"DADDY!" sigaw ni Esme nang matanaw si Santi na papalapit sa pwesto ng mga ito.
Tino was sitting on his grandfather's lap while Neela was busy pouring his Dad a glass of juice. Ihinatid niya ang mga ito roon kanina bago siya nagtungo sa kanyang opisina.
Naging routine na nila iyon sa nakalipas na dalawang linggo magmula nang maiuwi ang kanyang ama mula sa ospital. They will have breakfast at home and then he will drop his kids and Neela at his dad's place before he'll go to work. Doon na rin inaasikaso ng mga bata ang mga kailangang pag-aralan kaya pati ang bagong tutor ay doon na rin dumidiretso.
"Sir Santi," tawag ni Neela saka ito nagsalin ng juice para sa kanya.
Santi lifted Esme then walked towards the three. Wala sa sarili siyang ngumiti nang matipid kay Neela nang tanggapin niya ang juice na ibinigay nito. Napaismid tuloy ang kanyang ama saka ito umiling-iling. Tila ba nakahahalata na sa pagbabago sa kanya.
"Nasaan si Teacher Josie?" tanong niya.
"Umuwi na, Sir. Inagahan niya kanina kasi may lakad siya ng alas kwatro. Natapos naman nila lahat ng kailangang gawin."
Tumikhim ang kanyang ama. "Santiago, sinasabi ko kay Neela ang tungkol sa special program nang mahabol niya ang pag-aaral niya. Hindi niya man lang naranasang magtapos ng high school kaya dapat ay gawaan mo ng paraan nang magkaroon siya ng sertipiko. Kung matapos niya ang programa ay pwede na siyang magkolehiyo."
Santi looked at Neela and waited for her answer. Gusto rin naman niya iyon para kay Neela. Ayaw lang niyang pilitin ito. He wanted Neela to decide for herself, kaya nga hinahayaan niya itong hiramin ang mga aklat sa study room nang lumawak ang kaalaman nito.
"We'll talk about it, Papa."
His Dad looked at Neela. "Hija, samahan mo ng tamang karunungan ang sipag mo at malayo ang mararating mo. It's not too late for you to dream bigger. Kung hindi mo naman pala pinangarap ang maging katulong, panahon na para unti-unti mong buuin ang totoo mong pangarap."
Napakamot ng patilya si Neela. Santi could already feel that she's getting uncomfortable with the topic so Santi tried to divert his father's attention to something else. Kinumusta niya na lamang ang kalagayan nito pati na ang pag-inom nito ng gamot sa tamang oras.
"Ay, kung hindi sasabihin ni Neela ay bakit pa ako mag-aabalang uminom?" sagot ng matanda sa kanya.
Sumimangot si Neela. "Ikaw talaga, Sir Amir matigas po talaga ang ulo mo. Paano mo makikita sina Esme at Tino na lumaki kung mamamatay ka nang maaga?" Napabuntonghininga ito. "Pareho kayo ni Sir Santi. Nag-iisip kaagad kayo na mamamatay kayo."
Natawa nang mahina si Don Amir kaya tila may mainit na palad na humaplos sa kanyang puso. Karamihan sa mga katulong na nagtrabaho sa kanilang pamilya ay ilag kay Don Amir. Bukod kasi sa istrikto ito ay talagang matabil ang dila.
But looks like Neela is different. Nakuha nito nang maaga ang kiliti ng matandang Don. Kung paano iyon nagawa ni Neela ay hindi rin masabi ni Santi. After all, she had the same effect on him. Ito lang ang naging sakit ng ulo niya na hindi niya kaagad sinesante.
"Tino, ipakita mo sa Daddy mo 'yong drawing na ginawa mo kanina, baby," ani Neela sa bunsong anak ni Santi.
Tino jumped down from his grandpa's lap and ran towards the door leading to the living room. Sumunod naman sa anak si Santi kasama si Esme habang naiwan sa hardin sina Neela at Don Amir.
Santi let his son go through his school bag. Naupo siya sa sofa at pinanood si Esme na tulungan ang kapatid.
"Heew," ani Tino habang inaabot sa kanya ang bond paper.
Santi smiled. He pulled his son between his parted thighs while Esme sat next to him. "Let's see, buddy."
He scanned the drawing with a proud smile on his face before he started asking Tino about the drawing.
"Who is this, buddy?"
Tino pointed him. "D-Daddy." The little boy pointed the little girl in the drawing. "A-A-Ate."
"And this is you, hmm?" he asked, pointing at the little boy in the drawing.
Tino gently nodded. Ngumiti naman si Santi ngunit nang napansing nakaisang linya lamang ang mga labi ng batang lalake sa larawan ay napakunot siya ng noo.
"Why do you look sad in this drawing, son?"
Tino bit his index finger then pointed the bigger image of a girl in the drawing. "N-Not M-M-Mommy N-N-Neewa."
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Santi. "What do you mean, Tino?"
His son went to his stuff again then took another drawing to show it to him. Halos magsitindigan ang mga balahibo sa katawan ni Santi nang makita ang drawing kung saan tila nakadungaw ang isang batang lalake sa bintana at tinitingnan ang malungkot na babae. The little boy looks sad, too as if he wanted to be with the woman outside of the house.
"Who is this?" he asked, pointing the woman in the second drawing.
"M-M-Mommy N-Nee-Neewa."
Napalunok siya bago itinuro ang babae sa unang drawing. "And . . . this one? Who is it then if it's not your mommy Neela?"
Tino didn't answer him. Gumuhit din ang tila takot sa mga mata nito. Kinabahan tuloy si Santi. Is there something happening that he wasn't aware of?
He made a mental note about asking Neela regarding the drawings. Nang makauwi sila ay hinintay niya munang mapatulog nito ang mga bata bago niya ito tinawag upang kausapin.
"Ano 'yon, Sir?" tanong nito nang makapasok sa kanyang study room.
He handed her the drawings. "Kailan 'to ginawa ni Santino?"
She took one look at the drawings before she answered him. "Kanina po sa tutorial session nila. Pinag-drawing po siya ni Teacher Josie ng kahit na anong makakapagpakita ng nararamdaman niya."
Napahilamos ng palad si Santi sa kanyang mukha. Looks like he needs to ask Santino's school teacher. Baka mamaya ay may nakapapasok sa mismong eskwelahan na hindi naman dapat makapasok. After all, Tino will never have such concept if nothing is going on.
Hindi niya gusto ang naging interpretasyon niya sa iginuhit nito. Para bang sinasabi ni Tino na nalulungkot ito dahil hindi si Neela ang kasama ng pamilya nila. How would he think that way? He thinks Neela is his mom, unless someone is trying to influence him.
"May . . . problema kaya kay Tino, Sir?" tanong ni Neela matapos silang mabalot ng katahimikan.
He sighed. "I hope there isn't. Aalamin ko kung bakit niya iginuhit 'yan." He leaned on his swivel chair. "Anyway, tinawag din kita dahil gusto kong itanong ang tungkol sa naging pag-uusap kanina sa bahay nina Papa. Parang hindi ka kumportableng pag-usapan ang tungkol sa mga pangarap mo."
Nahihiya itong yumuko habang may munting ngiti sa mga labi. "Hindi naman po sa gano'n. Ano lang. H-Hindi ko pa kasi . . . alam kung ano ba talaga ang pangarap ko."
Kumunot ang noo ni Santi. "How come?"
Neela took in a sharp breath as she looked up. "Magmula bata ako, Sir hindi naman ako nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng pangarap. Ang liit ko pa noong naranasan kong magtrabaho. Hindi naipakilala sa akin ang konsepto ng pangarap kasi 'yong isip ko, 'yong kakainin bukas lang ang iniisip. Hindi ko . . . nabigyan ng panahon ang tungkol sa mga bagay na gusto kong gawin kasi . . . mas inintindi ko 'yong . . . kung ano ang kailangan, eh."
Lumamlam ang mga mata ni Santi. Naiintindihan niya ito. Neela is a breadwinner. She started working as a servant at a young age. She's so used to living in survival mode, but what he didn't expect is the fact that she doesn't know what to dream for herself. Karamihan kasi ng tao ay kahit paano may pangarap.
"Hindi mo ba naisip na maging doktor? Teacher?" tanong niya.
Umiling ito. "Ang naiisip ko lang po ay masigurong may kakainin ang pamilya ko sa probinsya. Siguro kahit na ano na ang maabot ko, ayos lang basta hindi sila magugutom." Ngumiti ito. "Saka doktor, Sir o guro? Masyado hong mataas. Sabi ng nanay ko, 'yong mga pwede lang mangarap ay 'yong kayang umabot."
Tila may kumurot sa puso ni Santi. Neela and her selflessness . . .
Nilunok ni Santi ang namuong bara sa kanyang lalamunan. "Hindi lahat ng pangarap kailangang maging mataas, Neela. May pangarap na hindi kailangang matawag na propesyon. Sometimes we can just dream for something we didn't even know we can consider a dream. Gaya ng tahimik na buhay, kapayapaan, pagmamahal."
Neela's eyes glistened with something beautiful. "May pangarap ka pa ba, Sir?"
Hindi kaagad nakakibo si Santi. He thought about it and listened to his heart. May pangarap pa nga ba siya?
Yes. Yes, he does. To live a peaceful life, raise his kids properly and . . . maybe, if it's not too much to ask, he dreams of . . . not growing old alone.
Siguro hindi niya lamang maamin sa sarili ang huli dahil nasaktan siya ni Amanda ngunit wala namang taong nais tumanda nang mag-isa.
Santi heaved a sigh. "Wala na akong ibang pangarap kun'di ang mamuhay nang mapayapa at mapalaki nang maayos ang mga anak ko. Kung siswertehin man, gusto ko ring may makasama akong tumanda," pag-amin niya.
Neela flashed a sweet smile. "Huwag kang mag-alala, Sir. Kung hindi ka na makakapag-asawa ulit, hindi ako aalis bilang katulong mo. Eh 'di hindi ka tatanda nang mag-isa?"
Santi's heart swelled while he stares at Neela's innocent eyes. Maybe she really thinks that he would never see her more than just someone he can f**k, but Santi would lie to himself if he would say that Neela is hard to love.
Dahil aminin man niya sa sarili o hindi, unti-unti nang nakapapasok si Neela sa kanyang puso, ano mang pagprotekta sa sarili ang gawin niya . . .