HAWAK ni Neela sa magkabilang kamay sina Tino at Esme. Nakasuot ng bucket hats ang dalawang bata at cute na cute sa ternong shorts at tee shirt. Napapangiti tuloy si Neela habang pinagmamasdan ang dalawa. Their innocence is so infectious that she couldn't help but be in a good mood as they take a walk around the plantation.
"Tino, look! Melong hmm . . ." Esme struggled to remember the right term. Tiningala nito si Neela nang nakakunot ang noo. "Mommy, ano na tawag ulet?"
Neela smiled. "Tandang, baby."
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Esme. "Ano Engwish, mommy?"
"Ah, alam ko 'to. Co–"
Napahinto siya nang maalalang medyo mahalay nga pala iyon. Although she's sure the kids don't know the other meaning of the word yet, ayaw niya pa ring sabihin.
"Ano, mommy po?" Esme asked, waiting for her answer.
Napahugot ng hininga si Neela. "Co—" Her eyes widened. "c**k-karaok ang tunog na ginagawa ng tandang. c**k-karaok!" she mimicked.
Humagikgik sila ng mga bata bago muling nagtanong si Esme.
"Ano Engwish, mommy ng cockwaok po?"
"Ano na nga kasing ibang English no'n?" she murmured to herself.
Kinapa niya ang kanyang bulsa. Nang mapagtantong naiwan niya iyon sa kwarto ay napakamot siya ng patilya.
"Ano yata, baby peaco—" She covered her lips immediately. "Ay, erase-erase. Diyos ko!" Bakit puro naman ganoon! Umabot na yata ng obaryo ang kilig niya kanina kaya iba na ang dating ng mga salita sa kanya!
Tino stared at her, also waiting for her answer. Napabuntonghininga na lamang tuloy siya bago muling hinawakan ang kamay ng mga bata.
"Sorry, mga baby ko. Hindi pa nakapag-refill ng talino si mommy Neela. Hanapin na lang natin ang daddy n'yo at itanong natin sa kanya, ha?" pangungumbinsi niya sa mga bata.
"Okay, mommy!" Esme answered in a cheerful way.
Muli silang nagpatuloy sa paglalakad para hanapin si Santi. Siguro naman ay libre na ito ngayon dahil ang sabi ni Marcial ay tapos na ang pagbisita ng investor sa production area.
Pagkalagpas sa tila malaking storage area ay natanaw nila si Santi sa may kubo malapit sa hilera ng mga puno ng niyog. Kaagad niya iyong itinuro sa mga bata saka nila binilisan ang kanilang lakad.
"Sir Santi!" tawag niya.
Santiago tilted his head. May kausap ito na hindi nila kaagad napansin dahil natatakpan ng katawan nito kanina.
Muntik na yatang mapahinto si Neela sa paghakbang nang makita ang babaeng nakaupo nang bahagya sa papag. She's smiling at Santi while there's a familiar glow in her eyes. The same glow that Neela sees in her eyes through the mirror whenever she thinks of Santi.
Napasimangot tuloy si Neela. Bakit dadalawa lang ang mga ito rito sa kubo?
"Oh my goodness, are these your kids? Hi! Oh, you guys are so adorable!" may lambing na tanong ng babaeng sa tingin ni Neela ay kaunti lamang ang tanda sa kanya.
Humugot ng hininga si Santi. "Yeah, this is Esme my first born and that's Santino my youngest." Tiningnan siya ni Santi. "That's Neela."
Tumikwas ang mga labi ni Neela. Iyon na 'yon? Neela lang? Wala bang pa-introduction nang maayos? Maktol niya sa kanyang isip.
The kids waved at the woman. Ngumiti naman ito at nagpakilala.
"Hello, Esme and Santino. I'm your Tita Beverlyn." Tumingin ito sa kanya. "Hi! You must be their nanny."
Pekeng ngumiti si Neela. "Mommy Neela. Oo, Mommy Neela. 'Yon po tawag nila sa'kin."
Santiago narrowed his eyes on her. Tila ba naaamoy nito ang pagseselos niya.
"Ah, that's cute." Hinampas nito nang magaan ang braso ni Santi. "Ikaw, ha. I didn't know na you let your kids call their nanny that way. That's very sweet of you."
Umusli ang mga labi ni Neela. Santiago gave her a warning look as if he wants her to behave. Kaya lang umiinit talaga ang ulo ni Neela dahil sa selos. Bakit naman kasi may paghampas pang gano'n?
Humugot ng hininga si Neela bago niya nginitian si Esme. "Baby, ano na ulit 'yong itatanong mo kay daddy?"
Esme turned her gaze to Santi. "Daddy, ano Engwish ng cockwaok po? 'Yong chandang po?"
Kumunot ang noo ni Santi. "c**k?"
Napasinghap si Neela. Para siyang nagka-mini heart attack kaya wala sa sarili niyang nilundag ang pagitan nila ni Santiago para matakpan ang bibig nito. Muntik tuloy itong mawalan ng balanse. Iniyakap nito ang isang braso sa kanyang baywang nang hindi sila parehong matumba dahil sa ginawa ni Neela.
"Sir! Ano ka ba naman?! Masamang word 'yon kaya nga hindi ko sinabi–"
Naputol ang sinasabi ni Neela nang mapagtantong nakalapat na ang katawan niya sa amo. Her body felt heated when she felt the thing hiding under his pants. Idagdag pang nakayapos sa kanya ang braso nito. Lalo tuloy uminit ang pakiramdam niya!
Nalunok niya ang sarili niyang laway habang matalim na nakatitig si Santiago sa kanya. Diyos ko! Tulog pa ang tandang sa loob ng pantalon nito pero bakit parang masakit nang manuka?!
Pinitik ni Santi ang noo niya. "Ang dumi-dumi ng isip mo," pabulong nitong sabi bago siya binitiwan at umayos ng tindig.
Ngumuso si Neela. Nanlalambot pa siya, eh. Bakit naman binitiwan siya kaagad?
"Are you okay, Santi?" may pag-aalalang tanong ni Beverlyn. Muntik na tuloy umirap si Neela noong hinawakan nito si Santi sa braso habang titig na titig sa mga mata nito.
"Yeah, I'm fine. Minsan lang talaga impulsive 'tong isang 'to." He looked at her, a bit annoyed with what she did. "There's nothing wrong with the word I said, Neela."
She sighed. "Basta, huwag 'yon, Sir. 'Yong isang English na lang no'n."
Napailing si Santi. "Rooster. There. Happy?"
Hindi, syempre. Nakahawak pa rito si Beverlyn, paano siya magiging happy?
Beverlyn giggled. "Ano ka ba, Santi. Hayaan mo na kung ayaw niya 'yong unang word na sinabi mo." Hinagod nito ang braso ni Santi habang may malanding ngiti sa mga labi. "Kahit naman ako ay iba ang naiisip sa salitang 'yon."
Halos umusok ang ilong ni Neela. Sa inis niya ay hinawakan niyang muli ang kamay ng dalawang bata saka sila nagmartsa paalis. Para siyang asawa na handang ilayo ang mga anak pagkatapos mahuling nagtataksil ang asawa. Feel na feel niya yata ngayon ang pagiging Jodi Sta. Maria niya!
"Neela," tawag ni Santi ngunit hindi na niya ito nilingon. Binuhat pa niya si Tino nang makalayo sila kaagad sa dalawa.
Esme looked at her. "Mommy, angwy sa daddy kasi may iba giwfwend si daddy po?"
Neela sighed. "Oo, baby. MU kami ngayon ng daddy mo," hindi na nag-isip niyang sagot sa bata.
"Ano MU mommy?" Esme asked with furrowed brows.
"Magkagalit Us." Umismid siya. "Huwag kang mag-alala, Esme. Bukas, luluhod din ang mga tala sa ating mag-iina."
Lalong nalukot ang noo ni Esme. "Endi miintindihan po, mommy."
She caressed Esme's hair. "Gano'n talaga, baby. Marami ka pang hindi naiintindihan bilang bata pero darating ang araw na maintindihan mo rin kung bakit kailangan kong gawin 'to. Kung bakit kailangan nating iwanan ang daddy n'yo."
Napakamot ng ulo si Esme. "Miiwan mommy kasi mag-walk pa, eh 'di ba?"
Humugot ng hininga si Neela nang mapagtanto kung ano bang kadramahan ang mga pinagsasabi niya. Nilingon niya na lamang din si Santi ngunit nang makitang naglalakad na ito palayo kasama si Beverlyn ay parang dinurog ng maso ang puso niya.
Neela pursed her lips when she realized that she's nothing compared to Beverlyn. Ano nga namang karapatan niyang magselos kung halos libag lamang siya nito?
Bumuntonghininga si Neela. Panahon na yata para magising siya sa masakit na katotohanan.
Sa katotohanang hinding-hindi siya ang magiging inahin sa tandang ni Santiago . .