Kabanata 15

1620 Words
"KAILANGAN po ba talagang kasama ako, Sir?" tanong ni Neela kay Santi habang ina-adjust niya ang skirt ng hapit na dress. She feels uncomfortable with the beige off-shoulder dress that Santi bought for her to wear at his father's birthday party. Nahihirapan siyang gumalaw dahil may kaiklian ang damit. Kaunting kilos lang ay umaangat na naman. Kahit iyong heels na hindi naman ganoon kataas ay nahihirapan siyang ilakad. "Yes. I need you to look after Tino and Esme. A lot of investors will be attending the party so I'll be very busy," ani Santi bago nito dinampot ang coat na nakapatong sa sandalan ng silya. "Let's go." Wala na siyang nagawa pa. She held Esme on her hand while Santi carried Tino to the car. They secured the kids on the backseat before they went to the seats in the front. Habang nasa byahe ay naalala ni Neela si Marcial. Hindi na niya natanong kung totoong kinuhanan siya nito ng video o larawan dahil umalis ito kaagad. She's been meaning to tell it to Santi. Kaya lang ay halatang busy pa ito. The car pulled up in front of a large mansion in an exclusive village. May tauhang nagbukas ng pinto para sa kanya bago nito kinuha ang susi mula kay Santi. "Don Amir is waiting inside, Sir," anang tauhan. "Are my brothers inside?" tanong ni Santi sa tauhang tumanggap ng susi. "Yes, Sir except for Sir Romano. He's on his way." Marahan na lamang na tumango si Santi bago ito tumingin kay Neela. "Let's get inside." Neela felt more uncomfortable. Puro sopistikadang tao ang nadaraanan nila. Lahat ay binabati si Santi at ang mga bata. She felt invisible despite her wearing an expensive dress. Tila ba isang tingin lamang sa kanya ay alam na ng mga itong hindi siya kabilang sa mundong ginagalawan ni Santi. "Ito na ba ang mga anak mo kay Amanda, Santi? They're growing up so fast!" puna ng may edad na babaeng may mga dyamanteng suot. Santi shook hands with them. "Yes, this is Santino and this is my first born, Smyralda." He looked at her. "This is Neela." The old lady just took one uninterested glance at her before she diverted the topic towards Santi's kids. Napunta rin sa muling pag-aasawa ang usapan. They spoke in English so Neela couldn't understand everything. Somehow, Neela felt excluded despite no one directly telling her that she doesn't belong to the world of elites. Naroon lamang siya kasi kailangang may mag-alaga sa mga bata. She didn't come to the party to socialize like the others. Nakasuot man siya ng mamahalin ay hindi na ibig sabihin ay kalebel na niya ang mga ito. The realization made her shrink. She stood there with her head low while Santi conversed with the couple. "You should meet Atty. Ortega's daughter. She's a very intelligent girl. She just passed the Bar. You, two will make a really great couple," anang lalakeng kausap ni Santi. "Honey, didn't you hear about the rumors? Disgrasyada ang anak ni Atty. Ortega. I'm sure there's still a lot of bachelorettes who would fill Amanda's place. After all, si Santiago itong pinag-uusapan natin. He deserves a fierce and classy woman. Hindi iyong disgrasyada o kaya ay hindi naman galing sa maayos na pamilya. You have to be careful, Santi. A lot of women will surely try to seduce you for your riches," sagot ng babae bago sumulyap kay Neela. Napaiwas ng tingin si Neela. Hindi niya alam kung bakit siya kailangang tapunan ng tingin pagkatapos iyong sabihin ng matandang babae. She didn't even understand what the old lady had said. Pero kahit na ganoon ay parang lalo siyang nanliit. Santi heaved a sigh. "Thank you for reminding me. Anyway, I have to bring my kids to Dad. He's waiting for them." Nakayuko na lamang na bumuntot si Neela kina Santi. She made sure not to give anyone another reason to throw a glance at her. Halos magtago na nga siya sa likod ni Santi dahil pakiramdam niya ay hinuhusgahan siya ng bawat matang nakatingin sa kanya. "Lolo!" tawag ni Esme nang marating ang pwesto ng matandang Carbonel. Santi let go of Esme and Tino's hands. The kids rushed to their grandfather and gave the old man some hugs. Tuwang-tuwa ang mga ito na makita ang lolo. Naroon din ang dalawa sa tatlong kapatid ni Santi. Neela just stood in a corner while the family talked about business. Hindi rin naman niya naiintindihan ang mga usapan kaya nang maabala sina Esme at Tino sa bagong dating na si Rome ay nagpaalam si Neela na hahanapin ang banyo. No, she didn't want to go to the restroom. She just wanted to sit because she feels uncomfortable with her shoes and the dress she's wearing. Pumwesto siya roon sa bahagi ng hardin na walang gaanong tao. She sat on a steel bench and then removed her shoes. Neela let out a sigh of relief while massaging her ankles. Napasara pa siya ng mga mata kaya hindi kaagad niya napansin ang paglapit ng kung sino sa kanyang pwesto. "Masyadong maigsi ang suot mo," anang seryosong tinig ni Don Amir. Napamulat si Neela. "S-Sir . . ." Nahihiya siyang tumayo habang hawak ang heels niya. "P-Pasensya na po. Ganito ho yata talaga ang estilo." The old man sighed. "Si Santiago ba ang nagpasuot sa iyo niyan?" She swallowed the pool of saliva in her mouth. "O-Opo, Sir pero nagmagandang-loob lang po-" The old man gestured his hand as if stopping her. Maya-maya ay naupo ito sa bench saka siya sinenyasang tumabi rito. "Hindi mo kailangang linisin ang pangalan ni Santiago dahil nagtatanong lang naman ako. Maupo ka. Ako ang nangangalay r'yan sa sapatos mo." Neela shyly sat next to Don Amir. Kinakabahan siya dahil pangalawang beses pa lamang niya itong nakita. Iyong una ay noong tatlong buwan pa lamang siyang nagtatrabaho kay Santi. The old man dropped by so she served him a cup of coffee. They had a little conversation back then. Para pa ngang interview dahil tungkol sa background niya ang mga tanong ng matandang lalake. "Kumusta ang mga pinaaaral mo sa inyo Nagtitino naman ba?" the old man asked. "Uhm, 'yong isa po, Sir ano nag-asawa na ho." Umismid ito. "Nag-asawa na? Sino ang nagpapakain? Ikaw pa rin?" Pilit na ngumiti si Neela. "Gano'n ho kasi sa amin. Kahit mag-asawa na ay nakapisan pa rin sa pamilya. Manganganak na ho ang asawa kaso wala pang mahanap na trabaho." Napailing ang matandang lalake. "Hindi pupwede sa akin ang gano'n. Baka buhusan ko ng kumukulong tubig ang ari. Aanak-anak tapos hindi kayang bumukod." One thing Neela realized about Don Amir is the way he speaks. Deretsahan at hindi pinipili ang salita. He may sound blunt but somehow, Neela could feel that the old man has a good heart. Sadyang nakatatakot lamang talaga ang presensya. The old man sighed before he adjusted his eyeglasses. "Pinahihirapan ka ba ni Santiago sa bahay niya?" "Ay, naku hindi po, Sir." "Mabuti naman." Humawak ito sa baston saka tiningala ang langit. "Samahan mo muna ako rito, Neela. Masyadong maingay ang paligid. Naririndi ang tainga ko." She flashed a small smile. "Ayaw ho ninyong makihalubilo? Party po ninyo ito, eh." The old man groaned. "Nagpa-party lang ako nang magsidating ang mga anak ko. Eh, hindi naman ako dadalawin ng mga iyan kung walang okasyon? Baka kung hindi ko gawin ito ay sa susunod na dadalawin nila ako ay sa burol ko na. Maya-maya ako ulit haharap sa kanila. Naririndi lamang ako sa pinag-uusapan." Neela's chest tightened a bit. "Busy lang po siguro, Sir. Inaalagaan lang po siguro nila ang mga pinaghirapan ninyo." Bumuntonghininga is Don Amir. "Paminsan-minsan ay ipasyal mo ang mga apo ko rito. Kapag nasa ganitong edad na ay apo at kaunting kwentuhan na lamang ang makapagpapasaya sa'yo." "Ipapaalam ko po kay Sir Santi. Medyo mahigpit lang po talaga siya. Hindi po ako pinapayagang lumabas kung hindi po siya kasama." "Hindi natin masisisi si Santiago. Iniingatan lamang niya ang mga anak niya roon sa lintik na si Amanda." Tiningnan siya nito. "Dapat sa akin ka na lamang unang nagtrabaho noong binata pa ang anak ko. Kung ikaw ang nakatuluyan ay wala sana siyang sakit ng ulo ngayon." Namula ang pisngi ni Neela. Ibig bang sabihin ng Don ay gusto siya nito para kay Santi? "Ay, naku Sir hindi naman ho ako pwede kay Sir Santi. Mahirap lang ho ako." "Bakit? Kailangan pa ba ni Santiago ng pera, eh marami naman kami no'n?" Umiling-iling ito. "Kung hindi lang si Amanda ang napili niya, hindi sana ganito kalaki ang problema niya." Lumunok si Neela. "Pero, Sir hindi naman po problema ang mga bata. Mababait po sila." Umismid ang matandang lalake. "Sino ba ang nagsabing ang mga apo ko ang problema? Ang tinutukoy ko ay 'yong problemang nireresolba ni Santiago tungkol sa dati niyang asawa." Napakunot ng noo si Neela. "Anong problema po, Sir?" "Hindi ako ang dapat magsabi sa iyo ng tungkol sa problemang iyon pero isa lamang ang maipapayo ko. Oras na may masamang mangyari sa anak ko dahil sa problemang iyon, dito ang magiging unang takbo mo. Kayo ng mga bata. Pakatandaan mo 'yan." Napatitig na lamang si Neela sa matandang Don. Whatever that problem is, Neela has a feeling that it's the reason why Santi said that his life is more complicated than she thinks it is. Neela swallowed her own saliva when she saw Santi walking towards their direction with Esme and Tino. Ano ba talaga ang problemang iniwan ni Amanda rito? She pursed her lips. Looks like she's going to have to do some digging without Santi knowing. Kailangan niyang malaman kung ano ang problema nito kun'di ay hinding-hindi siya mapapakali . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD