Nagising si Santi na nararamdaman niyang may daliring nakatapat sa butas ng kanyang ilong. Tila ba tinitingnan kung humihinga siya.
He tried to blink his eyes. Nang luminaw ang kanyang paningin ay kaagad niyang nakita si Neela na nakaluhod sa tabi ng sofa kung saan siya nakahiga. Her hand was placed on her chest while she released a sigh of relief.
Nalukot ang noo ni Santi nang makita ang itim sa ilalim ng mga mata nito. "Did you sleep?"
Ngumuso ito bago umiling. "Hindi po."
"Why?"
"Kasi tinitingnan ko kung humihinga ka pa, Sir."
Hindi alam ni Santi kung maiinis ba siya dahil naistorbo nito ang tulog niya o matatawa siya dahil nagpuyat ito para lang siguruhing buhay pa siya pagsapit ng umaga. Neela and her ways of showing that she cares. Bakit nga ba nagulat pa si Santi?
Despite his heavy hangover, Santi pulled himself up and sighed. "I'm still alive. Pwede ka nang matulog."
Humikab ito bago naupo sa tabi niya. "Mamaya na, Sir."
Santi was about to say something to convince her to finally go upstairs and sleep when Neela started giving his temple some gentle massage. Napatitig siya sa inaantok nitong mga mata. Hindi niya naman iyon intensyon. It's just that, Neela just keeps on giving him reasons to appreciate her more.
Maybe his defenses started to crumble the moment Neela went the extra mile and offered herself to him. Siguro ay noon pa naman niya ito naa-appreciate. Sadyang idine-deny niya lamang iyon sa kanyang sarili dahil hindi niya matanggap na may kaya pa ring bumasag sa yelong ibinalot niya sa kanyang puso.
But she's getting more and more irresistible. No matter how hard Santi is trying to protect himself from the things she could make him feel, he just couldn't.
"Sabi ni Sir Lennon bago siya umalis kagabi ay marami kang nainom, Sir Santi kaya painumin daw kita ng Advil. Wala tayong Advil kaya hihilutin ko na lang ang ulo mo," saad ni Neela sa natural na malambing nitong boses.
Santi wanted to stop her from taking care of him but it felt so good that his own body became a slave to her touch. Sa huli ay nadaig siya ng kagustuhan niyang maalagaan. Maybe he wasn't used to it, but it's definitely something that he still craves. After all, he's still human. He also wanted to be taken care of, kahit hindi niya iyon aminin sa sarili niya.
Neela kept massaging his temples until he somehow felt better. Lumabas ito pagkalipas ng ilang minuto upang ikuha siya ng malamig na tubig. Dala rin nito ang medicine kit para ipakita sa kanya.
"Alin ang kagaya ng Advil dito, Sir?" she asked.
Santi checked the meds. Nang makita ang pain reliever ay dinampot niya iyon. "This one. But I can't take it with an empty stomach. Kailangan ko munang kumain."
Tumango ito. "Magluluto na ako ng almusal, Sir. Sakto at magigising na rin ang mga baby ko mamaya."
Mga baby ko. Santi felt a different kind of warmth in his heart. Napakanatural ng pagmamahal nito sa mga anak niya. Halatang hindi nito basta lang inaalagaan ang mga bata dahil pinasasahod niya. Mabuti pa ito, may pagmamahal para kina Esme at Tino. Hindi gaya ni Amanda na ginamit lamang ang mga bata bilang parte ng plano nito.
Neela went out to cook while Santi went to his room to take a cold shower. Nabawasan ng pagligo ang sakit ng kanyang ulo. Kahit paano ay hindi na siya ganoon kahirap magkikikilos.
Esme and Tino were already in the kitchen when he went downstairs. Nakaupo ang mga ito sa bar stools habang ipinagsasandok ni Neela ng pagkain. Dinig niya pang nagkikwento si Esme ng panaginip kay Neela. Napatigil tuloy si Santi sa tuluyang pagpasok sa kusina. Pinagmasdan niya ang tatlo habang hindi niya namamalayan ang munting kurba sa mga labi niya.
Neela must have felt his presence. Tumingin ito sa kanya saka ito ngumiti. "Halika na, Sir. Kain na para mainom mo na 'yong gamot."
Santi took in a silent breath before he walked towards them. Pinatakan niya ng halik ang tuktok ng ulo ng mga anak niya bago siya naupo sa stool na katabi ng kinauupuan ni Tino. His little boy held him by his arm and gently pulled him. Yumuko si Santi at hinayaan ang anak na humalik sa kanyang pisngi.
His heart warmed. Tino may not be able to speak the way his sister does, but his love language is enough for Santi to know that his son loves him.
"Good morning, too buddy," he said then caressed Tino's back.
Inilapag ni Neela ang plato ng pagkain sa kanyang harap. Humikab na naman ito kaya alam niyang talagang inaantok na.
Tumuwid siya ng upo bago niya kinuha ang piraso ng bacon para ilagay sa plato ni Neela. "Eat your breakfast then go upstairs. Matulog ka na. I'll clean up the kitchen."
Mabilis itong umiling-iling. "Hindi na, Sir ayos lang. May promise din ako kay Sir Amir na dadalaw ako at kukumbinsihin kitang isama ang mga bata."
"I'm sure Papa can wait. Pwede tayong pumunta roon mamaya kapag nakabawi ka na ng tulog."
"Pero, Sir--"
"Matigas na naman ang ulo mo, Neela. Kailangan pa ba kitang itali sa kama o paluin bago ka matulog?"
Her cheeks burned as if she'd thought of something naughty. Hindi naman sinasadya ni Santi iyon lalo na at nasa harap sila ng mga bata. The words came out of his lips without him even realizing what it could mean to Neela.
Yumuko ito at hindi na nakipagtalo. Umiwas na lamang din ng tingin si Santi dahil may kung anong pumasok sa isip niya. He tried to focus on his food while he's helping his kids. Kapag gustong magpa-cut nina Esme at Tino ng hotdogs at bacon ay siya na ang naghihiwa nang makapag-focus si Neela sa sarili nitong pagkain.
He helped his kids get down after they finished their breakfast. Kinolekta ni Neela ang mga nagamit na pinggan at kubyertos saka iyon idinala sa sink.
Pagkaalis ng mga bata sa kusina ay kaagad nilapitan ni Santi si Neela matapos niyang makitang dadamputin na nito ang dishwashing liquid. He grabbed the bottle from her hand and then put it down.
Akmang kukunin na naman nito ang panghugas ng plato kaya napabuntonghininga na si Santi. He ended up carrying her like a sack of rice and brought her to his study room. Pinahiga niya ito sa sofa saka tinitigan nang matalim.
"Isa na lang, Neela. Papagurin na kita nang matulog ka."
She shyly lifted the blanket up to the bridge of her nose. Napansin din niyang namula ang pisngi nito kaya umismid si Santi.
He gently squeezed her thigh. "Sleep," utos niya saka siya naglakad patungo sa pinto ngunit bago siya nakaalis ay muling nagsalita si Neela.
"S-Sir Santi?"
He looked over his shoulder. "What?"
Neela yawned for a moment then smiled. "'Yong gamot mo, ha? Huwag mong kalimutang inumin?"
Santi's expression softened as his heart swelled. Antok na antok na ito ngunit siya pa rin talaga ang iniisip. What did he even do to her for her to care this way towards him?
Humugot siya ng hininga't marahang tumango. "I won't. Now sleep before I bring you to my room and drain your strength instead . . ."