DAHIL naging abala na ang mga bata sa pakikipagkwentuhan kay don Amir ay isinama ni Santi si Neela sa buffet table.
"Eat whatever you want. I'll just make a phone call," bilin ni Santi kay Neela.
Tumango siya. "Sige po, Sir."
Santi let go of her arm. Pinanood niya itong maglakad palayo habang hawak ang mamahaling cellphone. Kanina pa niya ito napapansing aligaga. Para bang may gumugulo sa isip nito kaya halos hindi napapakali.
Yes, Santi looks calm while talking to everyone who approaches him but there was something in his eyes that seems like only Neela could notice. Kung ano iyon ay hindi niya matukoy.
Bumuntonghininga na lamang siya't nagsimula nang kumuha ng pagkain. Don Amir wants the fiesta type but only a few of the guests actually comes to the buffet table to pick their foods on their own. Karamihan ay nag-uutos lamang sa mga waiter palibhasa'y masyadong mga sopistikada.
"Hey, Neela," bati ng kapatid ni Santi sa kanya na si Antonio.
Pilit na ngumiti si Neela. "Magandang gabi po, Sir Antonio."
He grunted. Halatang marami-rami na ring nainom dahil namumula na ang magkabilang pisngi. Ito ang pinakabata sa magkakapatid. Una niya itong nakilala noong kaarawan ni Tino. Hindi niya ito makalilimutan dahil niregaluhan nito ng komodo dragon si Tino. Santi was so angry at him that day kaya pinalayas ito sa party pati na ang regalo nito.
"You're too formal. Nio na lang." He smirked. "You look great in your dress. Nakita ka na ba ni Rome?"
Tumango si Neela. Oh, she knows that Rome and Nio have always been the flirty ones among the Carbonela brothers while Martinez and Santiago are the most hardworking. Competitive din si Martinez ayon kay Santi kaya hindi nito nakakasundo.
Although Rome and Nio give off the same vibe, Nio is, well, the least interested in running a business. Ang alam ni Neela ay walang ibang ginagawa si Nio kun'di maglustay ng pera sa mga babae nito. Rome may be a flirt but he helps in their businesses a lot. Hindi gaya ni Nio na puro raw sakit ng ulo ang idinala sa kanilang Papa.
"Nakita na po, Sir Nio." She awkwardly showed her plate. "Kain po tayo."
"Sige lang." Nagpamulsa ito habang hawak sa isa pang kamay ang baso ng champagne. "Kumusta ang pagtatrabaho sa kapatid ko? Napapagod ka na ba?"
Umiling siya. "Hindi po. Masaya naman po ako sa trabaho ko."
Umismid ito. Para bang hindi naniniwala sa kanya. "You know, ikaw lang ang tumagal sa kapatid ko. He's always been the most grumpy among us. Most maids your age? They beg me to hire them instead."
Nahihiya siyang ngumiti. "H-Hindi ko gaanong gets, Sir Nio."
Napakamot ito ng patilya ngunit hindi niya naman nararamdamang hinuhusgahan siya nito. "How do I say this? Uh, 'yong mga kaedaran mong kasambahay, mas gusto nilang magtrabaho sa akin. You know? I'm more fun."
Napatangu-tango siya. "Ayos lang naman po ako kay Sir Santi. Madali lang naman din po ang trabaho ko saka masaya po akong manilbihan sa kanya at sa mga anak niya."
Nio moistened his lower lip. "Kung sabagay, mas madali na nga lang ngayon dahil si kuya na lang naman ang kasama mo sa bahay at ang mga bata. If Amanda was still there? Oh, boy. Baka hindi ka tumagal ng isang linggo."
Napakunot ng noo si Neela. "Ano pong ibig n'yong sabihin?"
"Amanda is a total pain in the ass. Ilang beses nang nahuli ni kuya na nag-eespiya sa data ng mga negosyong hawak niya. Hihingi ng tawad pero uulit pa rin. Kapag nakakainom ay pinag-iinitan ang mga katulong. Pinagbibintangan ang mga katulong na ninanakawan siya ng alahas. I don't really know why my brother put up with her."
"Diyos ko, bakit naman po niya ginagawa 'yon?"
Nagkibit-balikat si Nio. "Ewan. She used to be very competitive in the business world, you know? Sadly, since she's a woman, her father wouldn't let her inherit their businesses kahit mahusay. She wanted a place in our company pero hindi pumayag si Papa. Kuya promised her na kung mamana niya ang negosyo ay saka bibigyan si Amanda ng posisyon pero hindi na nangyari. Their marriage began to falter until she had the accident."
Napalunok si Neela. "At iniisip po ng mga tao na pinapatay ni Sir Santi ang sarili niyang asawa kasi hindi na maganda ang pagsasama nila?"
"Yup." Nio sighed. "Kaya ayokong mag-asawa." Sumimsim ito sa hawak na alak. Nang may natanaw ay piniga nito ang balikat niya. "I'll just talk to someone. You enjoy your food, babe."
Bumuntonghininga si Neela habang nakatitig sa kanyang plato. Parang nawalan na siya ng ganang kumain kaya ibinigay na lamang niya ulit ang plato sa staff.
She looked for the powder room instead. Ngunit nang mapadpad sa loob ng mansyon ay naaninag niya si Santi na nasa bahaging walang tao. Nakatalikod ito sa kanya at tila may kausap sa cellphone.
She didn't mean to eavesdrop but she couldn't help it after she felt the frustration in Santi's voice. Nakasabunot na rin ang isang kamay nito sa buhok habang malalim ang bawat hugot ng hininga.
"I said give me some more time. Hindi naman madali 'tong pinatatrabaho mo--damn it! No, you can't do that to them! You can't do this to us! What the f**k is wrong with you?! Hindi pa ba sapat ang mga kalokohang ginawa mo?!" pabulong ngunit halata ang galit sa boses nitong sabi sa kausap.
Napasinghap si Neela nang ihagis ni Santi ang cellphone nito saka nito sinuntok ang pader dala ng sobrang galit.
Pinangunahan si Neela ng pag-aalala. She rushed towards Santi and held his bleeding fist. Salubong naman ang mga kilay siyang tinitigan ni Santi. Tila nagtataka na naroroon siya.
"What the hell are you doing here? Nakikinig ka ba sa'kin?" seryoso at halatang galit nitong tanong.
Neela swallowed her pool of saliva while dodging his gaze. "H-Hindi po. Nakita lang kitang binato ang phone mo at sinuntok ang pader. N-Nag-alala lang ako kaya lumapit ako." Lakas-loob siyang nag-angat ng tingin kay Santi. "May . . . problema po ba?"
Santi's expression softened as if he was touched because of the concern he's seeing in Neela's eyes. Bumuntonghininga ito saka sandaling ihinilamos ang palad sa mukha.
"I'm sorry. I'm just really stressed out right now." Inalis nito ang pagkakabutones ng unang dalawang butones ng suot na polo. "You can go back out there and eat."
Umiling siya. "Gamutin ko muna ang sugat mo."
"Neela . . ."
"Hindi ko alam kung ano po bang problema mo, Sir Santi pero nasaktan ka at may pakialam ako sa'yo kahit na katulong lang ang tingin mo sa'kin kaya mas mabuti pang sabihin mo na lang kung nasaan ang first-aid kit kasi hindi kita titigilan hangga't hindi natin 'to nalalagyan ng benda," lakas-loob niyang sabi habang nakikipagtitigan sa amo.
Santi stared at her for a couple of seconds before he sighed. Maya-maya ay napansin niyang unti-unting umaliwalas ang gwapo nitong mukha.
"Ang tigas talaga ng ulo mo." He sighed. "Let's go upstairs."
"Nandoon ang first-aid kit?" nagtataka niyang tanong.
"No, but my old room is up there." He moistened his lower lip. "I could really use a quickie to release some stress . . ."