KANINA pa hindi nawawala sa isip ni Santi ang sinabi ni Neela kay Rome. He doesn't want to make it a big deal but here he is now, jugging a large bottle of whiskey to wash away the irritation he felt earlier.
Inis niyang hinilamusan ang sariling mukha gamit ang kanyang palad bago siya nagpakawala ng marahas na buntonghininga.
"What the f**k is wrong with you, Santi?" he murmured to himself before he jugged his whiskey again until he couldn't take in anymore.
Hindi niya na maintindihan kung saan ba talaga nanggagaling ang init ng kanyang ulo. Ang alam niya lamang ay hindi niya nagustuhan ang dating ng sinabi ni Neela kanina. Pakiramdam niya ay sinampal siya ng katotohanang hindi niya kailanman inasahan. Maybe because he thought she likes him that's why she offered herself to him. Ngunit ngayong ganoon na ang sinabi nito ay napaiisip siya.
Gusto nga ba talaga siya ni Neela? O sadyang masyado lamang siyang umasa at binigyang kahulugan ang mga ipinakikita nito sa kanya?
He finished his bottle before he went out of his office. Balak niya na sanang dumiretso sa kanyang kwarto kung hindi niya lamang napansing bukas pa qang ilaw patungo ng garahe.
Neela is so conscious about his utility bills. Kahit na kaya niya namang bayaran ang bills niya ay sigurado siyang hindi basta hahayaan ni Neela na nakabukas ang mga ilaw na hindi naman masyadong kailangan. Gaya na lamang noong patungo ng garahe.
Santi's brows furrowed. He walked towards the garage instead only to find Neela inside the car he gave her. May hawak itong ilang papel. Tila ba isinulat nito roon ang mga bagay na dapat nitong matutunan upang maging mahusay sa pagmamaneho.
He knocked on the window. Neela startled. Nanlaki ang mga mata nito. Halatang nabigla na naroroon siya.
She immediately went out. "Sir."
"What are you doing?"
Dali-daling itinago ni Neela ang mga papel na hawak saka nahihiyang umiwas ng tingin. "Wala po."
He looked behind her and grabbed the papers. Pilit nito iyong inabot ngunit itinaas ni Santi ang kamay niya saka niya iniyakap ang isa niyang braso sa mga balikat nito.
"Sir!" asik nito habang nagsisimula nang uminit ang pisngi.
"Let me read it," he said in a serious tone. Pinasadahan niya ng tingin ang mga nakasulat saka niya ito tinitigan sa mga mata. "Don't tell me ayaw mong turuan kita kaya mas gusto mong mag-aral mag-isa?"
Napansin niyang kinabahan ito. "Hindi po sa gano'n-"
"Tanginang po 'yan." His jaw clenched. "What the hell is your problem?"
Nalukot ang noo ni Neela. "Ha? Wala akong problema, Sir. Saka matagal na akong nagpo-po sa'yo. Bakit parang nagagalit ka na ngayon?"
Dumilim ang ekspresyon ni Santi hindi dahil nainis siya rito kun'di dahil naiinis na siya sa sarili niya kung bakit niya ba iyon ginagawang big deal. Wala naman dapat iyong issue sa kanya, hindi ba? Gaya nga ng sabi nito, matagal na itong nagbibigay-galang sa kanya para masamain niya ang sinabi nito.
Neela sighed. "Sir Santi, marami ka bang nainom kaya ka nagkakaganyan?"
Umiwas ng tingin si Santi saka niya ito pinakawalan mula sa pagkakayakap ng isa niyang braso rito. "I only had a little. I just don't like it when you openly show me that you don't really need me as much as I need you."
Napatigil silang dalawa. Neela looked surprised with what he said while Santi froze on his spot. Gusto niyang murahin ang sarili niya. Saan ba iyon nanggaling? Ano ba ang nangyayari sa kanya? Is he losing his mind or something? Hindi pa naman siya nagkaganito noon sa ibang babae. Kahit sa ina ng mga anak niya kaya ano ba ang pinagmumulan ng mga kilos at pananalita niya ngayon?
Tumalikod siya rito ngunit kaagad na humabol si Neela. Tumayo ito sa harap niya saka nito iniangat ang mga braso na tila nakikipagpatintero sa kanya.
"Hep! Ano 'yong sinabi mo, Sir? May sinabi ka."
He sighed. "That's nothing."
Sumimangot ito. "Meron, eh." Nagpamaywang ito. "Hindi ko lang gaanong naintindihan pero sigurado akong parang sinabi mong kailangan mo ako."
"Of course I need you. You work for me," he lied.
Napansin niyang lumungkot ang mga mata nito. "Iyon lang 'yon? Kasi nagtatrabaho ako sa'yo?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Why, hmm? Hindi ba ay s*x lang naman ang habol mo sa akin? You openly said it to Rome." Gosh, he sounded so bitter!
Neela scoffed. "Bakit parang nagagalit ka?"
Umigting ang kanyang panga. Imbes na sagutin ito ay umiwas siya ng tingin. No, he's not going to confess. There is nothing to confess in the first place.
His stomach twisted with his own lies. Tila ba alam na ng sistema niya ang totoo. Tanging ang isip lamang niya ang ayaw siyang hayaang sabihin sa dalaga ang katotohanan.
Neela heaved a heavy sigh. "Alam mo, Sir? Sinabi ko 'yon kasi ayaw kong maisip ni Sir Rome na pinagsasamantalahan mo ang kamuwangan ko. Pero kung ikinagalit mo pala 'yon, sorry."
Tumingin siya rito. "You did that for me?"
Marahan itong tumango. "Oo. Ayaw ko kasing husgahan ka ng ibang tao. Hindi naman nila alam na ako ang nag-alok ng sarili ko sa'yo, 'di ba? Ako itong desperada. Ayaw kong dahil sa kagagahan ko ay mapahamak ka o pag-isipan nang masama lalo ng mga taong malalapit sa'yo."
Lumamlam ang mga mata ni Santi. Gusto niya tuloy suntukin ang sarili niya dahil dinamdam niya iyon gayong siya lamang din pala ang iniisip ni Neela.
Nilunok niya ang sarili niyang laway saka siya ulit tumitig kay Neela. "I don't care kung ano ang isipin nila. What I don't like is getting confused. Ayokong nakakaramdam ng pagkalito."
"Saan ka ba nalilito, Sir?" tanong nito.
His cheeks started to burn out of shame. Ilang segundo rin siyang natahimik. Hindi alam kung tama bang hayaan niya ang sistema niyang sumagot para sa kanya.
Neela sighed before she held his arm. "Saan ka nalilito, Santi? Para maipaliwanag ko."
Nilunok niya ang bara sa kanyang lalamunan saka niya ito hinawakan sa batok. His eyes softened as he stared deeply into hers. Ewan ba niya pero parang bumagsak ang depensa niya noong tinawag na siya nito sa kanyang pangalan.
"I'm . . . confused. Kung may nararamdaman ka ba para sa akin o sadyang . . . gusto mo lang na nabibigyan kita ng atensyon. Kung gusto mo lang na napapaligaya kita sa kama."
Neela inhaled a sharp breath. She looked hesitant at first but Santi caressed her jaw as if silently telling her to confess whatever it is that she has in her mind.
"Tell me, Neela," he said in a gentle way.
Payak itong ngumiti. "Maiintindihan ko kung maiilang ka na sa akin, Sir pero kasi . . . may gusto talaga ako sa'yo at . . . parang hindi ko na talaga kayang alisin pa."
His heart pounced. "Isn't it . . . out of lust?"
Kumunot ang noo nito. "Last? Huli?"
Santi scoffed. Hindi sa pinagtatawanan niya ito kun'di dahil talagang minsan ay nagagawa nitong pagaanin ang dapat ay nakakakabang sitwasyon.
"No, uh . . ." He clicked his tongue. "I can't remember the word. It starts with L I think."
"L? Tapos?"
"Nararamdaman mo kapag gusto mong may mangyari sa atin."
Sandaling nalukot ang noo nito na tila nag-isip nang malalim. Maya-maya ay umaliwalas ulit ang mukha. "Ah! Libog?"
"I guess so."
She laughed softly. "Hindi, ah. Kahit naman yummy ka, Sir hindi naman ako nagka-crush sa'yo since day one dahil lang sa libog. Grabe ka naman mang-judge."
Umismid si Santi. Para siyang teenager na tila kinilig sa pag-amin nito na nagkagusto na ito sa kanya simula pa lamang noong unang araw silang nagkita.
"Hmm, now my anger is gone." He clutched her hair. "I'm feeling horny now." He glanced at her car. "Get inside. I wanna rock you inside your car."
Napakurap ito. "Sa kotse ko?"
"Yeah." He licked his lower lip then gently tightened his grip on her hair. "Let's mark your car tonight until you cannot walk anymore . . ."