TAHIMIK na sumabay sa lakad ni Santi si Neela. Ang sabi nito sa kanya ay pupunta sila sa firing range upang matuto siyang humawak ng baril. Hindi niya alam kung bakit kailangan niya iyong matutunan kaya naman tumikhim siya't binasag ang katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa.
"Sir?" tawag niya.
Good mood na siya ngayon dahil sa pagtatanggol nito kanina sa kanya. She realized that Santi cares. Siguro kahit hindi siya magustuhan nito sa paraang nais niya ay ayos na rin itong ganito. Iyong alam niyang may pakialam ito sa kanya.
"What is it?" Santi asked before glancing at her.
"Uhm, bakit po kailangan kong matutong gumamit ng baril?"
She watched how Santi moistened his lower lip. "For security purposes."
Kumunot ang noo niya. "Gagawin mo na ba kong bodyguard, Sir?"
"No." Santi sighed. "Ibig kong sabihin para sa proteksyon mo. I wanna make sure that in times of danger, you will be able to protect yourself. Para kung malagay ka sa alanganin ay maipagtatanggol mo ang sarili mo."
Sarili lang niya? Akala niya ay para iyon sa mga bata.
"Ah." Nagkamot siya ng likod ng tainga. "Kaso parang nakakatakot naman 'yon, Sir."
"Takot ka dahil hindi mo pa nasubukan. Mas matakot ka kung may papatay sa'yo tapos hindi mo kayang protektahan ang sarili mo. Matigas pa naman ang ulo mo. Hindi ka palaging sumusunod kapag sinabi kong huwag kang basta lang nakikipagkaibigan," seryoso nitong sagot.
Bahagyang tumikwas ang mga labi ni Neela. "Si Sir kamo." She sighed. "Pero akala ko po tuturuan mo ko para kung lokohin ako ng magiging boyfriend ko ay pwede kong takutin," biro niya.
Santi lifted a brow. "That could be another reason. Why? Someone's courting you already? Si Marcial ba?"
"Huy!" She laughed. Naitulak pa niya ito. "Si Sir malisyoso."
He scoffed. "At ako pa ang malisyoso sa ating dalawa? Hindi ba ay ikaw itong kung anu-ano ang inisip sa amin ni Beverlyn?"
She pouted. "Eh, binigyan niya ako ng rason, Sir para mag-isip nang gano'n."
Tinaasan siya nitong muli ng kilay. "Kayo rin naman ni Marcial. Sa sobrang appreciative mo, pati balat ng saging na bigay niya ay kinain mo."
Uminit ang pisngi ni Neela. Nakakainis! Nakita pala iyon ni Santiago!
She lowered her head. "Hindi ko naman sinadya 'yon, Sir. Naasar lang ako kasi kung makalingkis si Miss Beverlyn sa braso mo . . ." Nakasimangot niyang sinulyapan ang braso ni Santi. "Akala mo diyan siya kumukuha ng lakas para humakbang."
Bumuntonghininga si Santiago. "She's just an investor."
"Oo na, Sir. Gets ko na po ngayon."
Hindi na kumibo pa si Santi. Nang marating nila ang firing range ay lumapit ito sa mesang naroroon. There are pieces of a handgun on the table. May tila headphones din at iyong salamin sa mata.
"Come here," tawag nito.
Lumapit si Neela. She watched how Santi put the pieces together while he's explaining everything to her. Noong naipaliwanag sa kanya ay muling kinalas ni Santi ang baril.
"Try it," utos nito.
Sandaling nagkamot ng sentido si Neela. "Ito muna po, 'di ba?"
Santi jerked his head. Pinanood lamang siya nito. Saka lamang magsasalit kung mali siya ng nadadampot. Nang tuluyan niyang nabuo ang baril ay kinuha nito ang headphones at salamin. He held her by her shoulder and made her face him.
Nagwala nang husto ang dibdib ni Neela nang hawiin ni Santi ang kanyang buhok patungo sa likod ng kanyang tainga. Seryosong-seryoso ito habang isinusuot sa kanya ang safety goggles. Para naman siyang nasa alapaap at titig na titig lamang sa mga labi nitong nakaisang linya.
"Alright. Face that way." Santi slightly pushed her to face the target. He then put on her headphones before he stood behind her.
Nahigit ni Neela ang kanyang hininga nang hawakan ni Santi ang magkabila niyang kamay. He helped her hold the gun in the right position while his head was on the same level as hers.
God, her skin felt hot underneath. Tila may apoy na sumindi sa pagitan ng kanyang mga hita dahil sa pagtama ng mabangong hininga ni Santi sa kanyang pisngi. Paano ay imbes sa target ang tutok ng mga mata niya ay sa mukha nito.
Santi tilted his head to look at her. Their eyes met for a couple of seconds before his gaze drifted down her parted lips.
Napansin niyang namungay ang mga mata ni Santi. Ilang segundo rin itong hindi nakakilos na tila sandaling nawala sa sarili.
Ano kaya ang naiisip nito? Gusto rin kaya siya nitong halikan gaya ng nais niya?
Her gaze shifted towards his lips. Mariin na iyong magkalapat na tila nagpipigil ito ng sarili.
Lumunok si Neela't nauna nang umiwas ng tingin dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang mga obaryo niya. Nakakainis! Iyon lang naman ang ginawa nila pero feeling niya mabubuntis na siya!
Santiago heaved a sigh. Maya-maya ay tuluyan siya nitong hinayaang paputukin ang baril. Kabado siyang tumitig sa target hindi lang dahil unang beses niya iyong gagawin kun'di dahil nakaalalay pa rin si Santi sa kanya. She's literally locked up between his arms right now, making the butterflies in her belly go gaga!
"Now," utos ni Santi.
Neela pulled the trigger but her eyes squeezed shut. Hindi na siya umasang tatama ang bala sa target ngunit maya-maya ay bigla na lamang inalis ni Santi ang headphones niya.
"Now that's a deadly shot," halata ang pagka-proud sa tinig nito.
Unti-unting iminulat ni Neela ang kanyang mga mata. Nang makita niyang naka-headshot pala siya ay halos mapalundag siya. She forgot about her real relationship with Santi. Paano ay napayakap siya rito dala ng labis na saya.
"Ang galing ko! Ang galing ko, nakita mo-"
Naputol ang sinasabi niya nang mapansing nakatitig si Santi sa kanyang mga labi. Doon niya lang din na-realize na nakalapat na pala nang husto ang dibdib niya sa katawan ni Santi. His hands were on her waist while her arms were on his nape. Sobrang lapit na rin ng kanilang mga mukha kaya halos maestatwa si Neela.
Santi drew in a sharp breath before he met her gaze. "Good job. Maybe you can be my bodyguard, too hmm?"
Neela thought about something for a second. Siguro dapat hindi niya na sinasayang ang mga pagkakataon para kunin ang loob nito. Maybe she should stop being afraid and start working her way to his heart. Kasi baka hindi lang si Beverlyn ang nag-iisang susubok na makuha ang loob nito.
She inhaled deeply then smiled while she remembers everything Betchay had taught her.
"Hanggang bodyguard lang po, Sir?" she asked while gently massaging his nape.
His brow shot up. "Why? You wanna do something else for me, Neela?"
She swallowed her inhibition and stared at his sexy lips. "Pwede ring . . . kasama mo sa gabi, Sir kapag . . . nalulungkot ka."
Umigting ang panga ni Santi. "Are you suggesting that we should f**k?"
Lumagabog ang dibdib ni Neela ngunit imbes na magpatalo sa hiya at takot ay humugot siya ng hininga't nilabanan ang titig ni Santi.
"Gusto kita, Sir Santi. Hindi ako umaasang magugustuhan mo rin ako pero kung . . . kailangan mo ng babae sa gabi, a-ako na lang kaysa i-iba." She swallowed. "A-Ako na lang kahit w-wala tayong maging r-relasyon . . ."
Santi's expression darkened. Binitiwan siya nito saka ito tumalikod. Neela felt ashamed all of a sudden. Uminit nang husto ang kanyang mukha sa pag-aakalang nadismaya ito sa kanya. Ano ba kasing pumasok sa kokote niya at sinabi niya iyon?
Nadinig niya ang pagbuntonghininga ni Santi. Maya-maya ay muli itong tumingin sa kanya habang seryosong-seryoso ang ekspresyon.
"My kids will not find out about this. Got it?"
Napakurap si Neela. "P-Po?"
"I said they will not find out about this agreement."
Neela swallowed hard. "H-Hindi."
"Good." He sighed then licked his lower lip. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi. Ang mga mata nito ay namumungay habang titig na titig sa kanyang mga labi. "Just so you know, I f**k hard. Baka bukas ay magsisi ka na."
Nangangatog ang mga tuhod na umiling si Neela. "G-Gusto kitang . . . mapasaya. Hinding-hindi ako m-magsisisi."
His eyes went a shade darker as he touched her lower lip with his thumb. "I'll meet you in my room tonight then . . ." He lowered his head to whisper to her ear. "Make sure you'll have your strength . . ."