DAHIL sa naramdamang selos kahapon ay naging mailap si Neela kay Santi. Hindi siya sumabay ng hapunan sa mag-aama. Hindi rin siya sumama noong nagtawag itong kumain ng almusal sa gazebo kinabukasan.
Not that she's being petty or something. Gusto na niyang tanggapin ang katotohanang langit ito at lupa siya. Na kahit kailan ay hindi niya maaabot ang klase ng babaeng nanaisin nitong bigyan ng espesyal na atensyon.
Maingat na umalis si Neela sa silid ng dalawang bata matapos niyang masigurong tulog na ang mga ito. The kids will probably have at least a couple of hours nap time. Pwede siyang lumabas at magmuni-muni habang tulog ang mga ito.
"Neela!" dinig niyang tawag ni Marcial nang makalabas siya ng rethouse.
She flashed an innocent smile at him. "Uy!" Tiningnan niya ang dala nitong isang piling ng mangga. "Ang dami niyan, ah?"
Ngumisi ito. "Tanim ko 'to." Pumitas ito ng isang piraso saka iyon ibinigay sa kanya. "Tikman mo. Matamis 'yan."
Saktong tinanggap ni Neela ang ibinigay na saging nang mapadaan sa kanilang harap sina Beverlyn at Santi. Hindi alam ni Neela kung bakit nandoon na naman ang dalaga sa planta. Ilang pag-i-inspect kaya ang kailangan nito?
Santiago's brows twitched after seeing her with Marcial. Tila ba pasimple siyang kinikwestyon kung bakit niya kasama ang tauhan nito.
"Grabe, nakakabilib ka talaga, Santi."
Pagalit na kinagat ni Neela ang saging nang marinig ang paghagikgik ni Beverlyn habang nakaangkla sa braso ni Santi. Napaka-obvious na kursunada nito ang amo niya. If Santi isn't doing anything about Beverlyn's hints then maybe he's also interested in her.
Lalong naging mariin ang bawat pagkagat ni Neela sa saging habang sinusundan niya ng tingin ang dalawa. Nakalimutan na rin niyang katabi niya nga pala si Marcial habang pagalit niyang kinakain ang ibinigay nitong saging.
"M-Malakas ka palang kumain ng saging, Neela p-pero huwag mong isasama ang balat."
Napatigil sa ginagawang pagalit na pagnguya si Neela nang marinig ang sinabi ni Marcial. She looked at the poor banana and realized that she had already bitten a part of its peel. Bigla tuloy siyang tinamaan ng hiya. Nagmukha siyang patay-gutom dahil sa pagseselos niya!
Her cheeks turned red as she shyly smiled. Sakto namang nilingon siya ni Santi kaya nakita nito ang pamumula niya. Santi shook his head as if he was disappointed at her. Napairap tuloy sa kawalan si Neela. Huwag nitong sabihing hinuhusgahan siya nito?
Tumikhim siya't pilit na ngumiti kay Marcial. "Sorry. Ang sarap kasi ng saging mo!"
Sinadya niyang lakasan ang kanyang boses nang marinig ni Santi. Peke rin siyang humagikgik kaya salubong ang mga kilay siyang tiningnang muli ng magaling niyang amo.
Marcial blushed. Napakamot pa ito ng batok na tila tinamaan nang husto ng hiya dahil sa sinabi niya.
"S-Saging lang, Neela. Huwag mo nang dagdagan ng ko. Parang iba kasi ang dating." Napahugot ito ng hininga. "Gusto mo pa ba?"
"Hmm? Ay, naku okay na ko. Solb na ko." Sinadya niya itong hawakan sa braso. "Pero masarap, Marcial. Nakain ko nga ang balat." Humagikgik siyang muli.
Pasimple niyang sinulyapan si Santi habang hawak niya sa braso si Marcial. Nakahinto na ito at ang anggulo ay natatanaw siya. She could see him slightly quenching his eyes while looking at her direction. Nakaigting din ang panga na tila napipikon sa kanya.
Marcial smiled. "Marami pa kong tanim na kung anu-ano. Sayang kasi ang ibang bahagi ng lupa. Gusto mo bang sumama sa nursery ko rito sa planta?"
Tumango siya. "Sige, tara. Tulog pa naman ang mga alaga ko."
Palakad na sila ni Marcial upang puntahan ang sinasabi nitong nursery nang magpaalam si Santiago kina Beverlyn at sa supervisor ng planta. Neela could feel her boss storming towards her direction. Mangani-ngani niya tuloy doblehin ang hakbang niya kaya lang ay tinawag na siya nito.
"Neela." Mariin ang pagkakasambit ni Santiago sa kanyang pangalan. Halos mapalunok tuloy siya.
She paused and looked at him despite her knees getting a little wobbly. "Po, Sir? Ano hong maipaglilingkod ko?"
Nagsalubong nang husto ang noo ni Santiago. Tila nawirduhan sa kanyang sinabi. "The hell is wrong with you?"
"Hmm? Ano ho?" patay-malisya niyang tanong.
Santiago sighed. Halatang naiirita na sa kanyang asta. Bumaling na lamang din ito kay Marcial at inutusan itong iwanan muna silang dalawa.
Gusto sanang pigilan ni Neela si Marcial kaya lang ay mukhang takot ito kay Santi. Wala tuloy siyang nagawa nang magmartsa ang binata palayo sa kanilang dalawa.
Santiago folded his arms in front of his chest. "Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka sumabay ng kain kagabi. Pati kanina ay hindi ka rin sumabay. Now you're acting weird. Ano ba ang problema mo at nagkakaganyan ka?"
"Po? Ay naku, wala po, Sir. Okay na okay po ako. Hindi naman ako required na sumabay ng kain sa inyo, Sir eh. Hindi ko naman hawak ang kaldero." Peke siyang ngumisi't may pag-beautiful eyes pang nalalaman. "'Di ba, Sir?"
Lalong naging matabang ang ekspresyong nakapinta sa gwapong mukha ni Santi. "Are you f*****g jealous with Beverlyn?"
Her heart pounced. English 'yon pero na-gets niya dahil lagi niya iyong naririnig sa mga telenovela. Teka, ano bang pakialam nito kung nagseselos siya?
Tumikhim si Neela. "Hindi po, Sir—"
"Dapat lang," putol nito sa kanyang sinasabi.
Parang nilamutak ang puso ni Neela. "P-Po?"
Dapat lang na hindi siya magselos kasi wala siyang karapatan? Dapat lang dahil muchacha lang naman siya nito? O dapat lang kasi hinding-hindi sila magkakaroon ng espesyal na pagtitinginan kaya ngayon pa lang ay hindi na siya dapat nagseselos sa babaeng posible nitong magustuhan? Alin ba roon?
Santiago inhaled a sharp breath. "Dapat lang na hindi ka magselos. Beverlyn is an investor. Business ang ipinunta no'ng tao rito kaya hindi magandang binibigyan mo ng ibang kahulugan ang pag-uusap namin."
Lumunok siya't umiwas ng tingin. "O-Okay po."
"I don't wanna see you pouting your lips again whenever she's around, you heard me?"
Hindi siya nakakibo. Hindi naman kasi niya gaanong naintindihan kaya lang akala yata ni Santi ay dinamdam niya ang sinabi nito.
Santiago sighed. "Look at me, Neela."
Malamlam ang mga mata niya itong tiningala. "Ayan na po," mahina ang boses niyang sabi.
He heaved another sigh. "Magbihis ka ng mas kumportableng damit at isasama kita sa firing range habang tulog ang mga bata."
Napakurap siya. "B-Bakit po, Sir? Ano hong . . . gagawin natin do'n?"
"I'll teach you how to hold a gun."
Neela swallowed her own saliva. "M-Malaking b-baril ho ba 'yong ipapahawak ninyo?" Naku, ano bang tanong iyon?!
Napitik ni Santi ang noo niya. "Kung ano-ano na namang naiisip mo. Kapag hindi ka tumigil, ibang baril talaga ang mahahawakan mo nang madala ka."
Neela pursed her lips as she turned her back on Santi so she could hide her blushing cheeks. Napaipit pa siya ng buhok sa tainga saka siya humakbang pabalik ng rest house.
Parang mas gusto yata niya iyong "ibang" baril na sinabi nito . . .
"Neela," tawag muli ni Santi.
Nilingon niya ito. "Po?"
He sighed. "Tigilan mo kung ano man 'yang naiisip mo bago kita kaladkarin papunta ng simbahan."
Kumabog ang dibdib ni Neela. Simbahan? Pakakasalan ba siya nito?
She looked away and ran towards the house. Ngunit nang mag-sink in sa kanyang isip kung ano ang isa pang posibleng dahilan kung bakit iyon sinabi ni Santi ay napasimangot siya.
Sa inis niya'y muli siyang nagmartsa palabas upang balikan ang boss niya.
"Hoy, Sir! Grabe ka naman kung iniisip mong kailangan ko ng exercise!" asik niya.
Nalukot ang noo ni Santi. "What?"
Nagpamaywang siya. "Sabi mo dadalhin mo ko ng simbahan! Iniisip mong kailangan ko ng exercise!"
"Exercise? What do you–" Napasimangot si Santi kasabay ng pagbuntonghininga nang siguro ay napagtanto nito kung anong ibig niyang sabihin. "Exorcise, Neela. Not exercise." Nahilot nito ang sintido. "God, Neela."
Beverlyn laughed. "Oh my goodness, she meant exorcise. Akala ko tuloy natatabaan ka sa kanya, Santi."
Ewan ba ni Neela pero parang nasaktan siya sa pagtawa ni Beverlyn. Nanubig ang mga mata niya't para siyang nanliit. Malay ba niyang mali pala, eh isang letra lang naman ang diperensya? Kung makatawa naman ito ay parang ang bobo niya.
Neela was about to leave to save herself from humiliation when Santiago grabbed her hand and dragged her towards Beverlyn. Naanod siya ng malalaki nitong hakbang kaya kahit nahihiya siya ay hindi siya nakatanggi.
"Apologize to Neela," Santiago said with firmness. Napaangat tuloy ng tingin si Neela kay Santi.
Bakas sa gwapo nitong mukha ang pagkapikon. Tila ba hindi siya nito hahayaang umalis hangga't hindi nagso-sorry sa kanya si Beverlyn.
Beverlyn's laughter faded. "Excuse me?"
Napalunok si Neela. "S-Sir Santi, huwag na okay lang–"
"It is not okay," putol ni Santi sa sinasabi niya. "Either she will apologize or she could leave."
Beverlyn scoffed. "Are you serious?"
"Neela is important to my kids. She's young, a pain in the ass sometimes, but you have no right to make fun of her especially when you don't even know her so either you will apologize to her or my men will show you out."
Beverlyn sighed. "Fine. I'm sorry," pagalit nitong sabi bago nagmartsa paalis.
Napayuko na lamang si Neela at napatitig sa kamay ni Santi na nakahawak sa kanyang braso. Bumuntonghininga naman si Santiago bago nito hinawakan ang kanyang baba upang patingalain siya.
"Listen to me. I don't care if you're causing me a lot of headaches pero oras na may mangmaliit ulit sa'yo, tatakbo ka sa akin at sasabihin mo kung ano ang ginawa sa'yo. Naintindihan mo ba ko, Neela?" seryoso nitong tanong.
Neela's eyes watered as she felt his genuine care and concern. Wala tuloy siya sa sariling napayakap kay Santi kasabay ng kanyang paghikbi.
"Salamat, Sir." She sobbed. "Salamat po."
Santi sighed before tapping her on her back. "Hangga't nasa poder kita, walang pwedeng tumarantado sa'yo. Tatandaan mo 'yan . . ."