Kabanata 22

1093 Words
"NEELA," tawag ni Santi kay Neela habang nakadungaw siya sa itinuturo ni Teacher Josie sa mga bata. Nasa bahay sila ngayon dahil may check-up si Don Amir. Nangako naman si Santi na kung maagang makauuwi ang matanda ay ihahatid sila roon. Bumaling si Neela sa direksyon ni Santi. "Po?" He gestured his hand as if he was calling her. Medyo nanghinayang si Neela dahil natutuwa siyang makisali sa itinuturo ni Teacher Josie. Advance lesson na kasi iyon para kay Esme kaya pasimple siyang nakikinig, kaya lang ay hindi niya naman pwedeng paghintayin si Santi. She took one final look at the workbook. Tinandaan niya ang page number bago siya tuluyang tumayo upang sundan si Santi. "Yes po, Sir?" tanong niya nang makapasok sa study room ni Santi. Pinanood niya itong maglakad patungo sa safe na naroroon. He unlocked it with a code and opened it to get a car key. Nang makuha ang susi ng sasakyan ay naglakad ito palapit sa desk. Santi leaned on the edge and grabbed an envelope with a logo printed on the back. "Come here," utos nito. Neela walked towards him. Nang makalapit siya ay iniabot nito ang envelope sa kanya. "Para saan po ito?" nagtataka niyang tanong. "Requirements para sa enrollment sa special program. Kung matatapos mo ang six months program nila at maipasa mo ang assessments, then you can enter college." Napaawang ang mga labi ni Neela kasabay ng paglaki ng mga mata niya. "M-Mag-aaral po ako, Sir?" Marahan itong tumango bago iniabot sa kanya ang susi ng kotse. "Hindi kita palaging maihahatid dahil taliwas ang schedule natin, but here. I will teach you how to drive so you can go to school on your own." Imbes na tanggapin ang susi na may logo ng Rolls Royce ang keychain ay inilapag iyon ni Neela sa desk. Nahihiya siyang tumingin kay Santi pagkatapos habang may lungkot na nakapinta sa kanyang mukha. "Maraming salamat, Sir pero kasi . . . matanda na ako para bumalik pa sa pag-aaral. Baka . . . masayang lang ang gastos mo." Santi lifted a brow. "A forty nine years old mother from Pasig just got her license as a teacher last December. It's not about how old you are, Neela. It's about your eagerness to study. Hayaan mo sila kung huhusgahan ka nila. Ang mahalaga, ginagawa mo 'to para sa sarili mo." Humugot siya ng hininga. "Baka lang po kasi mahirapan sa akin ang magtuturo. 'Yong mga sinasabi mo nga sa'kin minsan hindi ko kaagad makuha, eh. Paano pa kaya 'yong mga kumplikadong bagay na itinuturo sa eskwelahan?" "Lahat ng bagay natututunan kung gugustuhin." Ngumisi siya nang gumaan ang usapan saka siya nagbiro. "Pati magmahal, Sir 'no?" Santi poked her forehead with his index. "Puro ka kalokohan." "Joke lang po, Sir." Tumikhim siya. "Huwag na lang, Sir ayos lang naman ako." "Just give it a try. Kung hindi mo talaga magugustuhan, then I will not encourage you anymore." Sandali siyang nag-isip. "Kapag umayaw ako kaagad, Sir anong mangyayari?" Santi smirked as if he knew exactly how to convince her. "No s*x with me anymore." Napakamot ng sentido si Neela. Kaya niya ba 'yon eh medyo naaadik na siya sa gabi-gabing session nila ni Santi? She sighed. "Sige na nga, Sir. Kung hindi ka lang masarap, naku . . ." she murmured. "I could hear you," ani Santi. Nag-peace sign na lamang si Neela sa amo. Bumuntonghininga naman ito bago dinampot ang susi ng kotse. "Let's go while the kids are still busy." Napaawang ang mga labi ni Neela. "Mag-aaral na ako ngayon, Sir? Bakit ang bilis? Wala man lang ba munang bakasyon? Sa school may bakasyon, ah?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Ilang taon ka nang nakabakasyon." Sumimangot siya. "Recess? May recess naman siguro, Sir? Mag-recess muna tayo nang may lakas akong mag-aral. Sabi nila kapag gutom ang tiyan, hindi gumagana ang utak." "Puro ka na naman dahilan," Santi said under his breath. Hinawakan siya nito sa batok nang makaladkad siya palabas. Wala tuloy siyang nagawa kun'di sumabay sa lakad nito. She saw Teacher Josie watch them as Santi dragged her out of the house. Ewan ba ni Neela pero parang napansin niyang tumaas ang kilay ng tutor. Tila bahagya ring naningkit ang mga mata nitong nagtatago sa makapal na salamin. Parang hindi gustong makitang nakahawak si Santi sa kanyang batok. "Get in the car," ani Santi nang makapasok sila sa bagong sasakyan. Napaawang ang mga labi ni Neela. "Wala ba 'yong kakarag-karag lang, Sir? 'Yong kahit mabangga eh abot-kaya lang ang repair? Nakakatakot naman 'to. Parang tamaan lang ng lamok, mapapagastos na ko ng mahal." "Sino ba ang nagsabing ikaw ang magpapa-repair kung may sira?" Binuksan nito ang pinto. "Just get in." Wala na siyang nagawa pa kun'di ang pumasok sa loob ng sasakyan. Nang maisara nito ang pinto ay naglakad naman ito patungo sa shotgun seat. Neela's heartbeat doubled. Nanlalamig ang mga palad niya at parang nahihirapan siyang huminga dahil sa tindi ng kaba na nararamdaman niya. "Sir, bike na lang. Okay na ako doon. 'Di ba may e-bike naman? Magiging reyna pa ako ng daan doon. Gano'n napapanood ko sa Reels, Sir. Hindi na rin kailangan ng lisensya," pangungumbinsi niya kay Santi ngunit bumuntonghininga lamang ito saka na inabot ang seatbelt niya. Neela held her breath as Santi's body leaned towards her. Sobrang lapit ng kanilang mga mukha kaya halos magtama ang tungki ng kanilang mga ilong. Halos mabingi rin siya sa lakasn g t***k ng kanyang puso. Ang magaling namang si Santi, mukhang nahalata pa ang epekto ng ginagawa nito sa kanya kaya hindi kaagad hinila ang seatbelt. He just smirked and teased her by slightly leaning his face closer to hers. "Are you nervous, hmm?" tanong ni Santi sa medyo nang-aakit na tinig. Nalunok ni Neela ang sariling laway. "O-Opo." Santi licked his lower lip. Maya-maya ay bigla na lamang siya nitong hinalikan. Napasara siya ng mga mata at wala sa sariling napatugon sa mapusok nitong mga halik. Bigla niyang nakalimutan ang takot niya sa driving lesson nila. It was as if his kisses had drown her anxiousness and replaced it with the kind of sultry feeling he knew she could never resist. Halos habulin ni Neela ang kanyang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Makahulugan namang ngumisi si Santi habang hindi pa rin inilalayo ang mukha sa kanya. "Still nervous, hmm?" Lumunok siya. "I-Isang kiss pa para . . . para wala na talagang kaba." Santi scoffed. "You silly . . . silly girl," he said under his breath before claiming her lips once more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD