Kabanata 25

1102 Words
ILANG araw nang nahuhuli ni Santi ang sarili na ngumingiti-ngiti nang hindi niya namamalayan. Sometimes he wanted to slap himself already because he knew the reason why. Walang iba kun'di ang makulit na si Neela na lalo nang napalalapit sa kanya magmula noong inamin nito sa kanyang matagal na itong nagkakagusto sa kanya. Something has changed in him. Although it didn't happen overnight, he's becoming more and more honest with himself lately. He's beginning to like her in a very special way. Sa paraang ikatatakot o ikaliligaya ng puso niya. Para na nga siyang teenager na nagpapagwapo nang husto bago bumaba ng kusina para mag-almusal. He likes catching Neela stare at him. Para bang may mga bubuyog na nagbubunyi sa kanyang tiyan tuwing nahuhuli niya itong namumula kapag binabati niya. Ang problema lang, kapag siya naman ang pinuri nito ay para rin siyang siraulong biglang nawawalan ng angas sa katawan. Gaya na lamang kanina noong humabol ito noong paalis sila ng mga bata at sinabi nitong huwag siyang gaanong magpaka-stress sa trabaho dahil masyado siyang gwapo para magkaroon ng wrinkles. Wrinkles, huh? Mukhang gusto yata niyang ma-conscious ngayon tungkol sa fine lines niya. "Sir?" tawag ng kanyang sekretarya. Napahugot siya ng hininga. "Yeah?" Nawala na naman siya sa sarili dahil sa lintik na wrinkles. Bakit naman kasi hindi na umaakma sa edad niya ang epekto ni Neela sa kanya? Tumingin ang kanyang sekretarya sa intercom. "Uh, aren't you gonna take Sir Lennon's call?" Doon lamang napagtanto ni Santi na nag-forward nga pala ng tawag ang sekretarya niya sa kanya. Mukhang pinuntahan na siya nito dahil nga hindi niya pinapansin ang tawag. Umayos siya ng upo saka siya tumikhim. "I'll take this now." His secretary excused herself and left. Nang tuluyan itong nakaalis ay sinagot niya ang tawag ni Lennon. "Santi . . ." bungad ni Lennon sa tila nahihirapang boses. Napakunot ng noo si Santi. "Bakit ganyan ang boses mo?" Lennon coughed on the other line. "Ni-raid ang hideout ko." "Ano?" His teeth gritted. "Who did it?" "Siguradong mga tauhan ni Amanda. Binugbog ako at pinatay halos lahat ng tauhan kong nadatnan sa lugar. Even my crocodile was shot to death. Hinalughog ang buong lugar pagkatapos para sa tapes. Nag-iwan din ng mensahe para sa'yo." Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Santi habang nakaramdam naman ng pamilyar na kaba ang dibdib niya. Isang tao lang ang kayang makapagdulot nang ganoon sa kanyang sistema. Walang iba kun'di ang lintik na ina ng mga anak niya. Santi swallowed the pool of saliva in his mouth. "What message?" Narinig niya ang muling pag-ubo ni Lennon sa kabilang linya. "It's about Neela." Nanlamig ang buong sistema ni Santi. "What about her?" Lennon sighed. Maya-maya ay tuluyang nanikip ang dibdib ni Santi nang narinig niya ang mensaheng ipinararating sa kanya. No. Not Neela . . . EXCITED na inabangan ni Neela si Santi na makauwi. Hawak na niya ang enrolment form niya pati ang student license niya na pareho niyang nakuha ngayong araw. A part of her wanted to share the new milestones with Santi. Nagkakamabutihan na sila nitong mga nakalipas na araw. Ramdam na ramdam na niya iyon. Hindi man direktang napag-uusapan ay napapadalas na ang pagtulog nila nang magkasama sa iisang silid. Nauuna lamang siyang bumabangon upang asikasuhin ang mga bata ngunit buong gabi ay nakayakap si Santi sa kanya. It was like they're in a silent agreement to be in a secret relationship. Sana lang ay hindi lamang siya nag-iilusyon dahil siguradong masasaktan siya nang husto kung sakali. "Mommy? Wash that po?" usyoso ni Esme sa kanya. "Ito, baby? Enrolment form ko at student license. Mag-aaral na rin ako para naiintindihan ko na ang mas maraming bagay." Esme pointed herself. "Mag-klasmeyt na sa'kin, mommy?" She giggled before she pinched Esme's cheek. "Hindi, baby. Iba ang klaseng papasukan ko pero kapag wala tayong pasok, sabay tayong mag-aaral, ha?" Tumangu-tango si Esme. "Opo!" Hinaplos niya ito sa buhok. Maya-maya ay narinig na nila ang pagdating ng pamilyar na sasakyan. Nauna kasing umuwi ang mga bata kanina dahil sinundo ni Rome sa eskwelahan. Nagpagabi raw kasi si Santi sa opisina. Akala ni Neela ay dahil natambakan ito ng gawain ngunit nang mapansing tila nakainom ito ay nalukot ang noo niya. "Sir Santi? Uminom ka?" hindi niya napigilang itanong. Nagtaka siya noong tila iniwasan nito ang kanyang tingin. Umigting din ang panga nito at ang adam's apple ay nagtaas-baba. He gave Esme a kiss on the cheek before he asked the little girl to go play with Tino. Noong sila na lamang ang natira sa sala ay sandaling ihinilamos ni Santi ang palad nito sa sariling mukha. Tila ba namomroblema. "I had a few glasses in the office but I am not drunk." He sighed. "Wait for me in my study room. I'll just . . . get something upstairs." Iyon lamang ang sinabi nito bago tuluyang naglakad patungo sa hagdan. Parang nakaramdam siya ng kaba. Bakit ganoon? Parang may nagbago rito at sa pakikitungo nito sa kanya? Kahit na kinabahan ay sinunod niya ang utos nito. She waited for him for more then ten minutes. Akala niya ay nakalimutan na nito ang iniutos kaya lalabas na sana siya para puntahan na lamang ito ngunit bago pa man siya nakatayo ay pumasok na si Santi sa loob. Napansin niya kaagad ang brown envelope na dala nito. He sat on the swivel chair and then cleared his throat without looking at her. "Come here, Neela. We need to discuss something important." Kinakabahan siyang lumapit sa desk nito. She sat on the visitor's chair and then watched his shoulders go up and down quite a few times. Tila ba may nagpapabigat ng dibdib nito kaya panay ang paghugot at buga ng malalim na hininga. "S-Sir?" tawag niya nang pagkalipas ng ilang menuto ay nanatiling tikom ang bibig nito. Santi sighed before he pushed the brown envelope towards her. "Take it," may kalamigan ang himig ng tinig nitong sabi. Nalunok ni Neela ang sarili nyiang laway. Kinuha niya ang envelope at sinilip ang laman. Nang makita ang nasa loob ay nanlalamig ang mga kamay niyang binalikan ng tingin si Santi. "B-Bakit ho . . . ang daming pera rito? Para . . . saan po ito?" Santi leaned on his swivel chair then looked at her with a cold expression. "That's your separation pay, Neela." Napakurap siya ng mga mata. "P-Po?" "Your separation pay." He looked away. "Dito na natatapos ang paninilbihan mo sa pamilya ko kaya . . . makakaalis ka na dahil hindi na kita kailangan . . ." Parang tumigil yata ang mundo ni Neela . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD