni Esme na tila kausap nito ang nakababatang kapatid.
"Tino, nes time itawag nalang tayo kay Fathew Ben. Kawawa naman si Mommy nipasok na ng devil ang body niya. Isabi natin kay daddy mag-wear na ng wosary!"
Umawang ang mga labi ni Neela. Napagkamalan na yata siyang possessed ng mga anak-anakan niya!
She sighed. Oo sinasapian nga yata siya.
Sinasapian siya ng kaharutan dahil sa magaling na ama ng mga ito . . .