"Your Dad suffered from mild heart attack. Mayroon din siyang fatty liver kaya kailangang kontrolin ang diet niya. Also . . ." Hinubad ng doktor ang suot nitong salamin. "He's getting old, Santiago. People like him will suffer more from health issues if he's often lonely. Loneliness can cause stress, and when the nervous system is often under stress, the immune system gets weak."
Santi gently nodded. "What do you suggest, Doc?"
"Mas mabuti kung palagi siyang napapasaya. Kahit isa man lang sa inyo sana ay makakwentuhan niya't makumbinsi siyang inumin ang maintenance niya. Ang sabi ng kapatid mo ay palaging inaaway ni Don Amir ang katulong kapag oras na ng pag-inom ng gamot."
Humugot ng hininga si Santi. "I'm sorry but we're all busy. We can't always be around him. Hindi kami pwedeng manatili palagi sa tabi niya."
Nagtaas ng kamay si Neela na nasa kanyang tabi. "Uhm, ako po pwede po ako kung . . ." Ibinaba nito ang kamay nang tingnan niya. "Kung pwede lang naman po. Ako na po ang magpapaalala sa kanya ng pag-inom ng gamot. Pwede naman po siguro na dalhin ko sa kanya sina Tino at Esme pagkatapos ng klase. Half day nalang naman po ang pasok nila ngayon dahil may modular na. Kung . . . papayag ka lang naman, Sir."
Santi appreciates Neela's enthusiasm but he's scared that she will experience his father's wrath. Matapang ang Don sa kanilang magkakapatid habang lumalaki kaya naging malayo ang loob nila rito.
Kaunting pagkakamali ay nahahataw sila nito. Yes, he understands that it was his father's way of disciplining them but it still caused him to have bad blood towards his Dad.
He folded his arms in front of his chest. "I don't think that's a good idea. Hindi mo kilala si Papa."
"Pero mabait naman po si Sir Amir. Sige na, Sir kaysa maabala kayo. Matutuwa rin sina Esme at Tino," pangungumbinsi nito sa kanya.
He pursed his lips as he contemplated about her offer. Halatang sang-ayon ang doktor sa suhestyon ni Neela kaya lang ay nagdadalawang-isip pa siya.
"I'll discuss this with my brothers," aniya. "Pakitingnan mo muna sina Esme at Tino sa kwarto ni Daddy."
Nagpasalamat siya sa doktor bago niya ihinatid si Neela sa hospital room kung nasaan si Don Amir. Pagpasok nito ay napansin kaagad niya kung paano nito nilapitan ang kanyang Papa na tila alalang-alala ito sa matandang Don.
"Sir Amir, binanatan mo po yata 'yong letson, eh," biro nito sa kanyang ama.
Nanatili naman sa labas ng silid si Santi, nakatanaw lamang sa mga ito. Tino and Esme were sitting on the bed, entertaining their sick grandfather while Rome was standing on the side of the bed, making sure the kids wouldn't fall.
Santi blinked his eyes when he saw how his father grinned weakly at Neela. He'd never seen his Dad this gentle towards them.
Nagkabiruan ang dalawa. Neela laughed softly as Don Amir joked about how much he regrets not eating more. Napatitig naman si Santi sa matamis na ngiti ni Neela. Tila nahihipnotismo sa natural na ganda ng dalaga.
Ni hindi niya namalayang lumabas na ng silid si Rome at lumapit sa kanya. Pareho nilang pinagmasdan ang loob ng silid ngunit kay Neela lamang nakatutok ang mga mata ni Santi. Kung bakit ay hindi rin niya alam.
"Muntik nang magsuntukan sina Martin at Nio kanina dahil imbes na ang kalagayan ni Papa ang intindihin ni Martin, 'yong last will and testament pa ang unang inisip ng tarantado mong kapatid," ani Rome na nakapagpabalik kay Santi sa sarili.
Humugot siya ng matalim na hininga bago sandaling iniwas ang tingin mula kay Neela. How long has he been staring at her? Sana naman ay hindi siya nahalata ng kapatid niya.
"Sorry, you were saying?" he asked.
Rome smirked. Tila ba mayroong naglaro sa isipan nito. "I said Nio and Martin nearly had a fist fight earlier because Martin worried more about Papa's last will and testament."
Napairap sa kawalan si Santi. "I wanna say I'm surprised but I'm not. Nio would surely throw a fit once Papa gives all his wealth to charities but he will still care about Papa, pero si Martin . . ." Napabuntonghininga siya. "Hindi ko talaga maintindihan ang lintik na 'yan."
"Maybe it has something to do with being an illegitimate child." Nagpamulsa ito. "He probably thinks he worked so hard for everything despite him being Papa's child from another woman so he deserves to know if he's on the will or not."
Santi never really wanted to see Martinez that way. Sampung taong gulang siya noong una niyang nakilala si Martin. Namatay sa aksidente ang ina nitong dating sekretarya ni Don Amir. Santiago was so angry at first because he thought his father cheated on his mom. Hanggang sa ipinaliwanag sa kanya ng kanyang ina na noong nabuo siya ay wala pang nararamdaman si Don Amir para rito.
Arranged marriage umano ang nangyari sa dalawa. Kailangan ni Don Amir ng anak upang makuha nito ang pinakamataas na posisyon sa kumpanya. Natakot itong mapabayaan ng ibang kapatid ang negosyo ng mga Carbonel kaya naman pinakasalan nito ang ina nina Santiago.
Santiago's mother didn't expect Don Amir to love her so she let him sleep with another woman, ngunit nang tumagal ang relasyon ng mga ito ay natuto umanong mahalin ni Don Amir ang ina ni Santi. Their relationship flourished until they had two other kids.
Ang hindi maintindihan ni Santi ay ang galit na mayroon si Martin para sa kanila gayong tinanggap naman nila ito nang maayos kalaunan. His mom raised Martin like his own but Martin grew up thinking that they're in competition with each other, at siya ang numero-uno nitong kinukumpitensya palibhasa ay panganay siya.
Bumuntonghininga si Santi. His gaze drifted back to Neela's direction as his chest began to tighten because of Martin. Somehow, Neela's sweet laughter and genuine happy expression made him feel better. Unti-unting nawala ang paninikip ng dibdib niya hanggang sa hindi na niya namalayang napatagal na ang pagkakatitig niya sa dalaga.
Rome held him by his shoulder. "You guys can go home. Ako na ang magbabantay kay Papa hanggang bukas. Nio will surely be here tomorrow. I'll just give you updates from time to time."
Tumikhim si Santi bago tumango. He also checked his watch and realized that it's already eleven in the evening.
"Call me if something happens. I won't put my phone on silent," bilin niya sa kapatid bago niya tinawag ang mga anak at si Neela.
"Magpagaling ka, Sir Amir para mapanood po natin 'yong sinasabi kong palabas ni Dolphy. Paborito po 'yon ng lolo ko," dinig niyang paalam ni Neela sa kanyang ama.
Kumaway pa ito bago na naunang lumabas kasama si Esme. Buhat naman ni Santi ang bunso niyang inaantok na kaya nakasandal na ang ulo sa kanyang balikat.
"Santiago," tawag ni Don Amir nang akmang lalabas na siya ng silid.
Santi looked at his father and waited for what Don Amir was about to say. Humugot ito ng hininga bago isinara ang mga mata.
"Huwag mong sasaktan ang dalagang 'yan kun'di ay malilintikan ka sa akin," ani Don Amir.
Lihim na napangisi si Santiago. Kung naging mga babae kaya ang mga anak nito ay magiging malupit pa rin ito sa pagpapalaki sa kanila? He wonders.
"Rest, Papa. I'll let Neela and my kids come over once you're out of here," sagot niya bago na umalis.
Nagtungo sila sa kanyang sasakyan. Nang masigurong secured na ang mga bata sa car seats ay ipinagbukas niya ng pinto si Neela. Napaangat ito ng tingin sa kanya na tila nagtaka. Wala naman itong sinabi. She just pursed her lips and went in.
Hindi na lamang din kumibo si Santi. Naglakad na lamang siya patungo sa driver side ngunit bago niya pa nabuksan ang pinto ay nakatanggap na siya ng chat mula kay Rome.
Romano Carbonel: Papa said tell Neela she's a ray of sunshine in your gloomy life.
Wala sa sariling napangiti si Santi habang nakatitig sa mensahe ng kapatid. Maybe he couldn't admit it, but his Papa was right. Neela is . . . a ray of sunshine.
Humugot siya ng hininga nang namalayang nakangiti na pala siya. Imbes na sagutin ang chat ni Rome ay ibinulsa na lamang niya ang kanyang phone. He went in and drove home, totally forgetting about the morning pill they have to buy.
Pagkarating sa bahay ay napansin ni Santi na bukas ang pinto sa kanyang study room. His brow furrowed. Ihinatid nila sandali sina Tino at Esme sa kanya-kanyang silid ng mga ito saka siya ulit bumaba upang pumunta sa kanyang study room.
He locked the door and walked towards the large desk. Nang makita ang sticky note na nakadikit sa kanyang laptop ay halos manlamig ang katawan ni Santi.
'Clock is ticking, my love'
Santi clenched his jaw then crumpled the small piece of paper. He pulled his phone out and dialed Lennon's number.
"Boss," bungad nito.
Santi leaned against his desk then sighed. "She was here." Pumikit siya at nilunok ang namuong bara sa kanyang lalamunan. "Amanda was here . . ."