Kabanata 19

1571 Words
"SHE'S BECOMING more aggressive, huh?" kumento ni Lennon nang maipakita ni Santi rito ang CCTV footage na kuha sa kanyang study room. Ipinatawag niya ito sa kanyang bahay nang magkausap sila nang personal. Muling itinutok ni Santi ang kanyang mga mata sa camera. His wife even smiled at the camera while placing the note on his laptop. Tila nais siyang asarin. Santi hates that it worked. Dahil kanina pa kumukulo ang dugo niya rito. "Sigurado akong hindi lang ito ang unang beses na gagawin niya 'to." Bumuntonghininga si Santi. "We need to get the last tape as soon as possible." "May lead na ako kung nasaan ang pinakahuli pero . . ." Sumandal ito sa desk. "Do you really think it's best to give her the tapes? I mean, she could literally destroy all of you once she gets her hands to it." Alam ni Santi iyon. At alam din niyang iyon lamang ang naging pakay ni Amanda kaya siya nito pinaibig. Her family was one of the Carbonels' biggest rival in the business world. They crashed Amanda's family's large corporations as soon as they went global. She was blaming the Carbonels for her father's suicide, and as much as he wanted to claim that their hands are clean, they aren't. Lalo na siya. He hired people to destroy them from the inside, stole their investors, and left them with no crumbs thinking that once he crashed their competitors, his father will give him the validation that he was seeking when he was still young and naive. Amanda faked her own death to destroy his image but it wasn't enough. She must've realized that. Kaya sa mga nakalipas na buwan ay pinipilit nitong kunin sa kanya ang mga ebidensyang magpapakita ng lahat ng katarantaduhang ginawa niya. Nakuha niya ang mga iyon mula kay Amanda bago nito pineke ang pagkamatay nito ngunit dahil hindi naging sapat ang nangyari upang masira ang pangalan niya ay gusto nitong bawiin ang mga tape. She hired investigators back then to take videos of him talking to the people he hired to destroy her family's business. Nang madiskubre iyon ni Santi ay kinumpronta niya ang asawa. That's when he found out the painful truth. Amanda didn't love him. She only lured him and drove him crazy to seek her revenge. Their kids are not products of love, and that's the most painful thing about her whole scheme. Mahal na mahal ni Santi ang mga anak niya. Nagbago ang buhay niya dahil sa mga ito kaya ngayong tinatakot siya ni Amanda na kukunin nito ang mga bata oras na hindi niya ibigay ang gusto nito ay natatakot siya. Lennon sighed after Santi became silent. "Boss, ano ba kasing ginusto mo do'n?" Muntik nang matawa sa inis si Santi. Ano ang ginusto niya kay Amanda? She showed him the vulnerable version of him. She acted like the version of him who wanted to seek validation and approval. She showed up in his life one day and told him stories about how much she's been wanting to prove to her mom that she can be something, too. Pilit nitong kinuha ang loob niya. Tila ba kinilala muna siya nitong mabuti bago ito pumasok sa buhay niya. He was so foolish for not listening to his father. Kung sana ay nakinig siya sa babala nito at kutob kay Amanda, hindi sana ganito kasakit ang ulo niya ngayon. Bakit pa kasi niya inuna ang awa at guilt niya noon? Kung naging bato sana ang puso niya ay wala siyang problemang ganito. Imbes na sagutin si Lennon ay dinampot na lamang niya ang bote ng alak. He poured some on his glass and drank all of it. Hindi pa siya nakuntento. Muli siyang uminom hanggang sa halos hirap na siyang tumindig. Lennon had to leave after getting a call from one of his men. Nagpaalam ito sa kanya at tinawag si Neela upang asikasuhin siya. Santi was slouching on the sofa inside his study room when Neela came in. She was carrying a basin of water and a face towel as if she already knew that he was drunk. "Sir Santi, ititimpla lang kita sandali ng kape, ha? Babalik ako kaagad," dinig niyang bilin nito. Humugot lamang ng hininga si Santi saka siya tumango. Kahit hirap nang imulat ang mga mata ay pinilit niya itong panooring lumabas ng study room. He wonders. Kung may mangyaring masama sa kanya, papayag kaya si Neela na manatili sa tabi ng mga anak niya? He's willing to share a bigger portion of his wealth to her just to make sure that his kids will have someone to look up to. Kahit naman madalas sumakit ang ulo niya sa dalaga ay ramdam ni Santi na ito ang pinakamapagkakatiwalaan niya pagdating sa mga anak niya. Neela came back after a few minutes. Naupo ito sa kanyang tabi dala ang tasa ng kape. She tried to help him take a sip. Nakaguhit din sa maganda at maamo nitong mukha ang labis na pag-aalala para sa kanya. Dala ng kalasingan ay pinakatitigan niya si Neela. Maya-maya ay bumuntonghininga siya bago ito payak na nginitian. "You're very beautiful. Have I told you that?" he asked. Hindi na naiisip ang mga salitang binibitiwan. Namula ang pisngi ni Neela. "M-Maganda ako, Sir? Iyon lang po ang naintindihan ko," halatang nahihiya nitong sabi. Santi tried to caress her cheek. "You are." He sighed. "Kung ikaw na lang ang naging nanay ng mga anak ko, mamomroblema kaya ako nang ganito?" Neela's eyes softened. Tila naawa sa kanya. She lifted her hand and rested on the back of his palm that's on her cheek. Marahan din iyong piniga ni Neela bago ito nagsalita. "Sir, hindi ako matalino. Hindi rin ako maalam sa Ingles at negosyo pero kung . . . kung kailangan mo ng makikinig sa mga problema mo, pwede ako, ha? Promise po secret lang natin lahat--" Napatigil ito sa sinasabi nang kinabig niya ito at hinalikan sa mga labi. It was just a quick kiss but the tenderness of her lips somehow weathered the storm inside Santi's chest. Hindi talaga niya alam kung ano ba ang mayroon si Neela. She may be a headache but he definitely calms down whenever she's around. Santi sighed after their lips parted. "I'm fine. Wala akong problema . . ." aniya bago muling sumandal sa sofa. He even threw his head backwards and let it fall against the couch. Narinig niya ang pagpiga ni Neela sa face towel. Maya-maya ay pinunasan nito ang kanyang mukha. Muli naman itong pinagmasdan ni Santi kahit na hirap na hirap siyang imulat ang mga mata niya. He couldn't help it. Her presence is too calming and it's so hard to resist her. Kahit gaano pa katigas ang ulo nito. "Neela . . ." tawag niya. Tumingin ang inosente at maamo nitong mga mata sa kanya. "Po?" Santi swallowed the lump in his throat. "Pwede mo bang alagaan ang mga anak ko oras na may mangyaring masama sa'kin?" Bahagyang nalukot ang noo nito. Hindi rin nakakibo at tumitig lamang sa kanya. Maya-maya ay namula na lamang ang mga mata nito't tuluyang humikbi. "Huwag ka ngang nagsasalita ng ganyan, Sir Santi! Hindi maganda 'yang ganyan! Ang liliit pa nila! Wala na nga ang totoo nilang mommy tapos sinasabi mo pa 'yan!" Pagalit itong nagpunas ng luha. "Hindi ka pwedeng mawala nang maaga." Santi laughed softly. Hindi niya rin alam kung bakit ba siya natawa. Maybe because Neela is such a breath of fresh air in his suffocating world, at ngayon lamang niya naaamin sa sarili ang katotohanang iyon. He did his best so he could wipe Neela's tears. Naawa tuloy siya nang muli itong humikbi. "I was just asking you a question. Hindi ko sinabing mamamatay ako nang maaga." "Eh, basta. Bawal nga, Sir. Hindi pwede." Inirapan siya nito saka pagalit na piniga ang face towel. "Inumin mo na 'yang kape mo, Sir at iaakyat na kita sa taas nang maitulog mo na 'yan. Hindi maganda sa'yo ang nalalasing. Naiisip mo kaagad ang mamatay." Santi drew in a sharp breath while there's a small curve written on his lips. "Dito na ko matutulog. Magpahinga ka na. Hindi mo rin ako kayang iakyat. Baka mahulog lang tayo sa hagdan at parehong mamatay nang maaga." Sumimangot ito. Maya-maya ay lumayas bigla kaya akala niya ay matutulog na ito ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay muling pumasok si Neela ng study room. May bitbit na itong mga unan at ilang nakatiklop na kumot. She placed a pillow on the end of the bed and helped him lie down. Hinubad nito ang kanyang sapatos saka siya nito kinumutan. Hindi na nagreklamo pa si Santi. Balak na sana niyang mag-goodnight sa dalaga ngunit nang makitang naglalatag ito sa carpeted na sahig ay bahagyang nalukot ang noo niya. "What are you doing, Neela?" mahina ang boses niyang tanong. "Dito ako matutulog, Sir. Babantayan kita. Baka mamaya hindi ka na magising," sagot nito. Halatang masama pa rin ang loob dahil sa sinabi niya kanina. Napahugot na lamang ng hininga si Santi habang may munting ngiti sa mga labi. He watched how Neela lied down and covered herself with her blanket. Tumagilid din ito at paharap sa kanyang pwesto. Neela sighed. "Goodnight, Sir." Santi's eyes softened as he stared back at her. "Goodnight . . ." He shut his eyes and let out a sharp breath. "Goodnight, my adorable Neela . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD